IGAB 18: Library knows 2

18 0 0
                                    


Pinagmamasdan ko lang siya at kitang kita ko sa mukha niyang takot na takot na siya! Sabi ko na eh bakla to kaya walang lovelife.

May napansin akong puting tela sa may gilid ko! *evil grin*

Kinuha ko iyon at tinalukbong sa buong katawan ko, binuksan ko din ang flashlight para mag mukha talagang totoo, pagkatapos nun ay   naglakad ako ng dahan dahan at nagpakita sa kanya! And he was so shock! As in matatawa ka talaga sa reaksyon niya!! :D hindi pa man nakaka limang segundo nung nakita niya ko bigla na lang siyang humandusay sa lapag! Nagulat din ako syempre kaya agad ko siyang nilapitan.

*after 20 mins. Nagising na din siya*

"Buti naman gising kana, kala ko naman may nangyari nang masama sayo, Alam mo ba yung itsura mo kanina grabeeee Captured moments yun! Hahahaha... ang gara mo kasi eh kalalaki mong tao takot ka sa mga multo multo na yan!! Hahahaha... at alam mo ba-..."

Natahimik ako dahil hindi man lang siya nag re-react sa mga sinasabi ko, dapat ngayon nagagalit na siya, sinisigawan ako o kaya naman ay sasaktan na ako pero tiningnan ko siya at nakabaluktot siya ng higa giniginaw ata.

Medyo lumapit ako sa kanya at hinipo ang noo niya! Gosh!! Ang init!! Hindi pa ko nakuntento at hinipo na din ang leeg niya!! Naku po baka mamatay siya!!

"ANG INIT MO!! TEKA MAGHAHANAP AKO NG GAMOT!!"

tatayo na sana ako!! Ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko!

"Please don't leave me!!"

"Please Stay" ... "I need you dad"

Nanaginip pala siya! Naawa tuloy ako! Kasalanan ko to eh baka talaga may phobia siya sa mga ganito ganito na konsensya tuloy ako!

*
*
*
*
*
*

"Nako mga kabataan nga naman ngayon!"

Nagising ako dahil sa boses na yun and pagkamulat ko nakita ko ang posisyon namin ni kurt siya na naka yakap sa katawan ko at ako naman na nakayakap din!!

Ewan ko ba pero parang ayoko pang umalis sa ganoong posisyon namin! Nakita ko din na nagising siya! At sinabing...

"Baka matunaw ako"

Dali dali naman akong napabangon at  kumalas sa pagkaka yakap ko sa kanya, nakakahiyaaaa >_< , tapos ay agad ko ng tinignan kung sino ang nag salita si manong janitor pala!!

"Nako manong salamat naman! Pwede po bang pakitulungan ako nakulong po kami dito kagabi! And may sakit po itong kasama ko! Kailangan na po naming makauwi!"

Agad naman akong tinulungan ni manong at agad naman kaming sumakay ng taxi medyo madilim pa at siguro'y 4 am pa lang ng umaga. Kaya medyo wala pang tao. Mabuti na lang at may mga bumibiyahe ng mga taxi kaya mabilis kaming nakasakay! Nasa taxi na kami at nilalakbay na ang mansyon nila! Iniisip ko kung pano kami uuwi neto! Malalagot ako sa lola ko siya naman lagot sa mommy niya! Hayst! Hinipo ko siya at ganun pa rin ang kalagayan niya. Nagising na din siya nung nakarating na kaming bahay nila. Pupunta na sana akong gate ng pigilan niya ko!

"Bakit?"

"Dito tayo dumaan siguradong malalagot tayo pag dyan tayo dumaan!"

Sinundan ko na lang siya at mukhang nahihilo pa siya dahil may mga times na parang matutumba siya. Tinignan ko ang bakod na hinintuan niya! Seryoso dito kami dadaan eh napaka taas nung bakod at walang hagdan! Nakita ko naman ang pagkilos niya may kinuha siyang hagdan at isinandal iyon sa puno na medyo katabi ng bakod mataas din ito at abot hanggang balcony ko! Napaisip ako eto kaya yung dinadaanan niya pag pumupunta siyang kwarto ko! At tekaaaa!!! Dyan ba kami dadaan??

"Dyan ba tayo dadaan?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa tingin mo?" Binigyan niya lang ako ng bored look.

"Kaya mo ba? Baka malaglag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Tsss... bilisan mo na!"

Sabi niya at nauna na nga akong umakyat.

I Got A Boy  (Slow update)Where stories live. Discover now