Chapter 5 - Fears and What Ifs

181 4 0
                                    

Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa utak ko.

Mahal ko naman talaga si Jillian - mahal na mahal.

Pero andun pa rin yung kagustuhan ko na magkaron ng fall-back sakaling magising ako isang araw na wala na sya sa tabi ko.

"What now?!" tili ni Jeena habang inaayos ung blouse nya at ibinabalik sa pagkakabutones.

"Will you just - just - leave me okay? I'll talk to you someother time." naiinis ako. Kasama ko si Jeena dito sa staff room dahil may idi-discuss daw kaming article.

Dala ng sadyang kalokohan ko sa babae sinubukan ko kung tatalab ang karisma ko sa kanya. At maniwala man sila o hindi - nagulat ako na palaban pala ang bagong staff ng college paper namen. Game na game. At parang inaasahan nya talaga ang mga eksena sa pagitan namen.

Padabog na lumabas ng staff room si Jeena.

Naiwan akong nag-iisip. Pakiramdam ko Jillian deserves someone better than me. Pero parang hindi ko kaya. Oo g*go ako! Pero alam ko yung nararamdaman ko. Kaya nga sa kabila ng sandamakmak na break up at cool-off ako pa rin ang sumusuko at nakikipagbalikan sa huli.

"This is your last chance, Brent. Promise me, no more monkey business and all that." nangako ako. Pero sa huli hindi ko na naman napanindigan ang pinangako ko.

Tumayo ako para sundan si Jillian. Nalilito pa rin ako. Natatakot ako sa lalim ng feelings ko sa kanya.

Pero hindi ako pwedeng kontrolin ng nararamdaman ko. Ako ang dapat kumontrol. Kailangan mangibabaw ang isip ko.

Lumabas na rin ako ng staff room. Hindi ko kagad napansin ang pinsan ko.

"Nangyari?" hindi ko maipagkakaila yung galit sa tono nya.

"Wala toh pinsan. 'Lam mo naman pag-iinarte ng mga chikababes. Hehe!" ang plastik ko. Pero hindi, hindi dapat makita ng kahit sino ang nararamdaman ko. Kahit ng pinsan ko.

"Ikaw ba talaga Brent wala nang gagawing matino sa mga babae?"

"Whoa! Teka, tatay na ba kita ngayon? Tsaka kelan ka pa nagkaron ng pakialam sa affairs ko. Haha! Alam ko ginagawa ko 'insan. Just mind your own business" tumalikod na ako. Sa lahat ng kamag-anak, dito lang ako kay Jethro malapit. At sa oras na ito wala akong planong bawasan yung iilang taong napgkakatiwalaan ko.

Kelangan kong hanapin si Jillian para magpaliwanag. Hindi, para tapusin na lahat. She deserves someone better than me.

Lord, help me. This won't be easy but this is the best thing to do. Paulit-ulit ko lang syang masasaktan. At higit ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko syang umiiyak lalo na ng dahil sa'ken.

+++

Tama ako, nasa open-field si Jillian. Nakaupo sa ilalim ng puno ng batibot.

Dahan-dahan akong lumapit.

"Jill.." pa'no ba magpaalam sa taong naging napakalaki parte ng buhay mo sa napakaiksing panahon?

Nakatungo lang sya at nakatitig sa sapatos nyang nilalaro ang mga ligaw na damo.

"Sorry, Jill. I have no intention of hurting you." mali ata. Parang gasgas na ang linya kong toh pagdating sa kanya.

"Jill, please talk to me. Magalit ka. Sumigaw ka. Saktan mo ako. But please believe me. I'm really sorry, Jill." gusto ko nang magpaalam. Hindi magtatagal hindi ko na kakayanin. Hindi magtatagal hindi na pagpapaalam ang sasabihin ko.

Tumayo sya at naglakad pabalik sa school grounds.

Patatawarin nya na ba ako? Pero pagnagkaganon kaya ko pa bang magpaalam sa kanya?

Pa'no na nga ba?

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon