Chapter 6 - Quits

161 5 0
                                    

Naglakad ako papunta sa campus walk-way.

Panay ang tawag ni Brent sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin.

Sobrang sakit. Sobrang dami kong isinakripisyon para lang sa kanya. Wala syang karapatan na saktan ako ng ganito. Nangako sya at pinanghawakan ko yung pangako nya.

Naramdaman ko na naman yung pagdaloy ng luha sa magkabila kong pisngi. Pinagtitinginan na kame ng mga tao sa walk-way.

Binagalan ko ang lakad ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Brent sa braso ko. Lumingon ako para lang makita ang nagmamakaawa nyang mga mata.

Pero naman! Ilang ulit na. Magpapauto na naman ba ako?

Akala siguro ni Brent sa daming pagkakataon ko syang pinatawad ay pasado na'ko sa pagiging anghel. Oras na para kahit papano makaganti naman ako.

"Sorry.." sorry na naman?! Naglolokohan na lang kame nito pagnaniwala pa ako. Oo, naglolokohan kasi ako naman si t*nga, nagpapaloko!

"Sana, sana lang, sinabi mo na kagad saken. Sana hindi mo ako pinaasa at pinagmukhang tanga. Sinayang mo lahat-lahat, Brent! Wala na tayo!" there! I did it!

Kilala si Brent sa buong campus. At sa eksenang ginawa ko, malamang buong campus pag-usapan ang pagkapahiya nya.

I know it doesn't look good pero bago naging kame, balitang-balita kung pano mapahiya yung mga naging gf nya na harap-harapan nyang itinatanggi.

Now, I didn't only get to have my revenge - pati yung mga babaeng pinaluha nya kahit papaano naiganti ko rin!

But who says we're quits?

Simula pa lang yan, Brent. Simula pa lang.

+++

"Hey!" look who's here. Kasalubong ko lang naman ang pinsan ng magaling kong EX-BF!

"Hey yourself." matabang kong sagot. Sa lahat kasi bakit ito pa ang nakasalaubong ko.

Awkward dahil wala naman siyang ginawang masama saken pero naiinis ako sa kanya dahil konektado sya kay Brent.

"I know I shouldn't ask. And I'm sorry bout what happened with you and Brent." sincere na sabe ni Jethro.

Sinabayan nya ako sa paglalakad hanggang sa harap ng college org office.

Nahihirapan akong huminga. Nagsisikip ang dibdib ko. Saglit lang yung sayang naramdaman ko saya sa tagumpay ko kanina. Ngayon, eto na naman yung sakit. Yung feeling of betrayal.

Hindi ko pa kayang harapin ang kahit sino na hindi ako maiiyak.

Pumasok ako sa loob ng college org office.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon