Chapter 7 - Bahala Na

152 4 0
                                    

Hindi ko napigilan. Sinundan ko si Brent.

Kitang-kita ko kung pano sya napahiya sa harap ng madaming tao. Pero sa pagkakataong ito, mas matimbang ang nararamdaman kong asar sa ginawa nya sa babaeng hinahangaan ko. He deserves it!

Sinalubong ko si Jillian pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Hey!" yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Hey yourself." I understand she might be upset with me since hindi lang barkada kundi pinsan ko pa si Brent.

"I know I shouldn't ask. And I'm sorry bout what happened with you and Brent." nagulat ako sa sinabi ko. I didn't mean to meddle with whatever problem they are having right now pero sa hindi ko maintindihang dahilan, eto ako, nakikiaalam.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa loob ng college org office.

May klase ako. Nagkataon lang na naiwan ko yung notebook ko sa canteen kaya binalikan ko. At nakasalubong ko nga etong umiiyak na si Jillian nung pabalik na ako.

Sa nakita kong eksena, nawala na sa isip ko ang pumasok sa klase ko. Magtataka ang barkada pero bakit ba? Kailangan ako ni Jillian. Nararamdaman ko. Kailangan nya ng makakausap.

Nakaharap sa bintana si Jillian. And from the looks of it, pinipigilan nya ang pag-iyak. I gave-in to the sudden urge to take her in my arms.

"Sabe nya hindi na nya uulitin. Sabe nya I just have to give him one last chance. Sabe nya hindi nya ako sasaktan. Sinungaling sya." she sobbed. Patuloy sya sa pag-iyak sa dibdib ko. At sana hindi nya napapansin na bumilis ang tibok ng puso ko.

Well, sinungaling din ako dahil mula nung ipakilala sya ni Brent sa barkada, alam ko na kagad na gusto ko sya. Pero dahil sa circumstances, wala akong nagawa kundi itago ang paghanga na hindi ko sinasadyang mauwi sa pagmamahal.

"I want to get out of here, Jeth. I want to forget all these."

I raised her face and wiped her tears away.

"Let's go then." bahala na.

Ako din, I want to get out of here. Forget everything for now.

Kalimutan si Brent at ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa kanya kay Jillian.

And for once, maging akin ang babaeng matagal ko nang lihim na pinapangarap..

Lihim na iniingatan..

Lihim na minamahal.

We walked out of the college org office and went straight to where my motorbike is parked.

Bahala na.

*to be continued... 

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon