Chapter 3 - Aminin!

214 3 2
                                    

"Mike, ano ka ba naman, ilalaglag mo pa si Brent!" sita ni Lance kay Mike na kakamot-kamot naman ng ulo.

"Pasensya na mga tol, Carried away ako. Kasi naman yang si Brent wala ring ingat."

Parang alam ko na ang karugtong ng sasabihin ni Mike.

"Sino naman ngayon?" at hindi lang pala ako, nauna nang nag-usisa si Joey.

"Haiii, c Jeena, yung bagong staff ng college paper. Nadaanan naming ung dalawang masinsinang nag-uusap." hindi maipinta ang mukha ni Paul habang nagsasalita.

"Ahaha! Kung nag-uusap ang definition ng dalawang taong magkadikit ang mga lips, aba, kakausapin ko na lahat ng babae sa campus!" eto talagang si Mike pagkalokohan di pahuhuli.

"Anong plano mo, Jeth?" hindi maitatangging may kakaibang pakahulugan si Joey sa sinabe kaya naman si Lance...

"Plano? Saan?"

"Ah sa project naten ke Cabaddu. Wala pa kasi akong nasisimulan." Diniinan ko yung paa ni Joey na nasa ilalim ng mesa. "Kainis talaga tong isang toh!"

"Aray!" napabigla ata yung tapak ko, pero kumambyo naman si kumag, "..ako din pala wala pang nasisimulan!" naluluha na si Joey sa lakas na apak na ginawa ko.

"Hey tell us. Me tinatago ka ba Jeth?" likas talaga sa bagsik ang pang-amoy ni Paul.

"Aamin ba ako? Haiii, baka pagsimulan lang ng gulo."pero etong si Joey parang ogag naming obvious na nakatanga sa'ken. "Pano pa'ko maglilihim?!"

"S-si J-jillian kasi tol..." at yun po, di ko maituloy.

"Ano si Jillian?"

"Kasi Lance. Haiiiiiizzz!!"

"Sows, Jeth, kame-kame lang toh. Kundi mo matuloy ako na! Kursunada nyan ang syota ng pinsan nya!" walang kapreno-prenong naman talaga tong si Joey.

TOINK!!!

Di ko na napigilan, nabatukan ko ng wagas si kumag!

"Baka pwede wag na lang lalabas. Tutal wala naman akong balak i-pursue kung ano mang paghanga etong nafi-feel ko. Maasahan ko ba?"

"Sa ikatatahimik ng barkada, hindi talaga dapat makarating ke Brent yan. Possessive yun ke Jillian, which is so not him given his generosity to us pagdating sa mga babae nya!" sang-ayon kagad si Nathan na nakatingin pa kay Joey na parang sa kanya ipinapaalala.

"Okay, so deal, tayo-tayo lang ang makakaalam. Magpromise kayo!" hayun lahat sila pabirong binatukan si Joey.

"Eh ikaw dyan ang madaldal!!!" di nakatiis na comment ni Paul.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon