Chapter 13 - Tayo na ba?

149 6 0
                                    

Ako siguro ang pinakanagulat sa sinabi ni Jillian.

Imagine, girlfriend ko na pala sya pero hindi ko pa alam?! Pwede pala yun?!

Teka, girlfriend ko sya? Weh? Pero sabe nya eh? Pero bakit nga hindi ko alam?

Tulala akong nakatingin sa papalayong si Brent.

"Ayos ka lang ba?" si Jillian na nasa tabi ko pa rin at sinisipat ang sugat ko sa labi.

Eksena sa pelikula? Lumingon ako sa paligid. Parang wala namang nakapansin samen. Kame lang magkakabarkada ang nandito ngayon sa parking area. Siguro kasi karamihan ng estudyante me klase pa.

Tumango ako at tumayo saka ko sya inalalayan ding tumayo.

"Ambilis mo naman Jeth. Kayo na pala di ka man lang nagsasabe!" si Mike ang unang nagsalita sa grupo. Sa nakikita ko ngayon mukhang kahit sila nagulat sa revelation ni Jill.

Kung ako ngang involve nagulat, sila pa kaya. Pero teka, hay, syempre naman sinabe lang yun ni Jillian to get even with Brent. Ayos lang, mahal ko naman sya, okay lang magpagamit. Haha, kahit paulit-ulit.

Lumingon ako at ngumiti kay Mike, sasabihin ko sanang joke lang yun pero naunahan ako ni Jillian.

"Hindi naman kasi alam ni Jethro na sinagot ko na sya. Hindi ko rin naman kasi alam kung nanliligaw sya. Pero kasi -" pulang-pula yung mukha ni Jillian.

"Mahal mo na, Jill?" eto na naman si Joey, ngiting-ngiti.

"Kasi kami, sure kami mahal ka nyan!" si Nate na nakasandal sa kotse nitong nakaparada sa di kalayuan.

Napakamot ako sa batok, nakita kong umawang ang mga labi ni Jill na parang hindi rin makaapuhap ng tamang salita para sa sitwasyon namin ngayon.

Isa na naman ito sa mga "bahala na" moments ng buhay ko. Kung anuman ang gusto ni Jillian, sasakyan ko na lang muna. Bahala na kung may masaktan man sa amin ni Brent - wag lang si Jillian.

"Gusto ko sanang sabihing magcelebrate ang barkada pero maiintindihan nyo naman siguro kung ipagpapaliban muna naten. Mukhang kailangan muna nating ayusin ang gusot nyo ng pinsan mo, Jeth." si Lance na parang noon lang nakahanap ng sasabihin. Tumingin sya saken ng deretso. At nauunawaan ko sa sitwasyon ngayon kailangang manimbang ng grupo sa pagitan naming ng pinsan ko.

"Wala kameng papanigan sa inyo, Jeth. Pero sa pagkakataong ganito, we know you'll understand better than Brent. He also needs us. He seems so unsure of what he's doing. At kilala mo si Brent higit kanino man." si Paul.

I nodded. Oo nga, I knew Brent better than anyone. At alam ko sa mga reaksyon nya na mahal nya pa rin si Jillian. Pero tulad ng dati, iniisip nyang kagaya lang din ng mom nya ang lahat ng babae. Iiwan syang nag-iisa.

+++

Dumeretso ako ng bahay pagkatapos ng gulo sa parking area ng university. Uminom sa bar sa loob ng bahay kong wala namang pamilyang maituturing na nakatira.

Lumaki ako sa isang magulong pamilya. Araw-araw me sabong sa loob ng bahay namin.

Kumpara sa pamilya ng pinsan kong si Jethro, mas nakaaangat kami financially. Pero kung saya ang pag-uusapan, mas masaya akong kasama ang pamilya nila kaysa sarili kong mga magulang.

Solong anak ako. Bigay-luho sa papa ko. Pero lumaki akong ayaw saken ng mama ko.

Banidosa at ayaw matali sa bahay. Tipikal sa socialite na kagaya ni mama. Lagi nyang kasama ang barkada nya at iniiwan ako sa mga yaya.

Madalas yun ang simula ng away nila. Darating si papa na wala si mama. Tapos magigising ako na nagsisigawan sila sa kwarto nila na katabi lang ng kwarto ko. Walang pakundangan kung mag-away. Ni hindi ko naramdamang minahal nila ang isa't isa.

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon