Chapter 9 - Huli!

149 3 0
                                    

"Nakanampoots, Jeth and Jill! Haha, san kayo galing?"

Naglalakad kami ni Jeth sa mall nang may umakbay at pumagitan sa'meng dalawa.

"Joey?!" alam ko na katulad ko nagulat din si Jeth pero sa kabila ng gulat, napansin ko ang guilt sa mga mata nya.

Teka, never kong itinanong sa kanya kung alam ba ng mga kabarkada nya na magkasama kaming madalas lately. Hmmm.

"Hugis puso ang mga mata nyo ah. Kayo na? Kayo na ha?"

Napangiti ako. Sa totoo lang, Jeth made it easier for me to move-on. Masaya ako sa company nya and I was really glad I got to know him better these last two months.

Tumingin sa akin si Jeth, and from the looks of it, mukhang kailangang ipaubaya ko sa kanya ang sitwasyon.

"Ano kasi Joey, nagpasama ako kay Jill bumili ng materials para sa inoorganize nating booth for the college week." sana lumusot sya.

"Ah talaga. So close na kayo? Kelan pa. Di ka man lang nagkekwento! Kaya pala madalas ang eskapo mo. Kahit si Brent hindi ka maituro kapag may kailangan kami sa'yo. Yang celfon mo pa kundi cannot be reached, di mo naman sinasagot tawag at text namin. Tsktsk, nagagawa nga naman ng mga pusong umiibig, pati tropa nakakalimutan!" sa pagkakabanggit ni Joey kay Brent, hindi ko maiwasang maramdaman na naman yung sakit.

Unlike Joey, Jeth is discreet enough not to mention his name whenever we're together. Madalas sa bibig ko nanggagaling ang pangalang Brent pero iba pa rin talaga kapag sa ibang tao nanggagaling.

"Oras ba ng sumbatan? Basta, wala ka nakita. Hindi mo kami nakausap. Itikom mo yang bibig mo ha." tumingin sa'ken si Jeth na parang nagtatanong kung okay lang ako.

"Haha, ano ka ba naman Jeth. Oo, Joey, madalas nga kaming magkita lately nitong si Jeth. Haha. Wala namang masama di ba?" I smiled at Joey.

Para namang napahiyang yumuko si Joey, "Jill, sorry sa nangyari ha. Alam mo naman kaibigan na rin ang turing sa'yo ng tropa. Pasensya ka na kay Brent, may pagkainsensitive talaga at immature ang babaerong yun eh."

"Ano ka ba, ang kasalanan ng isa hindi naman kasalanan ng buong barkada. Isa pa okay naman na ako. Guess I just need to keep everything I've learned from that incident." ngingiti sana ako nung mapansin ko na may grupong palapit sa'men.

At hindi ko napigilang mapakapit sa braso ni Jeth.

I looked at Jeth as if asking for help.

Palapit nang palapit ang grupo sa'men pero kapansin-pansin ang pares na kahit nasa likuran ay kitang-kita ko pa rin,

Si Brent at ang babaeng talandi, panay ang bulungan at hagikgikan.

*to be continued...

My Cousin's GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon