Chapter 13
This is crazy. I don't know but when he asked me, nakaramdam ako ng takot. Hate to admit this pero yung naramdaman ko ay yung takot na once na umoo ako sa tanong niya, there's no way na sasaya ulit ako
And one realization hit me with what my father asked. It's not about the annulment, 'mahal mo pa ba si Ivan?' is the real question.
I sighed with that thought. Naguguluhan na ko sa sitwasyon namin at sa kung ano ang dapat kong maramdaman.
Tumingin ako kay mama at papa na nakatingin lang din sakin na para bang inaantay ang sagot ko. I just answer them with a shrug.
"I expect that that'll be your answer." Papa said tsaka sumandal sa inuupuan niya. Then tumabi sakin si mama at inakbayan ako. "It's okay anak. Wag mo na muna isipin 'yan ngayon, di pa naman kami nagmamadaling magkaroon ng apo."
"MAMA!" natawa lang siya sa reaksyon ko. Gosh! Naalala ko yung pagpunta ni Dad, I mean, ni Mr. Hernandez dati sa unit ni Ivan. He came just to tell us the reason why we have to be married.
"Biro lang baby. But seriously, don't think too much about the marriage thing. For now it's just a paper and you're too young for that. Ang isipin mo muna, of course your studies, na magkaroon ka ng magandang trabaho, you know. Just enjoy your self hanggang sa feeling mo stable at kontento ka na and you're ready to be settled with your marriage and live your life with the man you truly love." she said as if saying that the man I truly love is the man I am married with. I just don't know what to say or what to feel.
"Basta anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng papa mo. Don't push yourself too much to face everything if you're not ready. Just take your time to decide until you realize the worth of this marriage to you. Rerespetuhin naman namin kung anuman ang magiging desisyon mo." Niyakap ko lang si mama. These past few days, ang sabaw na ng utak ko. Buti nalang at pumunta ako dito at pinarealize nila sakin na kahit hindi ko parin alam kung paano ko haharapin at iaabsorb lahat lahat, hindi ko kailangan magmadali. There's no deadline for this and I'm not required to face it right away. The right time will come, for sure there will be right answer for everything. Unti-unti ring magiging malinaw sakin ang lahat.
Madilim na nung nagdesisyon akong umuwi. Hinatid ako nila mama hanggang sa may gate. Bago ako pumasok sa kotse, may pahabol pang tanong sakin si papa.
"Hanikka, are you in a good terms with Ivan?" Napaisip naman ako sa kung anong isasagot ko. Ang daming, para sakin, hindi masyadong magandang nangyari para masabing we're in good terms. Pero bigla kong naalala yung sinabi niya sakin sa phone, though I know he's drunk that time, hindi ko alam... but I feel like everything's fine between us.
"We're good, we're... friends." Alangan kong sagot pero hindi ko pinahalata. Tumango lang si papa.
"Speaking of, why don't you invite your friends here? Wala pa kong namemeet ni isa sa mga kaibigan mo maliban kay Zedrick." sabi naman mama. Oo nga, since nung bumalik ako dito hindi ko pa sila naipapakilala kay mama.
"Sure. Siguro this Sunday nalang para pwede lahat." Sabi ko. Maya-maya, bigla naming narinig na umiyak si Harvey.
"Naku, osige anak. Ingat ka sa pagdadrive ha! Asahan ko kayo ng friends mo sa linggo." Yumakap at humalik na siya sakin tsaka tumakbo papasok sa loob. Pero di pa siya nakakapasok, huminto siya at humarap ulit sakin, "Hanikka, friends din kayo ni Ivan, right? So I'll expect him to come."
"Pero Ma—" Magsasalita pa sana ako pero pumasok na siya sa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailan ko lang nalaman na kasal pa rin kami hanggang ngayon, I don't even actually sure kung tanggap na sa sistema ko yun! At hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. And then this, gusto ni mama na pumunta siya sa bahay...