Chapter 6
Nagdadrive na ko papasok sana ng school ng biglang tumawag si papa. Nagulat ako nung sinabi niyang kararating lang nila sa airport at wala akong kaalam-alam na ngayon ang dating nila. Pagdating ko doon, pinuntahan ko sila sa may resto ko saan sila kumain at nagpalipas ng oras.
"Pa, Ma! Bakit hindi niyo sinabi agad na ngayon kayo darating?" Yes, kasama si mama. Naalala ko nung sinabi sakin ni Papa na nagkabalikan na sila. Nung nakarating kami sa abroad at nagkita ulit kami ni mama for the first time after nung umalis siya, naiyak ko na ata lahat ng luha ko noong makabagbag damdaming tagpo namin. Nasama na din yung mga luhang hindi ko pa nailalabas ng dahil sa mga nangyari sakin. Lahat ng galit at sama ng loob nailabas ko nung mga panahong yun.
Well, I must say, masarap sa pakiramdam na may nanay kang iiyakan kapag nabrokenhearted ka.
Kumalas na ko sa pagkakayakap kay mama at papa, may biglang yumakap na bulilit sa hita ko. "Hanikka!" sabi niya habang nakatingala sakin.
"Yes Harvey, how was my little man?" binuhat ko siya. Harvey's my little brother. Pagdating ko sa abroad, nalaman ko nalang na may kapatid na ko. Akala nga nila magagalit ako dahil sa tinago ni papa sakin yung tungkol kay Harvey, but they don't have any idea how this little kid made me so happy in spite of all the shit that happened. Parang siya yung naging kapalit sa lahat ng nawala sakin at si mama. Harvey's 3 years old anyway.
"Hanikka, why it's so hot here? I wanna go back to America."
"Bakit? Ayaw mo ba kong makasama dito?"
"Eh?" Hindi niya naintindihan, kailangan kong turuan magtagalog ang batang 'to.
Humarap ako kay Mama at Papa. "Akala ko ba next month pa kayo uuwi?"
"Akala rin namin eh, napabilis yung proseso ng mga papeles kaya maaga yung pag-uwi namin dito. Tsaka ayos na rin yung bahay na pinagawa ko." Sabi ni papa.
"Huh? Ibig sabihin hindi kayo titira sa bahay?"
"No baby, it's your own house. Binili ng papa mo yun para sayo." Sabi naman ni mama. "But every weekend, dun ka uuwi samin."
"Of course!"
Hinatid ko muna sila sa hotel na tutuluyan nila pansamantala. Sabi ko nga dun nalang sa bahay kaya lang sabi ni papa masyado daw malayo sa pinagawa niyang bahay. Kailangan kasi nilang icheck yung bahay kung may dapat pang ayusin.
"Anak, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni mama.
"Actually papunta na ko ng school kanina nung tumawag kayo. But it's okay, wala pa naman kami masyadong ginagawa."
"Ditching your class huh. After this dumiretso ka na sa school mo." utos niya.
"Pero gusto kong sumama sayo inyo. Pupunta kayo sa bagong bahay diba?"
"No, papasok ka. Bukas, sasama ka sa mall para mamili ng gamit sa bahay. Okay na ba yun?"
"Fine."
Nagpaalam na ko nung naihatid ko na sila. Nahirapan pa nga akong umalis dahil gustong sumama sakin ni Harvey.
"See you tomorrow, anak." Mama
"Ingat sa pagdadrive." Papa
"Waaahh! Hanikka!" Harvey. Uhh! So cute.
----
Nakarating ako ng WU, last subject ko na. Hindi ko nga alam kung bakit pa ko pumasok. After class, agad akong lumabas at dumiretso sa parking lot. Kailangan kong umuwi agad para kumuha ng damit. Gusto kong matulog sa hotel kasama sila mama. Weeks palang ang nakalipas pero sobrang namiss ko na sila, lalo na si Harvey.