Together Again [25]

529 16 13
                                    


Chapter 25

Isang sampal ang bumungad sakin pagkapasok ko ng building. Sampal mula sa girlfriend ni Matt. Agad na nag-init sa sakit ang pisngi ko na nilapatan ng mabigat niyang kamay. Tumingin ako sa galit na galit niyang mukha.

"How dare you!? Napakalandi at napaka famewhore mo talaga! Gumraduate lang si Ivan ngayon sa boyfriend ko ikaw lumalandi!?"

Napapikit ako sa sobrang pagtitimpi. Sobrang pagtitimpi na hindi pumatol sa kanya.

Maya maya ay naramdaman ko nalang ang kamay niya sa buhok ko. Naging malakas ang paghila niya kaya natumba ako. Sa sobrang galit ko sa ginawa niya ay agad akong tumayo, marahas kong tinanggal ang kamay niya sa buhok ko at malakas na pinadapo ang mga palad ko sa pisngi niya.

Napahinto siya at tumingin ng masama sa akin. Agad namula ang pisngi niya.

"Boyfriend mo pa si Ivan tapos ngayong wala siya dito lumalandi ka sa boyfriend ko! You cheater!" Sigaw niya sakin.

Napangisi ako. "Talking to yourself?"

Susugurin niya sana ako ng biglang may humarang sa akin na katawan.

"Matt..." bulong nung babae. Napatingin ako kay Matt na nasa harap ko. Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataong makita kung gaano na karaming tao ang nakapaligid samin.

"Tama na, Gel." Kalmadong sabi ni Matt. "Itigil mo na 'to. Sarili mo lang pinapahiya mo."

"Matt! Inaagaw ka sakin ng babaeng yan! She's a freaking cheater! Binoyfriend niya yung dating president at ngayong graduate na siya, ikaw naman ang pinupuntirya niya."

"Tama na..."

"Mas kinakampihan mo pa ang babaeng yan?"

"Let's break up." Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin dahil sa sinabi ni Matt. Halata ang gulat sa mukha ni Angel.

"What?" nginig ang boses niya.

"Maghiwalay na tayo. Let's break up so you can be with Gio."

"What-- no—" muling nilapat sakin ni Gel ang masama niyang tingin. Aambahan sana niya ako pero pinigilan siya ni Matt. "You bitch!! YOU FCKING BITCH!! HOW DARE YOU!?"

"GEL!"

"Hindi totoo yun Matt!"

"Matagal ko ng alam. Kaya tama na, okay? And this will be the last time you'll hurt my friends." Matapos niyang sabihin yun ay kinuha niya ang braso ko at marahang inilayo sa mata ng maraming tao.

Ramdam ko pa din ang sakit ng pisngi ko sa pagkakasampal niya at anit sa pagkakasabunot. Pero ang sakit sa kamay ko dahil sa malakas na pagkakasampal ko sa kanya ang nagpapalubag sakin. Alam kong mas masakit ang pagkakasampal ko sa kanya.

Damn! That was my first time. Kung si Ivan lang ang pinagaawayan namin malamang ay nasa ospital na ang babaeng 'yon ngayon.

Napatingin ako kay Matt na kasabay kong naglalakad papunta sa kung saan.

"Ayos ka lang?" ako pa talaga ang may ganang magtanong nito. Well, I am physically hurt, pero siya emotionally hurt pati ang ego niya.

Bigla siyang umupo sa bench na nadaanan namin. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Maya-maya ay bigla siyang tumawa at umiling pagkatapos.

"Para akong nabunutan ng tinik. You're right, I should've broke up with her long time ago." Tumingin siya sa kawalan habang nagsasalita. "Masyado ko sigurong minamadali ang paghahanap sa babaeng gusto kong makasama habang buhay, iyan tuloy lagi ako sa maling babae napupunta."

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon