Chapter 21
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nasa harap ko na siya. Gustong gusto kong tanungin kung anong pinag-usapan nilang dalawa ni Jas pero hindi ko ginawa. Instead, ngumiti lang ako sa kanya.
Agad niya kong niyakap pagkalapit niya sakin. Ramadam ko ang mga halik niya sa ulo ko. I close my eyes and feel his embrace. It feels so good when he holds me like this. It's like he's protecting me from everything.
Pero agad nawala iyon ng maalala ko ang mga matang nakatingin samin kanina. Marahan ko siyang tinulak papalayo sakin. Bakit ganito? It feels like we're having a secret affair.
Duh, Hanikka. You really are. Yun naman ang gusto mo diba?
Hindi niya tinanggal ang kanyang mga kamay sa bewang ko. "Bakit ayaw mong malaman ng iba?"
Tumingin ako sa mga mapupungay niyang mata. I'm so drown to it, parang gusto ko nalang yakapin ulit siya. "I—I don't know. It just doesn't feels right."
"Care to explain?" tinanggal ko ang mga kamay niya sa bewang ko.
"All eyes are on you, Ivan. Mas mainam kung hindi ako umaaligid sayo or kahit sinong babae na makakasira ng reputasyon mo sa University."
"My reputation doesn't have to do with our relationship. You came first in my life before that reputation you are talking about." Gahd. Pagaawayan pa ata namin 'to.
"People won't stop talking about you, about us. Makakadistract lang yun sa pag-aaral natin..." Hangga't nakadikit ang pangalan ko sa kanya, hindi matatahimik ang buhay mag-aaral namin. "Let's keep it to ourselves and to our friends for now. Ngayon lang naman. Pagnakagraduate na tayo, or kahit ikaw lang then were good."
"Hindi mo naman kailangan magpaapekto sa ibang tao. Don't mind what other people say about you or about us. Trust me, akong bahala..."
"Ivan..." he heaved a sigh and we both know he's defeated. Yumakap lang siya sakin. "Thank you." Bulong ko.
"Just promise me," Tumigin ako sa kanya. "You will never go away from me whatever other people say. Always come to me when you need me. Let me know all you problems, everything. Promise me."
"Promise."
Magkahiwalay kaming pumunta sa bahay nila Amy dahil pareho naming dala ang mga sasakyan namin. Mas nauna akong nakarating sa kanya sa bahay nila. Maraming tao na ang nagtipon tipon para sa birthday ni Alexander. Karamihan ay mukhang mga kaopisina niya dahil mga naka suit pa ito. Agad kong hinanap si Amy pero hindi ko siya makita. Kahit si Alexander wala din. Hindi katagalan ay nakita ko si Sophia na karga karga ng malamang ay baby sitter niya.
"Manang, nakita mo ba si Amy?" tanong ko.
"Hindi ko po alam. Pero kanina po kasi naririnig ko silang mag-asawa na nag-aaway sa kwarto ni Sophia."
"Ganun po ba?" Tumango lang siya sakin. Kinuha ko din si Sophia para laruin muna siya. Hindi na ko magtataka kung nag-aaway sila. Yung mga normal nga na mag-asawa nag-aaway, sila pa kayang naging mag-asawa lang dahil kay Sophia. To think na ayaw nila sa isa't isa.
Hindi nagtagal ay dumating na din si Ivan at nilapitan ako. Kinuha niya sakin si Sophia para laruin at saglit kaming tatlo na nanatili sa kanilang sala.
Ilang saglit lang ay lumabas na din si Amy sa isang kwarto kasunod si Alexander. Napatitig ako sa kanilang dalawa habang papalapit samin.
Hmmm...
I know that. I'm very much familiar with that kind of look. I've seen a lot of that with my friends back in US kapag may mga house party kaming pinupuntahan. Yung biglang nawawala tapos paglabas may kakaibang glow. Ito yung tinatawag nilang ASG.