Chapter 12
After ng usapan namin nila Amy, di na rin kami nagtagal. Information and emotion overload na kasi ako that time kaya nagsabi na ko sa kanila na mauuna na ko dahil may klase pa ko.
Paglabas namin ng coffee shop,
"Ivan hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Amy na halata mong nangaasar. "Yaan mo na yang si Hanikka, kaya na naman niya ang sarili niya." sabi pa niya. Naku! Napaka talaga ng babaeng 'to. Pasalamat siya at naubusan na ko ng lakas ngayon.
"Go, ihatid mo na siya. I can take care of myself." Paalis na sana ako nung humirit agad si Amy.
"Sus! Selos ka naman agad. Osige na Ivan, si Hanikka nalang ihatid mo. Baka mamaya hindi ka na tlaga balikan niyan." Aba! Bwisit talaga 'tong babaeng 'to. Tumingin ako sa kanya ng masama. Wala na talaga siyang ibang alam gawin kundi asarin at bwisitin ako.
"What? Don't worry Hanikka, kahit ano namang paglalandi ang gawin ko kay Ivan, he's still so into you. Unfortunately, mag-asawa pa rin naman kayo. Kung pwede nga lang ako na ang mag-annul sa inyo para naman—"
"Amy, stop." Pagtigil sa kanya ni Ivan. Para akong binagsakan ng malaking bato sa sinabi niya. Mag-asawa? Anong mag-asawa pa kami?
"Bakit? Hindi mo pa ba nasasabi sa kanyang hindi pa kayo annulled?" tanong niya dito.
"A-ano?"
Humarap siya sakin. "Seriously? Hindi mo alam na hanggang ngayon kasal parin kayo? Gosh! Sana pala hindi ko nalang sinabi."
Napatingin ako kay Ivan na napatingin din sakin. He's not saying anything but fear is evident in his eyes.
Kasal pa kami? Asawa ko parin siya? Simula nung umalis ako dito hindi ko na naisip yung tungkol doon. I thought tapos na talaga kami, na wala na kami. But what the hell, mag-asawa pa rin kami!
"Pero diba... kayong dalawa..." Then bigla kong naisip na hindi nga pala totoong si Ivan ang nakabuntis kay Amy kaya hindi na tinuloy yung pagpapakasal kanila, kaya hindi na rin tinuloy yung pag annull samin. Ganun ba yun? Ganun ba ang nangyari?
Parang nawala na ko sa huwisyo nung time na yun. Hindi ko na alam kung anong iisipin at mararamdaman ko.
Ang alam ko nalang, naglalakad ako papalayo sa kanila.
Fuck! Kasal pa kami.
Bakit hindi sinabi sakin ni papa 'to? Kaya siguro ganun nalang sila kung makasabi na 'asawa' ko siya. Pati si mama. Shit! Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak na ewan. I feel like I was being fooled by everyone. Pero hindi eh, all this time they've been giving me hint! Why is this happening to me?
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa campus. Naglalakad lang ako hanggang makarating sa room habang nasa isip ko parin yung nalaman ko.
Habang naglalakad, biglang may tumakip sa mga mata ko. Napahawak agad ako sa kamay niya at pinipilit tanggalin sa pagkakatakip. Hindi ko na nakuhang magtanong pa kung sino siya dahil na wala ako sa mood.
Pagharap ko sa taong 'yun, si Carlo lang pala.
"Carlo, ikaw pala."
"Teka, bakit? Anong nangyari sayo't ang tamlay mo bigla? May nangyari ba?" Yes. I'm still fvcking married to him. Can you believe that?
"Wala ayos lang ako. Gutom lang siguro 'to" sabi ko kahit hindi naman. Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.
"Gutom? Tara kain muna tayo bago pumasok. Maaga pa naman." Sabi niya.
"No, I'm okay. Hindi pala ako nagugutom." Sabi ko sabay lakad, pero sumunod parin siya sakin.
"Ang gulo mo naman." Napakamot lang siya sa ulo niya.