Aiana's POVHays halos tatlong buwan na nakakalipas pero naiisip ko pa din yung lalaking naka bangga sakin dun sa airport. Paano naman kasing di ko sya isipin ehh alam ko talaga sa sarili ko na nakita ko na sya ehh kung hindi lang ako makakalimutin ehh. hayyy....... buhay.......... nga naman
"Aiana Kumain ka nga nang kumain dyan lagi ka na lang ganyan simula nung bumalik tayo dito sa pinas lagi ka na lang tulala baka malate ka nyan sa school. may problema ba anak?" natauhan ako sa sinabi ni mama oo nga pala nandito kami sa hapag kainan ngayon nakalimutan ko nanaman dahil sa pagtunganga ko nanaman sa kawalan.
Weird! di naman ako ganito dati ehh nagkagnito lang ako simula nung nakita ko yung lalaking sobrang pamilyar sakin haist! nakakaloka na talaga yun lagi na lang nya ginugulo isip ko kaka alala kung san ko ba sya nakita. sobrang misteryoso nung lalaki na yun pero mukha naman syang sikat at badboy mantakin mo naman ehh sya na nakabangga pero parang wala paring nangyari di man lang nag sorry
"AIANA!!!!!!!!!! PUMASOK KA NA NGANG BATA KA KANINA PA KITA KINAKAUSAP DI KA MAN LANG SUMASAGOT!" sigaw ni mama kaya napatayo na ako bigla tinignan ko yung relo ko 8:30 na pala. Hala! lagot baka malate ako neto sa 9 o'clock class ko neto nakakahiya kebago bago ko pa lang sa school aish! pabayanan mo na nga wala akong pake sa kanila sino ba sila? pwe!
kinuha ko na kaagad yung gamit ko at agad akong tumakbo sa labas nang bahay nandoon na si mang ben. "Good Morning Miss Aiana" bati nya sabay bukas nang pinto nang kotse "ahh good morning din po mang ben " sagot ko naman sabay pasok sa loob nang kotse.
nasa byahe na kami at di ko parin maiwasang maisip paano kaya kung dito kami tumira sa pilipinas at di kami pumuntang LA? marami kaya akong magiging kaibigan dito? o di kaya sikat din kaya ako sa school namin dito gaya sa america? "maam aiana nandito na po tayo" sabi ni kuya ben nang di ko namalayan na kanina pa pala nya sinasabi sakin na nandito na kami tapat nang school. "Bye mang ben salamat po sa paghatid" pagpapaalam ko kay mang ben at agad nang lumabas nang kotse.
pagpasok ko sa school 8:55 na 5 minutes na lang late na ako. maya maya lang parang may kakaibang feeling ako bakit nila ako pinagtitinginan? may dumi ba ako sa mukha? may tagos ba ako? oh ano? nakakaloka na ahh kanina pa sila nakatingin sakin. sakin ba o sa iba? pagtingin ko sa likod ko nakita ko si Ruzel na nasa likuran ko nagkatinginan kami at bigla nya akong kinindatan WHAAA!!!!!!!!!!! ako ba yung kinindatan o hindi? pero di ako pwedeng magkamali sakin lang sya naka tingin ehh weird! .ang pogi nang lilalang na toh "ang pogi mo fafa ruzel" sabi nung isang babae na mukhang taga lower year. pero di sya pinansin ni ruzel at nilagpasan lang sya.
Hinanap ko yung Classroom ko hays kanina pa ako hanap nang hanap dito nasa dulo pala yung classrom ako at section 2 ako hayyss ano ba nga bang ipagkakataka ko? ehh matalino naman talaga ako pero..... bakit section 2 lang?! hay! bayaan mo na nga lang wala na akong pake dyan basta may section ako dahil transferee ako ang dami kong kailangang habulin na mga lessons ano ba yan pati ba naman lessons hahabulin ko? haha ano ba yan aiana humuhugot ka pa. focus!
Huminga muna ako nang malalim sabay lapit sa pintuan nang classroom namin. Pagpasok ko nagulat ako late na pala ako lahat sila naka tingin sakin pati na din yung teacher "Miss de leon why are you late? di porket bago ka dito pwede ka nang magpalate" sabi nung teacher sakin na alam kong pangalan ay Mrs anna? "uhmm.... sorry maam hinanap ko pa po kasi yung classroom ehh di pa po kasi ako masyadong pamilyar dito sa campus" sagot ko naman mukhang naniwala naman si maam kaso bigla syang may tinignan sa likod ko. "MR MAGDANGAN!!!!!!!!!! LATE KA NANAMAN SAN KA BA GALING?!" sigaw nya kay ruzel na nasa likod ko "ahh maam may nakita po kasi akong magandang babae kanina ehh sinundan ko po" sagot nya naman nagtaka ako sinong babae? ayy ano namang pake ko dun basta focus ako ngayon at napagalitan ako noh! alangan namang inisin ko pa lalo si maam "hay nako ewan ko sayo mr magdangan ! ang dami mo laging dahilan at dahil late ka ikaw ang inuutusan ko na Itour si ms de leon dito sa campus natin dahil bago lang sya" sabi ni maam "ahhh yun lang naman pala maam ehh .............(gusto ko yan maganda naman makakasama ko ehh)" sabi nya pero di ko narinig yung huli nyang sinabi ehh. "sige dahil late kayo Ms de leon at Mr magdangan dun kayong dalawa sa likod uupo simula ngayon" sabi nang teacher namin Lintek na buhay naman ohh pano ako makakahabol neto sa lessons kung nasa likod ako?! di ako makakapag aral mabuti neto. atchaka di ko naman kailangan nang tour guide ehh kaya ko namang libutin tong school campus mag isa atchaka isa pa nakakailang lalaki pa makakasama ko.
pagkaupo ko sa likod agad naman tumabi sakin si ruzel at nakinig na ako sa lesson at dahil monday ngayon kamalas malasan naman ohh math pa una naming subject. inaantok ako ramdam ko na bumabagsak na nang kusa yung mata ko. "Hi Aiana right?" nagulat ako nang biglang nagsalita tong katabi ko na may dahilan kung bakit nasa likod din ako nakaupo ngayon at antok na antok sa klase. di ko sya pinansin atchaka ulit ako nakinig sa teacher namin "sungit... pasalamat ka maganda ka" bulong nya pero di ko narinig yung huli nyang sinabi. nabibingi na ba ako? nakakainis na ahh. nilingon ko sya nahuli ko syang nakatitig sakin pero agad nyang iniwas yung tingin nya
*nag ring na yung bell*
"hayss salamat naman natappos din!" sabi ko habang inaayos yung gamit ko. tumayo na ako sa upuan ko at palabbas na nang room nang biglang may humila sa kamay ko at hinarap ako sa kanya. "ano?!" irita kong tanong sa kanya. agad nya naman akong binitawan "uhhmmm... ano....... kasi........." di nya matapos yung sasabihin nya . "ano ba yon sabihin mo na kasi !" sigaw ko dahil nag mamadali na ako at gusto ko nang kumain "kelan mo gustong itour kita sa campus?" tanong nya nang malumanay na boses sabay kamot sa may likod nang ulo nya sabay yuko. agad naman akong nakunsensya "ahh siguro bukas na lang sorry kung nataasan kita nang boses nagugutom na kasi ako ehh " sabi ko sa kanya "ahh okay!" sabi nya naman na ngayon ay sobra naman syang naka ngiti HAHAHA lakas nang mood swings nya ahh
"see you around aiana" sabi nya sakin sabay kindat.ano ba yan pangalawang kindat nya na yan ehh may problema ba yung mata nya?.......... oh sadyang malandi lang sya? ganon ba sya manglandi nang babae? pero, para naman akong may kakaibang naradaman. siguro gutom lang toh makakain na nga lang.
BINABASA MO ANG
Siguro
Teen FictionPaano kung isang araw kailangan mong iwanan lahat nang meron ka para sa kapakanan nang mga taong mahal mo?