Chapter 5: Mystery guy

151 5 6
                                    




3rd Person's POV

3 months ago

Grabe! nakita ko nanaman sya tadhana ba toh? may gusto na ako sa kanya matagal na nasa LA pa lang kami pero iba padin yung nararamdaman ko pag nakikita ko sya ehh naaalala ko nanaman yung mga nangyari dati.......

-Flashback-

"hoy ikaw panget lumayas ka nga dyan sa tambayan namin di mo ba alam na kami may ari nyan?" sabi nung lalaki sakin na alam ko na leader nang isang fraternity dito sa school "ahh sige sorry di ko naman alam na sainyo pala tong pinupwestuhan ko wala kasi yung pangalan nyo ehh" sinabi ko nang sarkastiko "aba sumasagot ka pa ahh"

sabi nya sakin tapos bigla nya na lang akong sinuntok. naramdaman ko yung dugo na tumulo sa gilid nang labi ko."wala pang sumasagotsakin nang ganyan!" sigaw nya sabay suntok nanaman sakin nang malakas di ko alam pero ayaw gumalaw nang mga sarili kong kamay para lumaban. 3 lalaki na yung sumusuntok sakin. "yan bagay sayo yan!" sabi pa nung isa nyang kasama

"HOY! tigilan nyo na yan!"

sigaw nung babae habang papalapit dun sa lalaking sumusuntok sakin "hoy miss wag ka makialam dito kung ayaw mong madamay" sabi nung lalaki tinawanan lang sya nung babae kaya nairita sya "haha ako pa talaga hinamon mo?"

sabi nung babae. grabe ang tapang nya di ba nya alam na lalaki yang kinakalaban nya? lumapit yung lalaki sa kanya at umambang susuntukin sya kaso nasalo nung babae yung kamay nya at bigla nya na lang syang binalibag

*blag*

nakahiga na yung lalaki dun sa sahig. samantalang yung babae paang iniinis pa sya at nagkunwari pang humihikab na akala mo ehh hindi man lang sya nahirapan dun sa inawa nya "hoy kayong dalawa sugurin nyo yang babaeng yan!"

sabi nung lalaki dun sa dalawa nyang kasama. "ayaw namin boss baka mabalibag din kami ehh" sabi nung dalawa nyang kasama sabay tinayo nila yung tinatawag nilang boss "oyy kayo kung ayaw nyo pang mabalibag ko lumayas na kayo sa harap ko at wag kayong nambubully nang mga estudyante dito!"

sigaw nung babae kaya naman biglang kumaripas nang takbo yung tatlong ugok. nakaupo ako ngayon ang sakit nang tagiliran ko sanhi nang pagsuntok nila sakin kanina. "ayos ka lang?" sabi nung babae sakin at inabot ang kamay nya para alalayan akong tumayo "oo okay lang ako" sagot ko kaso sa kamalas malasan naman ohh sumakit yung tagiliran ko

"ARAY!"

sigaw ko sabay hawak sa tagiliran ko "hindi ka okay dadalhin na kita sa Clinic" sabi nya at inalalayan nya ako hanggang sa makadating kami sa clinic.

"ahh pwede po bang pagamot po yung mga sugat nya?" sabi nya agad dun sa nurse pagkadating namin nang clinic. pinaupo ako nung nurse sabay nilagyan nya nang yelo yung mga sugat at pasa ko. tinanaw ko naman yung babaeng tumulong sakin nakatingin lang sya dun sa nurse habang ginagamot ako.

"uhmm.... salamat...."

sabi ko kaya napatingin sya bigla sakin. "ahh walang anuman sa susunod matuto ka nang lumaban mag isa mo kelalaki mong tao nagpapabully ka" natawa ako sa sinabi nya na parang ang dating sakin eh ang weak ko pero may point naman sya di talaga ako marunong lumaban para sa sarili ko ehh pano naman kasi ako lalaban kung ganito itsura ko? panget na puro pimple lapitin nang mga bully yung tipo ko kaya ano pang laban ko?

"hindi ko alam pano ako lalaban kung ganito ako? lapitin nang bully at tuksuhan nang bayan?" sabi ko sa kanya. biglang sumeryoso mukha nya shet! ang ganda nya at ang astig pa. teka lumalapit sya "wag mong sabihin yan lahat nang tao may magandang katangian na di man makita nang iba pero mararamdaman mo sa sarili mo yun dahil wala nang ibang makakakilala sayo nang lubos kundi ang sarili mo lamang"

sabi nya para bang may kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi nya alam mo yung feeling na parang para sayo lahat nung sinabi nya. di ako naka sagot at nakayuko ako pag angat ko nang ulo ko nakita ko sya palabas na nang pinto. "teka miss!!! anong pangalan mo?" sigaw ko sa kanya bago sya lumabas nang pinto sumilip sya "ahh. Aiana de leon............ ikaw?" sabi nya shet bumilis yung tibok nang puso ko.

"Keuz San Jose............"

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon