Aiana's POV"Miss Aiana!!!!! gising na po kayo may pasok po kayo ngayon"
sigaw nung katulong namin. agad naman akong tumayo at naligo na thursday ngayon kaya wala namang masyadong gagawin sa school kasi puro Minor subjects lang meron ako ngayon. pagtapos ko maligo nagbihis na ako atchaka bumaba na sa dining table ang daming naka handang pagkain dito.
"Miss Aiana sabi po ni Maam Myra kumain daw po kayo bago pumasok tapos umuwi daw po kayo kaagad kasi baka daw po next week pa daw po sya makauwi dahil may inaasikaso daw po sya sa negosyo nyo" sabi ni yaya habang nilalapag yung bagong lutong sinangag "ahh sige po yaya. ahh.... yaya di nyo po ba talaga alam kung kanino galing yung Rose kagabi?"
sabi ko kay yaya. at mukhang inisip nya nang mabuti "uhmm.. miss aiana wala po kasing sinabi yung lalaki ehh" sabi ni yaya "ahh ehh nakita nyo po ba kung ano itsura nya?"
tanong ko kay yaya baka kasi kahit sabihin nya lang detalye tungkol don sa nagbigay ehh baka makilala ko "uhmm matangkad po tapos maputi tapos maganda po ngipin haha gwapo po miss aiana manliligaw nyo po ba?" sabi ni yaya na ngayon ay umaarte pang kinikilig.
"hindi po yaya wala pa nga po akong kilala masyado dito ehh manliligaw pa kaya?" sabi ko naman sa kanya. pero di na sya sumagot kaya kumain na ako.
"sige yaya alis na po ako!"
paalam ko kay yaya. paglabas ko naman agad nang bahay nakita ko kaagad dun si mang ben as usual ganon ulit babatiin nya ako nang goodmorning tapos pinagbubuksan nya ako nang pinto.
wala pang 30 minutes nasa school na kami wala masyadong Traffic ngayon kasi 7 pa lang maaga kasi pasok ko pag thursday ehh. pinagbuksan na ako ni mang ben nang pinto "Miss Aiana text nyo na lang po ako pag magpapasundo na po kayo pauwi ahh" sabi nya sakin
"opo mang ben ttext ko na lang po kayo pag uuwi na po ako" sagot ko sa kanya at agad nya namang pinaandar yung kotse paalis. tinanaw ko sya hanggang sa palayo na ito nang palayo pagharap ko sa entrance nang school nakita ko doon si Ruzel nakatingin sya sakin nang ngiting ngiti anong problema netong mokong na toh?bat ang aga nya? naglakad na ako papuntang entrance
"Hi Aiana"
bati sakin ni Ruzel na abot tenga pa ang ngiti.
"hi"
malamig kong sagot habang papasok na sa loob nang campus nakikita ko sya sa gilid nang mata ko na sinusundan nya ako pero pag lilingunin ko sya agad syang may gagawing iba. kanina nya pa ako sinusundan naiilang na ako.
"ano bang kailangan mo?"
tanong ko sa kanya nagulat sya nung bigla ko syang nilapitan "uhmm.. ano...... kasi... diba.... ngayon ... kita... ittour... sa cam..pus....." sabi nya nang utal utal pa "ahh yun lang ba?" tanong ko sa kanya "oo yun lang" sagot naman nya
"sige mamaya na lang pagtapos nang first class ko okay lang ba?" sabi ko sa kanya kahit labag sa loob ko na I tour nya pa ako sa school kasi kaya ko naman yun mag isa pauso lang talaga yung si maam anna ehh
"ahh sige hintayin na lang kita sa labas nang classroom mo mamaya saan ka ba ngayon?" tanong nya sakin "Sa History Class ako kay Mr Rosales alam mo ba kung saan yun?" tanong ko sa kanya kasi di ko pa din kabisado papunta dun ehh kahit kalos 3 weeks na ata ako dito sa school.
"ahh oo alam ko yun katabi lang din yun nang first class ko ehh... gusto mo sabay na tayo?" sabi nya naman sakin
"ahh sige"
sabi ko sa kanya . pumayag na ako kesa naman maligaw ako dito sa napaka laki naming campus. papasok na sana ako nang room nang biglang nagsalita si Ruzel
"uhmm...... Aiana hintayin na lang kita mamaya ahh " sabi nya sakin at nagulat ako nang pinag titinginan kami nung mga babae dito sa tapat nang room
"omg sya na ba yung bagong babae ni ruzel?"
"ang landi naman sino ba sya?"
"grabe si ruzel pa talaga ginusto nya ahh"
rinig ko dun sa mga bulong nung mga babaeng malapit samin na nag bubulungan na akala mo naman ay di ko naririnig
"ahh sige bye" sagot ko kay ruzel agad naman syang ngumiti at pumasok na dun sa katabing classroom. pumasok na ako nang classroom ang gulo may mga nag dadaldalan nag haharutan may mga tumatakbo pa aba matinde pero meron din doong grubo nang mga babae na tinitigan ako habang papasok ako nang classrom. may nakita akong bakanteng upuan dun sa dulo kaya no choice ako sa likod nanaman ako naka upo pagdaan ko dun sa mga babae.
"di naman maganda lakas loob sumama kay ruzel" sabi nung isang babae na mukhang leader nila di naman ako nagpaapekto kasi baka sabihin guilty ako kaya ginawa ko nilagpasan ko na lang sila at umupo na ako sa likod. mga 5 minutes palang nakakalipas dumating na si Mr Rosales "okay class Goodmorning" bati nya samin
"Good morning Mr Rosales" bati naman nang buong klase "Okay Take your sit" sabi nya kaya naman lahat kami ay umupo na. halos 1 hr ko din tiniis yung antok ko kasi naman ang aga aga history agad klase ko buti na lang nag bell na hudyat na tapos na ang klase. inayos ko na yung gamit ko
"wahh!!!! oyy Ria iniintay ka ata ni fafa Ruzel ohh!!!" sigaw nung isang babae dun sa may pintuan. nung palabas na ako nakita ko kaagad si ruzel naka ngiti sya sakin
"Hi aiana tara na?" sabi nya kaya agad akong pinagtinginan nang mga estudyante jusko lupa lamunin mo na ako bat nila ako pinagtitinginan nang ganito. nakita ko din yung babaeng nagparinig sakin kanina na ang pangalan pala ay ria ngayon naman ay naka kunot ang noo at naka titig sakin.
nilapitan naman ako ni Ruzel sabay papalapit sya....... teka anong gagawin nya?! hahalikan nya ba ako?!!
papalapit sya nang papalapit. pinikit ko mata ko .............
"wag mo silang pansinin"
bulong nya sakin. hays para akong binunutan nang tinik dun sa ginawa nya pero bakit parang na dissapoint ako?
akala ko hahalikan nya ako ehh.....
BINABASA MO ANG
Siguro
Teen FictionPaano kung isang araw kailangan mong iwanan lahat nang meron ka para sa kapakanan nang mga taong mahal mo?