Aiana's POV"Wag mo silang Pansinin"
Bulong ni ruzel sakin bigla namang nagtaasan balahibo sa katawan ko nung naramdaman ko yung hininga nya sa leeg ko. akala ko talaga kanina hahalikan nya na ako............ ano ba yan aiana! erase! erase!erase!
"aiana anong una mong gustong puntahan natin?"Tanong nya sakin kaya naman natauhan ako sa pagkakatulala ko kanina kasi naman ehh etong lalaking tohh pwede namang sabihin yun di na kailangang lumapit saakin nang ganon nagiging weird tuloy feelings ko pag kasama ko sya pero di naman bumibilis tibok nang puso ko pero kinilabutan ako.
"kahit saan"malamig kong sagot. di na sya sumagot pagkatapos naglakad na kamipapunta dun sa mga classrooms nang nursery. pagdating namin doon wala masyadong bata sa hallway nasa classroom silang lahat ang ccute nila"ang cute nila noh?" sabi ni Ruzel. ayy naccutan pala sya akala ko kasi puro bad traits and flirty attitude lang meron tong si Ruzel ehh.
naapreciate nya pala yung mga ganito. dumaan kami sa hallway nang nursery hall, sa dulo neto may pinto na paglabas mo playground na... paglabas namin nakita ko kaagad yung swing kaya tumakbo agad ako papunta dun.
umupo ako dun sa isang swing tapos sumunod naman si ruzel at umupo dun sa kabilang swing. "ang saya siguro maging bata uit noh ruzel?" tanong ko sa kanya. tinignan ko sya pero nakayuko lang sya nakatingin sa sahig at umiiling iling na tumatawa. naweirdohan kaya sya dun sa sinabi ko?
mga 10 minutes din kami halos nakaupo dito sa swing. nang biglang nag bell na sign na recess na nung mga bata. di na ako nag taka dito nga talaga deretso nila sa playground. nagtakbuhan sila papunta sa slide sa may see saw at sa iba pang pwedeng paglaruan dito sa play ground.
maya maya may batang babae na nakikipag habulan dun sa batang lalaki. di nya nakita na may malaking bato dun sa tatakbuhan nya kaya bago ko pa sya mapigilan nadapa na sya. iyak sya nang iyak kaya nilapitan ko sya. at lumapit din yung batang lalaki.
"Okay ka lang?" tanong ko dun sa batang babae at inalalayan ko syang maka tayo. iyak padin sya nang iyak di ko alam pano ko sya papatahanin "Wag ka na umiyak ang ganda ganda mo pa naman smile ka na muna" nagulat ako nung binuhat ni Ruzel yung bata at inupo nya yung bata dun sa isang swing na inuupuan ko kanina.
mabait naman din pala si Ruzel kahit papaano kahit kilala sya di umano as campus playboy dito sa Academy namin may good and gentleman side din naman pala sya. umiiyak padin yung bata pero pahikbi hikbi na lang.
"ohh tahan na eto candy ohh ngiti ka na" abot ni Ruzel nang isang Candy dun sa bata kaya ngumiti na yung bata kung batang lalaki naman katabi ko at nakatingin lang sya dun sa batang babae halatang halata mo sa mata nya na nag aalala sya.
Nakita ko yung tuhod nung bata may sugat sya kaya agad ko syang nilapitan at lumuhod ako sa harap nya at kinuha ko yung bandaid sa bag ko "lalagyan lang natin nang bandaid yung sugat mo ahh? okay lang ba?" tanong ko sa kanya ngumiti naman sya at tumango nung nilalagay ko yung band aid sa tuhod nya bigla syang nagsalita.
"Kuya pogi Girlfriend nyo po ba si Ate ganda?" turo nya sakin napalunok naman ako sa sinabi nung bata. "uhhmmm......... ahh hindi ko sya boyfriend" sagot ko dun sa batang babae.
"bagay po kayo ate ganda ang bait nyo po pareho" sabi naman nung batang lalaki natawa naman si Ruzel. ano kayang iniisip neto? "bata ano bang pangalan mo?" tanong ni Ruzel dun sa batang babae at lalaki.
"ako po si Caryl " sabi nung batang babae. sagot naman nung batang lalaki. maya maya lumabas na yung teacher nila at tinatawag na sila na babalik na ulit sa classroom. nagwave naman sila samin ni Ruzel at nag bbye sila bago umalis.
BINABASA MO ANG
Siguro
Teen FictionPaano kung isang araw kailangan mong iwanan lahat nang meron ka para sa kapakanan nang mga taong mahal mo?