Chapter 4: Ms. Famous

133 5 1
                                    



Aiana's POV



nagugutom na ako di ko padin naman kabisado tong school kasi halos simula nung pumasok na ako dito di na nasagip sa isip ko na magikot ikot kaya eto ako ngayon parang tanga hinahanap yung Canteen. siguro 20 minutes na ako naghahanap bago ako maka punta dito sa Canteen. Pagkadating ko pumila agad ako para bumili nang pagkain ko pang 5 ako sa naka pila wala masyadong estudyanteng bumibili siguro may mga klase pa. 

feel na feel ko na yung dragon sa tyan ko na sumisigaw na nang "FEED ME!!!!" ang tagal nang pila ahh nakakaloka na malapit na ulit magsimula yung next class ko. sinilip ko yung naka pila shet! 2 na lang sila.......... isa na lang "ayyy!!" sigaw ko nang may  biglang may sumingit sa harap ko nagulat ako nung nakita ko yung mukha nya "HOY IKAW!!!! IKAW YUNG NAKA BANGGA SAKIN SA AIRPORT DIBA?!" sigaw ko sa kanya pero humarap lang sya sakin "Hi Aiana" sabi nya gamit ang husky nyang boses tapos kumindat pa sabay alis. naiwan akong nakatunganga sa kanya na onti onting lumalayo. ay ang kapal nang mukha kumindat pa parang walang atraso sakin ahh. pero teka pano nya nalaman pangalan ko? "miss ano sayo?" sabi nang babae sa counter. dahilan para mapaharap ako sa kanya "ate isa nga pong tuna sandwich atchaka strawberry juice" sabi ko sa babae sa counter. wala pang 5 minutes nabigay nya na agad yung binili ko binayaran ko na yun at umalis na.

umupo ako dun sa isang table sa dulo ng canteen. kinain ko na yung tuna sandwich  na binili ko. biglang may umupong lalaki sa harap ko "ikaw nanaman?!" sigaw ko kay ruzel pero nginitian nya lang ako. haist ang weirdo talaga netong lalaking tohh "ohh aiana chill ka lang gusto ko lang naman maki share nang table ehh " sabi nya sakin habang naka ngiti "che ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya sabay kagat dun sa tuna sandwich na bili ko "sungit talaga" bulong nya pero narinig ko padin. bahala nga sya dyan makaalis na tapos naman na ako ehh tumayo na ako tapos tinapon ko lang yung kalat ko dun sa may trashcan sa tabi. may 10 minutes pa akong natitira bago magsimula yung isa ko pang klase.

naglakad lakad muna ako dun sa katabing hallway nung classroom na para sa next class ko. may nakasalubong akong babae tinignan nya ako pero nung nakalapit na sya tumigil sya sa harap ko "OMG!!!!!!" sigaw nya nagtataka ako bat sya sumisigaw? "IKAW BA SI AIANA DE LEON?! YUNG SIKAT NA VOLLEYBALL PLAYER SA MARY ACADEMY SA LA?!!!!" ayy grabe kailangan talaga isigaw? haha ganon ba ako kasikat noon? oo nga pala nag MVP pala ako nun sa isang tournament sa LA madami din gustong ma scout sakin na ibang school pero di ko tinanggap "oo ako nga paano mo ako nakilala?" tanong ko sa kanya "ano ka ba sikat ka kaya dito kasi may isang sikat na student dito sa school ehh nakwento ka kaya kumalat sa buong campus" sabi nya sakin pero sino naman yun? taga mary academy din ba sya dati? pero parang wala namang pamilyar na mukha akong nakikita ehh sino kaya yun "ahhh okay " sagot ko habang iniisip padin kung sino iyon

"uhmm... Miss Aiana pwede po ba kayong sumali sa team namin?" tanong nya habang iniikot yung  dulo nang buhok nya habang naka puppy eyes sakin. haha ang cute nya para syang bata na nagmamakaawa para sa candy pero di pa ako sure kung makaka sali ako kasi syempre naghahabol nang lessons. at sigurado ako may mga trainings yan kaya para sa ngayon 50/50 muna "ahh sorry ahh di ako sure kung makakasali ako ehh kasi madami pa akong hinahabol na lessons. alam mo na late enrollee pero malay mo naman ttry ko kelan ba?" tanong ko sa kanya. paran llumungkot yung mukha nya pero makikita mo padin yung hope sa mga mata nya "Sa Friday po yung try out kailangan po nang mga players ngayon kasi po may sasalihang big tournament yung St Vincent Academy kaya po sana makapunta kayo" sabi nya sakin habang magkahawak pa yung kamay nya "sige Try ko...... ano palang pangalan mo?" tanog ko sa kanya para alam ko sasabihin ko pag tinanong sino nagyaya sakin "uhmm...... Daniella po pero pwede nyo po akong tawaging Dani" sabi nya habang ngiting ngiti "ahh sige salamat dani see you around" sabi ko sa kanya "sige po thank you din po see you na lang po sa St Vincent's Gym sa friday!!!!" sigaw nya habang tumatakbo paalis siguro late na sya sa next class nya

Pumasok na ako sa next class ko. wala daw yung teacher namin kaya pwede na daw kami umuwi agad. hayy salamat naman kung ganon. paglabas ko nang gate nang school nakita ko na agad si mang ben na hawak yung pintuan nung kotse namin. "Hi miss Aiana sabi po nang mama nyo aalis lang daw po sya baka sa isang linggo na daw po makabalik" sabi ni mang ben "ahh sige po mang ben tara na po uwi na tayo" sabi ko sa kanya "opo maam"

Pagkauwi ko sa bahay dumeresto agad ako sa kwarto ko. may nakita akong isang pirasong  white rose doon at may naka sabit na papel na may initials na KSJ. "yaya kanino po galing yung rose na nakapatong dito sa study table ko?!" sigaw ko kay yaya sa baba kasi nasa 2nd floor pa yung kwarto ko. "ahh ms aiana dala po yan nung lalaki kanina di po nagpakilala ehh sabi daw po pakibigay na lang daw po sa inyo" sabi ni yaya. sino kaya nagbigay neto?





KJS?...............................

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon