Aiana's POV
dahil sa nangyari kanina napagpasyahan ko na bumalik na sa building namin para pumasok na sa next class ko dahil tapos na yung 2 hrs break na binigay para samin.
umakyat na ako papunta sa next class ko na nasa 4th floor pa. goodluck na lang talaga sakin kung di ako hingalin sa taas nang aakyatin ko makapunta lang sa next class ko. buti na lang di masyado mabigat bag ko.
pag akyat ko nang 4th floor hingal na hingal ako na akala mo tumakbo ako nang ilang ikot sa track oval. uminom ako nang tubig baka bigla akong atakihin at mawalan nang malay.
tumingin ako sa relo ko. sakot lang ako sa oras para sa next class ko.
pagpasok ko sa room. nakatingin lahat sakin di ko alam akala ko sakto lang ako pero bat parang multo ako na nakita nila? wala pa yung teacher kaya siguro medyo agaw atensyon yung pagpasok ko.
naglakad na ako papasok para maupo dun sa dulo kung saan may dalawang bakanteng upuan. pagkaupo ko humingin ako sa bintana sa tabi ko na kung saan makikita mo ang buong Freedom Park nang Campus. may makikita kang mga students na nakaupo sa ilalim nang puno na nagbabasa meron namang nag ppractice nang sayaw meron ding mga mag ttropa na nagtatawanan at syempre di mawawala ang mga PDA.
"Miss may nakaupo ba dito?"
may nagtanong sakin kaya agad akong napalingon sa kanya. BESSS!!!!!!!!! ang cute nya di sya masyado maskulado sakto lang yung katawan nya pero ang tangkad nya. naka salamin din sya kaya ang hot nya tignan hindi nerdy pero ang cool.
"ahh wala"sagot ko sa kanya. at agad na ulit tumingin sa bintana. naramdaman kong umupo na sya sa tabi ko kaya medyo umurong ako para mabigyan sya nang space.
"GoodAfternoon Class" dumating na yung teacher namin kaya umayos na ako nang upo at nakinig na sa kanya mahirap na pag napagalitan ako Science pa naman yan. ehh hindi naman ako magaling masyado sa science. kahit na sabihin nyo na matalino ako nako math at Science lang ang lagi kong problema sa tangang buhay ko.
"GoodAfternoon Sir Mino" sagot naman nang buong klase. "okay class may mga bago tayong topics na included sa exam nyo kaya makinig kayo okay?" sabi ni sir mino samin. "opo" sagot ulit nang buong klase.
sa totoo lang wala ako sa mood makinig ngayon sa discussion, ewan parang nawala ako sa mood simula kanina yung nangyari sa Playground. parang may iba akong nararamdaman para kay Ruzel? parang gusto ko syang maging sobrang kaclose pero ayoko.......... ang gulo haist!.
"Miss okay ka lang?" tanong sakin nung katabi ko. "ahh.... oo okay lang ako" sagot ko sa kanya. "ahh buti naman" sabi nya sakin. ang cute nya. para sya yung mga lalaki na napapanood ko sa mga koreanovela. chinito sya at ang tangkad pa. "Nathan Park nga pala" sabi nya sakin at inilahat ang kamay nya para mag shake hands. "nice meeting you" sabi ko sa kanya sabay abot sa kamay nya. "nice meeting you too Aiana" sabi nya sakin na nakangiti sa kanyang mga labi. pero parang may iba.
parang narinig ko na yung boses na yan. "tekaaa- ikaw.......... ba....... yung--........" sabi ko sa kanya na takang taka pero di ko pa natatapos yung sasabihin ko nagsalita ulit sya. "humila sayo kanina?, oo ako yun aiana" sabi nya sakin at kitang kita mo sa mukha nya na seryosong seryoso sya. "haaa?!!! ehh kanina sabi mo kikilalanin kita ulit magkakilala na ba tayo?" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Miss De leon and Mr Park get out off my class now!!!!!!" sigaw ni sir Mino nakita nya ata kaming naguusap ni nathan at di nakikinig. kaya agad kaming lumabas ni Nathan. hayyss grabe tong lalaking tohh napalabas pa ako nang classroom dahil sa kanya kasi bat di na lang sya nagpakilala kanina. aish!!!
BINABASA MO ANG
Siguro
Novela JuvenilPaano kung isang araw kailangan mong iwanan lahat nang meron ka para sa kapakanan nang mga taong mahal mo?