Aiana's POV-Flashback-
3 months ago
"Ayoko na Edgar!! all this time pinag mumukha mo lang kaming tanga nang anak mo!!!" nagising ako dahil narinig ko yung sigaw ni mama mula dun sa sala namin na hanggang dito sa 2nd floor nang bahay rinig na rinig. napabangon agad ako sa kama ko at sumilip sa may sala namin.
nakita ko dun si mama atchaka si papa na nagtatalo "Edgar sabihin mo sakin sino yung babaeng kasama mo?!" sigaw ni mama. "Ano ka ba Myra kaibigan ko lang yun! " sabat naman ni papa. "kaibigan pero naghahalikan?! ano sabihin mo saking nagkakamali lang ako sa mga nakita ko edgar!" sigaw ulit ni mama na kahit nakatalikod sya at di ko nakikita mukha nya ay halata sa boses nya na umiiyak na sya "Sorry Myra di na mauulit" sabi naman ni papa at palapit sana para yakapin si mama. "Ayoko na edgar panggatlong beses na kitang nakita na may kasamang babae! di ko na kaya pang mag mukhang tanga para sayo! maghiwalay na tayo!" sigaw ni mama bago pa sya mayakap ni papa. "paano na lang si Aiana? Myra wag namang ganito!" sabi ni papa "hindi Edgar uui na kami ni Aiana sa Pilipinas bukas na bukas" sabi ni mama
nagulat naman ako sa sinabi ni mama. teka ayaw mag proseso sa utak ko ano?! uuwi kami nang Pinas?! lintek na buhay naman toh ohh bakit kasi napaka babaero ni papa? kaya wala na din akong sineryosong lalaki nang dahil sa mga pinag gagawa nya kay mama ehh. ayy daldal ako nang daldal dito magpapakilala muna ako. ako si Aiana jems De Leon playgirl, maharot ,Happy Go lucky at walang pakealam sa nararamdaman nang ibang tao. basta masaya ako kahit na nasasaktan ang iba pero pag pamilya ko na nasasaktan ibang usapan na yan.
nakita kong paakyat si mama sa 2nd floor agad akong tumakbo papuntang kama ko at nagtalakbong. maya maya may humila nang kumot ko di nga ako nagkakamali si nga mama yun "Aiana mag impake ka babalik na tayo nang Pinas" sabi ko na nga ba ehh "pero ma! paano po pag aaral ko?!" sagot ko kay mama "Dun ka na sa pinas mag aaral maiiwan muna papa mo dito sa America. kaya mag impake ka na bukas na flight natin magpapabook na agad ako nang pinaka maagang flight mamaya" sabi ni mama. "sige po mama" na lang ang tangi kong nasagot kahit labag sa loob ko na umuwi nang pilipinas dahil halos lahat na nang bagay na gusto ko nakuha ko na dito maliban sa isa ang ..............
masaya at buong pamilya.........
"Aiana matulog ka na lang muna mahaba haba pa byahe natin" sambit ni mama "opo mama pero bakit po di muna tayo nagpaalam kay papa? may problema po ba?" sabi ko kay mama kahit alam ko naman ang sagot sa sarili kong tanong gusto ko parin na may marinig na sagot na galing mismo kay mama "uhhm... ahh... wala anak busy din kasi yung papa mo ehh kaya mas mabuti pang wag na lang muna natin syang istorbohin" sagot ni mama nagtataka naman ako kasi pwede naman nyang sabihin sakin yung totoo pero bakit di nya parin ginawa? hayyss buhay naman talaga tutulog ko na nga lang toh sobrang haba pa nang byahe namin 3 AM pa lang dito baka mga gabi na kami makadating dun kasi 15 hours behind ang oras dito sa LA kumpara sa manila .
"Aiana gising na mag lalanding na yung eroplano" sabi ni mama na mukhang nagaayos na "ahh okay po mama " sagot ko naman sa kanya ...........
sa wakas naka landing na rin yung eroplano ang dami kong dala kasi naman si mama ehh bat pa naisipang bumalik dito sa pinas kung kelang sikat at kilalang kilala na ako dun sa america ehh parang back to zero nanaman ako hayyss .
"blag!" may bumangga sakin kaya nalaglag yung dala kong bag nagmamadali yung naka bangga sakin "HOYYY!!!!!!!!" sigaw ko agad naman syang lumingon naka shades sya pero halata mong sa likod nang shades na yon ay isang poging nilalang "ako?!" tanong nya sakin "OO! IKAW! NABANGGA MO AKO DI KA MAN LANG BA MAG SOSORRY?" sabi ko sa kanya kaso di nya ako pinansin at ngumiti na lang at biglang tumakbo paalis.
pasalamat sya pogi sya. nagulat naman ako nang biglang ang daming bumangga sakin parang hinahabol nila yung lalaki.
"hayy!!!!!! bwiset akala mo kung sino di man lang nag sorry !!!" napasigaw ako sa inis agad naman akong pinag tinginan nang mga tao dito sa airport. jusko lupa lamunin mo na ako garabeng kahihiyan toh.
"Aiana!!!! halika na umuwi na tayo nandyan na yung driver!" sigaw ni mama mula dun sa exit nang Airport "opo mama eto na po! " sigaw ko. nung nakasakay na ako sa kotse di ko maiwasang mapatingin sa labas nang bintana. grabe halos di ko na akalain na ganito na pala sa pinas at take note sa sobrang di ko inaakala SOBRANG TRAFFIC!!!! siguro mga 2 hours na kaming na stuck sa traffic hayyy buhay!
Pagkauwi namin sa bahay naramdaman ko kaagad na kumukulo na yung sikmura ko "ma may niluto po ba yung mga katulong dito?" tanong ko kay mama "ayy anak wala magpa deliver ka na lang kung anong gusto mong pagkain" sagot naman nya "ahh sige po ma wag na lang po matutulog na lang po ako" sagot ko .
pag akyat ko sa kwarto ko di ko inaakalang ganito parin sya yung parang kahit halos 10 years na kaming di umuuwi nang pinas ehh parang walang nagalaw sa kwarto ko. hay namimiss ko na ang america. agad akong humiga sa kama ko at nakatulala sa kisame nang kwarto ko na kung saan makikita mo ang pink and white na color nito. naisip ko naman bigla yung lalaking naka bangga sakin kanina. "sino kaya sya? sikat kaya sya? siguro artista sya dito sa pinas. bakit sya hinahabol nang maraming tao kanina?" tanong ko sa sarili ko aish! ano bang pake ko dun sa lalaking yun napaka badboy .
di ko namalayan naka tulog na pala ako...................
-End of Flashback-
BINABASA MO ANG
Siguro
Fiksi RemajaPaano kung isang araw kailangan mong iwanan lahat nang meron ka para sa kapakanan nang mga taong mahal mo?