Chapter Four

407 11 2
                                        

  

    » Nang marinig ang radyo ay natahimik nalang si greg at natulala pero sa isip niya baka recorded lang pero wala pa namang recorder noon o baka ngayon nirecord at inacting lang pero para saan?, pang goodtime? pero mukha namang seryoso ang babae(isabel) sa mga sinasabi niya at mahigpit paring nakahawak sa kahoy nito at mukhang handang-handa ulit siyang paluin, hindi rin naman mukhang kidnapper, para pa ngang artista sa ganda, pero pano?pano siya napunta sa taon nato? naguguluhan man si greg at kahit hindi siya makapaniwala ay pilit nalang niyang tinanggap ang sitwasyon niya ngayon

Greg : ok miss, naniniwala nako ok, kaya pwede bang pakawalan mo muna ako, ang sakit na ng kamay ko eh tsaka ng ulo ko

Isabel : ano!? at bakit naman kita pakakawalan ginoo? kung naniniwala ka na sakin pwes ako hindi naniniwala sayo, galing daw 2013, eh ikaw pala ang may sayad eh

Greg : utang na loob tigilan mo na nga yang katatawag sakin ng ginoo, pinapaalala mo lang sakin na muntik nakong bumagsak sa filipino noon eh, masakit isipin yun ha, tawagin mo nalang akong greg tutal yun naman talaga pangalan ko eh

Isabel : ok greg hindi kita pweding pakawalan kasi may mali sa pag-iisip mo eh, naiintidihan mo? malamang hindi, kasi nga baliw ka,,, haayy isabel para kanamang ano baliw nga tinatanong mo pa ( pabulong na sabi sabay tawa)

       

       Natahimik bigla si isabel ng hinigitan ni greg ang tawa niya at tumawa ng malakas

Greg : potek naman to o!! kanina ikaw ang pinaratangan kong baliw ngayon ako naman, alam mo miss pa ikot-ikot lang tayo nito eh para na tayong tanga ( patawang sabi nito)

         

     Matapos magsalita ni greg agad-agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya, habang si isabel naman,  nung nakitang may bubunutin si greg ay agad hinawakan paitaas ang kanyang kahoy at ihahapas na niya sana ulit kay greg ngunit natigilan si isabel ng makita niya ang bagay na kinuha ni greg.

         

         Agad napa lapit si isabel kay greg na nasobrahan naman sa lapit na muntik ng magpang-abot ang kanilang mga ilong, napangiti lang si greg sa reaksyon ni isabel ng makita niya ang cellphone, at mukhang nabighani na sa ganda ni isabel,

        

          Habang nakatitig lang si greg na may kasamang pag-amoy amoy kay isabel na naka-yuko at seryosong tinitignan ang cellphone, pero nag-iba ang ihip ng hangin ng biglang tumingala si isabel " ano yan? " at nagtanong pero pareho silang natahimik ng magpang-abot ang kanilang mga mata, hindi maintindihan ni isabel ang naramdaman ng biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, habang si greg naman ay naguluhan ng marealize niyang first time pa lang sa buong buhay niya na makadama ng kilig niminsan di niya naramdam ito kahit sa mapapangasawa niya, at hindi niya maintindihan kung bakit gandang-ganda siya sa babae (isabel), siguro dahil ubod ng ganda naman talaga siya pero hindi naman siya mahilig mag.appreciate ng beauty ng iba o ng isang babae, nakakapanibago pero parang gusto din niya ang nararamdaman

Greg : * nakatitig habang nakangiti, at dahan-dahan inilalapit ang kanyang mukha kay isabel ng hindi niya namamalayan*

       

        Nang mapansin ni isabel na palapit na ng palit si greg sa kanya ay agad naman itong umurong at tumayo ng maayo at nag ayos-ayusan ng damit kahit ok naman ang damit niya

Isabel : * ahm ahm, sambit ni isabel na pilit pinapatunog ang lalamunan na parang may gasgas * greg tama ba? ano ba yang hawak mo? ( habang tinuturo ang cellphone)

Greg : yup im greg at ikaw? ( simple pero swave ^_~ , tanong nito)

Isabel : huh!? anong ikaw?

Greg : i mean anong pangalan mo?

      

      Medyo natahimik ng konti si isabel hindi dahil ayaw niyang sabahin kundi pinipigilan niya muna ang kilig niya bago magsalita, hindi niya maintindihan ang sarili pero sa tuwing tumitingin siya kay greg at nakikita niyang nakatingin din ito sakanya para bang nanginginig ang kalamnan niya na ewan, kaya huminga muna siya ng malalim bago nagsalita

Isabel : isabel

Greg : kinagagalak kitang makilala isabel *sabay ngiti*

Isabel : o ngayon alam mo na ang pangalan ko pwede mo na ba akong sagutin, ano ba talaga yang hawak mo?

Greg : cellphone!, patunay na galing akong 2013, its a way of communicating, i mean gamit ito para makipag-usap sa isang taong malayo * at ini on ang cellphone at nakitang walang signal* nasa 1970 nga naman ako natural walang signal gago talaga (pabulong na sabi nito)

         

       Nag isip-isip muna si isabel ng mga ilang minuto lang naman bago magdesisyong pakawalan na si greg, lumapit siya kay greg at tinanggal ang lubid sa may braso nito.

Greg : *tumingin kay isabel at nginitian ito* salamat ha

Isabel : *ngumiti lang at napakagat labi at kumunot ang ilong ng makita ang bukol sa ulo ni greg* paumanhin talaga ha, hindi ko kasi alam ang gagawin eh

Greg : *hinawakan ang bukol* ok lang yun * at ngumiti*

Isabel : o ayan wala kanang tali pano ka ngayon makaka-uwi sa inyo?

       

      Pano ngaba?, tanong ni greg sa sarili, pano nga ba eh hindi nga niya alam kung pano siya napunta sa taong 1970, pero habang tinitignan niya si isabel inisip nalang ni greg na blessing in disguise ang pag time travel niya kasi nakilala niya si isabel, hindi niya masabing love pero bakit may iba siyang nararamdaman?. is it really love? or just an admiration?

                         *****hhhmmmppp*****

MagKabilang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon