» Napatitig lang si Greg sa tanong ni Isabel kung paano siya uuwi, pano nga ba?
Isabel : o ayan malaya ka na ha, san ka ngayon?
Greg : sa totoo lang hindi ko talaga alam eh, wala talaga akong maisip kung pano ko sisimulang ayusin to, pwede bang dito mo na ako? * pa-cute na nginitian si isabel*
Isabel : ay hindi pwede, hindi talaga * agad tumalikod*
Pero biglang nanigas si isabel at nanlamig ng may biglang humawak sa braso niya kaya agad siyang humarap at nakitang nakatitig si greg sa kanya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya
Isabel : (sa isip ni isabel) * nako po dyusko po sana ilayo niyo po ako sa tentasyon ng kagwapohan at sa malanding mga mata ng taong ito, mahina lang po ako, hindi ko maintindihan pero pagkaharap ko siya,,,,,,, mahina ako, tulungan niyo po ako malagpasan ito * (habang nakatingin kay greg)
Greg : * mahigpit na hinawakan ang braso ni isabel habang titig na titig * Pwede bang dito muna ako wala na talaga akong matuloyan na iba eh
Isabel : * inalis ang kamay ni greg sa braso niya * gustuhin ko man pero hindi talaga pwede kaya maghanap ka nalang ng ibang matitirhan dun sa bayan maraming kang matutuluyan dun
» Ayaw man ipilit ni greg ang gusto niya pero wala siyang magagawa kasi wala naman talaga siyang kakilala sa taong 1970, wala siyang pera at saka pano siya makaka-uwi kung aalis siya sa lugar kung san siya dumating kaya naka-isip siya ng bright idea.……
Bigla nalang nanlaki ang mata ni isabel ng napansin niyang lumalapit si greg sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay gustuhin man niyang pumalag pero di na niya nagawa ng dahan-dahang lumuhod si greg sa harapan niya, at bago paman magsalita si greg ay parehong nagulat ang dalawa at hindi nakagalaw ng bumukas ang pinto at dun nakita sila ng tatay ni isabel na kitang-kita sa itsura ang pagka-gulat nito
Gregorio : * gulat at labis na nagtataka* Isabel * malakas na sigaw nito
Isabel : tay!!!
Greg : * agad napatayo at kinabahan ng marinig niyang siya ang tatay ni isabel * hello po * pilit ngumiti *
Isebal : * siniko si greg * tumahik ka muna diyan * pabulong na sabi niya*
Gregorio : Sino siya isabel * agad nilapitan si isabel at matigas na tinitigan si greg * sino ka at anong ginagawa mo rito? anong ginagawa mo sa silid ng aking anak? paano ka nakapasok dito?,,,,,sagot!!!!!* sigaw nito*
Greg : po? * nataranta *
Isabel : tang wala po kaming ginagawang masama
Gregorio : tumahimik ka isabel hindi ikaw ang tinatanong ko, hoy * tinuro si greg * ikaw lalake sagutin mo ko
Gulong gulo na si greg at nalilito habang kinakabahan sa mga tanong at titig ng tatay ni isabel pero kailangan niyang manatili sa bahay nila dahil yun lang ang tanging lugar at paraan na, naiisip niyang solusyon para makabalik siya sa hinaharap
Greg : * nanginginig * nagmamahalan po kami * agad kinuha ang kamay ni isabel at tinulak papunta sa kanya at agad naman niyang pinulupot ang kamay sa beywang ni isabel *
Isabel : ano??? * gulat na gulat na napatingin kay greg at hindi namalayang nasa beywang na pala niya ang kamay nito *
Greg : * pilit sinisinyasan si isabel na umoo *
Gregorio : pinagloloko niyo ba ako isabellita ha?
Greg : naku hindi po, humihingi po ako ng paumanhin kung palihim po akong umaakyat ng ligaw dati pero mahal po namin ang isa't-isa, *liningon si isabel* diba mahal?
Isabel : * tulaley na nakatingin kay greg *
Biglang napa-upo si gregorio na agad namang nilapitan ni isabel at sakto dumating rin sa eksena ang kanyang nanay na si amelia
Amelia : * nagmamadaling inasikaso ang asawa na hirap huminga at hindi namalayan si greg* anong nangyayari dito?
Gregorio : itanong mo diyan sa anak mo at sa kanyang di umanoy kasintahan
Isabel : * napayuko *
Amelia : anong kasintahan * napaharap at dun nakita niya si greg at agad itong napatayo * at sino ka naman?* galit na tanong nito*
Greg : greg po kasintahan ni isabel
Agad napatingin si amelia kay isabel pero si isabel ay parang naging pipi at parang walang masabi kaya inalalayan muna ni amelia ang asawa pababa para uminom ng tubig at agad namang nag.offer ng tulong greg pero sinungitan lang ito
Amelia : hoy isabel pagnahimas-masan natong tatay mo saka tayo mag-usap pati narin ikaw, kung sino kamang higanting tao ka
Ng nakalabas na ang nanay at tatay ni isabel ay agad niyang hinampas si greg at hinawakan ang kanyang damit at tinulak hanggang wala ng maatrasan si greg
Isabel : nagmamahalan? kasintahan? baliw ka ba talaga ha * galit na galit *
Greg : sorry na, wala talaga akong maisip na ibang palusot eh, saka isipin mo napadpad ako dito baka dito lang din ang tanging lugar para makabalik ako samin pansamantala lang naman eh
Naisip ni isabel na tama rin naman sa kabenit siya lumabas baka dun din siya makabalik kaya agad niyang tinulak si greg at binuksan ang kabenit at pilit na pinapasok si greg
Greg : ano ba tong ginawa mo ha
Isabel : eh diba sabi mo kung san ka nang galing dun karin makakabalik eh diyan ka galing eh kaya diyan ka lang baka maka-uwi kana maya-maya lang
At natahimik lang si greg, habang si isabel ay kabado parin na baka tawagin na sila ng kanyang tatay at nagdadasal na sana maka-uwi na si greg
20 minutes later………………
Isabel : greg??
Greg : andito pako
30 minutes later………………
Isabel : greg?,,,,, greg * nilapitan ang kabenit ng wala ng sumasagot * hoy greg???
Greg : Baahhhhh!!!!! * sigaw *
Napahiyaw lang si isabel ng ginulat siya ni greg habang si greg ay hindi napiligang tumawa, at dahil sa inis ay hinampas ni isabel ng bakya ang kabenit
Malipas ang ilang minuto ay walang nangyari kaya napabuntong hininga nalang si isabel at napa-isip, "makaka-alis pa kaya siya, pano kung hindi, pano sila tatay?" pano kaya nila to malulusutan?

BINABASA MO ANG
MagKabilang Mundo
Roman d'amourDalawang Magka-ibang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana.