Chapter seven

369 13 7
                                        

       

This chapter is dedicated to my dear reader :
@Chardawnfinity :)

                  

                       ∞∞  Chapter seven ∞∞

     

     

        Nakatitig lang si greg nang papaluha na si isabel habang ikinikwento ang nangyari noon, pero habang tinitignan niya si isabel hindi niya maintidihan pero parang may bumubulong sakanya na yakapin siya o himasin man lang pero di niya magawa


Greg : pasensya kana kung ipinaalala ko pa sayo yung mga nangyari noon diko naman alam eh



Isabel : ( tumingin kay greg )  ok lang yun ikaw na rin ang nagsabi hindi mo alam saka tapos nanaman yun eh wag nalang natin banggitin ulit

         

       

     Nang tinignan ni isabel si greg, saka lang nagka-lakas loob si greg para hawakan ang kamay ni isabel, nagulat lang si isabel at nanlamig pero di niya inakalang gagaan ang loob niya sa paghawak ni greg sa kamay niya, naramdaman niyang may karamay siya sa sakit ng nakaraan



Greg : pero teka pano nato?  ano nang gagawin natin?

(agad na sabi niya palihis sa topic kanina)



Isabel : sige isip tayo

        

     

     Gabi na at nakatulala parin ang dalawa sa isat-isa habang nag-iisip kung paano paninindigan ang palusot ni isabel na pagbubuntis umano niya



Greg : ( pumipikit at agad-agad namang dumidilat)  pweding bukas nalang natin to problemahin kasi pagod nako eh, pahinga nalang muna tayo ( at pahiga na sa higaan ni isabel kung saan sila naka-upo)



Isabel : oyyy teka (sigaw niya habang mabilis na hinawakan ang braso ni greg at pinigilang humiga)



Greg : ano nanaman ( paawang boses )



Isabel : anong ano, eh higaan ko to kaya dika pwede dito , dun ka ( habang nakaturo sa may bandang kabenit)




Greg : ano!!! dun nanaman!!! saan ako hihiga sa loob?, hindi ba pweding share nalang tayo dito? ( at biglang napatingin sa gilid) malay mo magkatotoo ang dahilan mo sa nanay mo at maging instant daddy pako

( pabulong na sabi niya)



Isabel : anong sabi mo?


Greg : sabi ko dun nako sige goodnight, sleeptight

(agad tumayo at umupo sa sahig at sumandal sa kabenit at pinipilit ang sarili na maging komportable)

       

      

      Lumipas ang ilang oras ay mahimbing ng  nakatulog si greg habang si isabel naman ay biglang nagising at upo sa pagkakahiga at napatingin kay greg at napansin niya na nilalamig ito kaya kumuha siya ng extrang kumot at dahan-dahang lumapit sakanya

     

      

       Nang nakalapit na si isabel kay greg ay umupo siya at kinumotan si greg, at ng umabot na ang kamay niya sa may bandang dibdib ni greg ay bigla siyang natigilan at kinabahan ng biglang nahawakan ni greg ang kamay niya.

      

      

      

        Biglang napapikit si isabel ng gumalaw si greg at lumipat ng pwesto na nakaharap na sa kabilang gilid na naging dahilan kung bakit napasadal siya sa katawan ni greg dahil hawak hawak parin ni greg ang kamay niya.

     

       

       Pinipilit kunin ni isabel ang kamay niya pero parang mas hinihigpitan pa ni greg ang kapit niya kay isabel at ilang minuto ang lumipas ay biglang nanlaki ang mga mata ni isabel ng gumalaw ulit si greg at ngayon ay nakaharap na ulit sakanya pero mahimbing parin itong natutulog habang si isabel ay nanlalamig na dahil ngayon ay magkadikit na ang mga ilong nila.

      

        

         Kaya dahil sa kaba at biglang pagbilis ng puso niya ay hindi na ininda ni isabel kung magising man si greg at pwersang kinuha ang kamay niya na hawak - hawak ni greg at dali-daling bumalik sa pagkakahiga at nagtago sa ilalim ng kumot niya.

     

      

         Ng nakahiga na si isabel ay agad namang dinilat ni greg ang mga mata niya na kanina pa pala gising at ngumiti lang ito habang nakatingin kay isabel, pagkatapos ay mahigpit na binalutan ang katawan ng kumot na nilagay ni isabel sa kanya at pumikit na siya habang nakangiti parin.

 

          Kinaumagahan ay nagmamadali ang nanay ni isabel papunta sa silid niya at galit na galit ng maalala niyang nagka buwan ng dalaw si isabel nung isang linggo lang kaya hindi maaaring buntis ito kaya agad itong napasugod sa kwarto ni isabel at sa pagbukas niya ng pinto ay nagulat ito, natigilan at napanganga ng nakitang magkatabing nakahiga si isabel at si greg sa kama at magkayakap pa, habang nakasandal si isabel sa dibdib ni greg at si greg naman ay natatabuan ang bibig sa buhok ni isabel pero  mahimbing parin na natutulog.……………

       ~ "Anong nangyari at magkatabi na sila, jusko po, pagkatapos ng buntis ay ito nanaman, papayag na kaya ang mga magulang ni isabel sa pagpapanggap na pagmamahalan nila ni greg at mauwi na sa totohan ang lahat, hmmmmppp :)) "

                   
                       ♥ Thanks for Reading ♥

MagKabilang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon