CHAPTER TWO

487 11 0
                                    

♥ Chapter two ~ang pagtatagpo~ ♥

Nang matapos magsalita si Greg ay nagulat nalang ito ng bigla siyang hinawakan sa kamay ng mama.

Unknown : pare naiintindihan kita lahat naman tayo gustong magkapamilya, pero alam mo ang pag-ibig para lang yang dalawang arrow ng orasan naghihiwalay pero sa bandang huli magtatagpo din, hintayin mulang tumunog ang orasan at titibok rin yang puso mo *at kinuha na niya ang kanyang kamay*

Greg : Sana nga mahanap ko na siya

Unknown : Tiwala lang pare, tiwala lang, o sige na ayos na ata ang kotse ko, sige pare mauna nako sayo

Greg : *napa-isip* teka anong pangalan mo?

Unknown : ewan ko eh pero tinatawag nila kong kupido, ewan ko ba *ngumiti at umalis na*

Greg : kupido??

Ng malaunan ay umuwi na rin si greg at sa pag-uwi ay agad itong nagbihis ng sando at shorts pero hindi parin nito tinatanggal ang relos sa kanyang kamay at pagkatapos ay nagpahinga narin si greg.

~~ DEKADA 70 ~~

Maria : hay nako ateng bakit ka pa maghahanap eh nandiyan na si ginoong miguel gwapo na at saka general pa

Isabel : ah basta hindi ko siya gusto at hindi ko siya mahal

Maria : sabi naman ni inang natututunan naman daw ang pag-ibig

Isabel : siguro nga natutunan pero kadalasan ng natututunan ay madali ring makalimutan, alam mo maria pagdating ng araw maiintindihan mo rin ako

Maria : pero teka ateng ano ba talagang gusto mo sa isang lalake?

Isabel : Gusto ko? uhm gusto ko yung matangkad, matipuno, kayumanggi, maginoo at higit sa lahat mahal ko

Maria : ah sige na nga pero boto parin ako kay ginoong miguel

Isabel : alam kung gusto mo sayo nalang siya

Maria : ateng naman eh!

Isabel : *napatawa* o halikana nga at matulog na tayo

Bago paman makapasok si isabel sa kwarto ay tinawag siya ng kanyang kapatid na si mando na may dala-dalang malaking kabinet na may relo sa tuktok

Isabel : o bakit? *nilapitan si mando* ano yan?

Mando : lalagyan ng damit? ah basta binigay lang sakin to isang ginoo sa may simbahan

Isabel : binigay?

Mando : tinulungan ko kasi sa pagbubuhat ng palay yung ginoo tas sabi niya wala daw siyang pera kaya ito binigay niya malapit lang kasi bahay niya sa simbahan, sabi niya pamana daw ito sakanya ibigay ko daw sa babae kong kapatid dahil sa pangbabae daw ito, eh hindi naman pwede kay maria dahil iisa lang silid namin so sayo nalang ateng babagay ito sa silid mo

Isabel : ha!! ah sige ikaw bahala

Agad namang ipinasok ni mando ang malaking kabinet sa kwarto ni isabel at pagkatapos ay nagpahinga narin sila

~ KASALUKUYAN ~

Mahimbing na sanang natutulog si greg ng biglang tumunog ang kanyang telepuno

Greg : ano?? *nakapikit pa ang isang mata*

James : ay sorry bro nakalimutan ko lang sabihin na naka-alarm yang wristwatch mo sa 12 midnight eh hindi ko na-adjust eh

Greg : ah salamat ha sa pagsasabi 2 oras nalang alas dose na inalarm mo pako ng mas maaga, sige na nga matutulog nako ulit * at binaba ang telepuno at bumalik sa pagtulog*

~~~~~~~~~•••••••••••••••••~~~~~~~~~

Hindi na nagising si greg ng tumunog na ang alarm ng kanyang relos na suot-suot parin nito, ng nagising si greg ay nagtaka nalang ito kung bakit siya naka-upo at kung bakit napakadilim na wala na siyang makita, kaya agad niyang hinanap ang kanyang phone na sa naaalala niya ay inilagay niya sa bulsa ng kanyang shorts at ng makita niya ito ay ipina-ilaw niya ito at nang umilaw na ay nagulat nalang na parang nasa loob siya ng isang kabinet

Greg : ano to? *kinukurok ang kanyang braso* nanaginip ka lang greg, gumising ka, gumising ka

Nang marealize niyang hindi siya nananaginip ay kinabahan na si greg kaya agad niyang tinawagan si james

Greg : *tumingin sa phone* walang signal?, anaknang nasan ba talaga ako

Hindi na alam ni greg kung anong gagawin pero na-isip niyang kailangan na niyang makalabas kaya pilit niyang binubuksan ang kabenit pero parang nakalock ito sa labas

Nagising naman si isabel ng mayron siyang naririnig na ingay, kaya agad siyang bumangon at binuksan ang kanyang pintuan sa ina-akalang mayrong kumakatok sa kanya pero sa pagbukas ay wala naman tao kaya isinirado niya ulit ang pinto pero patuloy parin niyang naririnig ang ingay , nang mabaling ang kanyang atensyon sa kabenit ay dun lang nya nalaman na dun pala nanggagaling yung ingay, kinabahan na si isabel dahil hindi niya alam kung ano ang nasa loob kaya agad siyang kumuha ng malaking kahoy para pangpokpok kung saka-sakali mang mayroong hayop sa loob

Samantala parang naliligo na si greg sa pawis sa kakapilit na buksan ang kabenit............

Dahan-dahan ng nilapitan ni isabel ang kabenit at mabilis niyang binuksan habang nakapikit

........Habang tinutulak ni greg ang pintuan ng kabenit ay bigla nalang itong bumukas at sa pagkakita nya labas nito ay nagulat nalang ito ng may parang ilaw na umiikot na sa kanyang ulo at agad nalang nahulog at nawalan ng malay

Kabado man si isabel ay sa pagbukas palang niya agad niyang inihampas ang kahoy sa kung anong lumabas sa kabenit na hindi naman niya nakita dahil siya ay nakapikit.

Kinakabahan parin si isabel pero dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at nang nakadilat na siya dun nagulat nalang siya ng may malaking lalake ng nakahandusay sa sahig niya, agad naman napatalon si isabel sa kanyang kama

Isabel : * nakatabon ang dalawang kamay sa kanyang bibig* naku diyos ko po nakapatay ata ako * at kinuha ang kanyang kahoy at tinapik ang lalake* ehhhh * humagulgul* bakit ka kasi nanadiyan, naku anong gagawin ko sayo

Biglang nagulat si isabel at kinabahan ng bigla siyang tawagin ng kanyang tatay

Isabel : tang????

~> to be CONTINUED :)

~> ano kaya ang gagawin ni isabel?

~> ABANGAN

~> Thanks for reading

MagKabilang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon