>> Lumipas na ang mahigit 30 minutos ay wala parin, nakatunganga na lugmok na lugmok si isabel sa pagbabantay kay greg ng biglang
" Isabel!!!!!"( malakas na sigaw ng tatay niya)
Agad napatayo si isabel at kinabahan agad niyang kinatok si greg na nasa loob pa ng kabenit
Isabel : " hoy greg, tawag na tayo ng tatay ko"
Napadilat naman si greg na naglulumpasay na sa init sa loob ng kabenit
Greg : " oy ikaw lang tinawag noh! narinig ko kaya sabi niya,,, Isabel!!!(sigaw din niya na parang inaasar si isabel) o di ikaw lang greg pangalan ko eh
Nang dahil sa inis ay agad binuksan ni isabel ang kabenit at hinampas si greg ng damit at napasimangot lang ito na nakatingin kay greg habang si greg ay naka-ngiti lang sakanya hindi na inisip na nandun parin siya inisip nalang ni greg na kung hindi pa ngayon ang panahon para umalis diya ay wala na siyang magagawa
Greg : (nakangiti) o bakit ba!!! (at pinunas nalang ang damit na inihampas ni isabel sa mukha niya na pinagpapawisan ng husto at lumabas sa kabenit)
Isabel : "anong bakit ha, eh ikaw (sabay hampas sa braso ni greg) ang may sabi na magkasintahan tayo"
Greg : "aray naman, oo na hali kana nga, labas na tayo"
Bigla namang nanlaki ang mata ni isabel at bumilis ang tibok ng puso ng hinawakan ni greg ang kamay niya ng mahigpit at agad niyang hinawakan ang kanyang dibdib ng hindi niya maintindihan ang pagbilis nito at tinignan niya si greg
Greg : (tinignan si isabel at nagtaka kung bakit ito nakatulala sakanya) o ready kana, tayo na?
Isabel : (nasa dibdib parin ang isa niyang kamay at biglang natauhan ng magsalita na si greg) ha!? oo halikana
At lumabas na sila ng kwarto ni isabel at bumaba na, na magkahawak ang kamay parehong kinakabahan at ng nakababa na sila ay tahimik lang ang tatay at nanay ni isabel na nakatingin sa kanila
Gregorio : umupo kayo ( matigas ang titig kay greg) ano ba talagang katotohanan ha, ipaliwanag niyo nga saamin ha, isabel at kung sino ka man
Pasalita na sana si isabel pero inunahan siya ni greg na ikinagulat niya kaya tinignan niya ito pero hinigpitan lang ni greg ang kapit niya kay isabel
Greg : paumanhin po at hindi po ako nakapagpakilala ng maayos, ako po si Greg Monterial, isang simpleng tao at tama po kayo dayo lang po ako pero sa diinaasahang pagkakataon ay ( napatingin kay isabel at di niya maintindihan kung bakit gusto niya rin ang nangyayari) nakilala ko po ang anak niyo at binihag niya po ang puso ko, hindi ko po alam pero ng makita ko siya ay hindi ko na po nagawang umuwi, mas gugustuhin ko pong makasama siya ( at ibinalik ang atensyon sa tatay ni isabel) at mahalin siya
Natahimik at nagtataka si isabel sa mga pinagsasabi ni greg at napa-isip habang tinititigan si greg ( ano ba yang pinagsasabi mo greg, pero isabel pagpapanggap lang to hindi siya totoo, wala lang totoo sa sinasabi niya, hindi ka niya gusto) at pilit niyang inalis ang kamay na hinawakan ni greg na pinagtaka naman ni greg pero hinayaan nalang niya
Amelia : nak, mahal mo ba talaga siya (nakakunot ang noo habang nakatingin kay greg) hindi yan taga rito at wala pang trabaho
Isabel : po ( at kahit di niya gusto ay napatingin ulit siya kay greg at sa isip niya ayan nanaman ang mga mata niya, wag mo kong titigan at baka umasa na talaga akong totoo nato dahil hindi naman talaga, ngayon lang kita nakilala hindi kita pweding magustuhan sa isang araw lang) opo nang ( agad inilihis ang tingin )
Gregorio : pwes itigil niyo na yang pagmamahalan niyo ( galit na sabat nito) umuwi kana sa inyo iho dahil nakalaan na ang anak ko sa iba
At nagkatinginan lang sila isabel at greg na kapwa hindi sang-ayon sa sinabi ni gregorio
Isabel : tang, kung si miguel ang tinutukoy niyo pwes ayoko, ayoko ko sakanya at hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya
Gregorio : oo si miguel nga, sa ayaw at sa gusto mo siya ang papakasalan mo at hindi yang iniirog mong walang trabaho
Greg : magtatrabaho po ako ( agad na sabat nito na kailangan makumbinsi ang tatay ni isabel dahil pano nga naman siya makak-uwi kung wala na siya kay isabel) kahit ano po kaya ko
Gregorio : tumahimik ka ( matapang na sabi niya )
Isabel : hindi ako pweding magpakasal kay miguel, ayoko ( sabi niya sa sarili )
Greg : hindi ako pweding umalis dito ( nasa isip niya)
Agad namang napatayo si isabel na pinagtaka nilang lahat lalo ni greg kaya tumayo narin ito at inilagay ang kamay sa balikat ni isabel na kahit naiilang ay hinayaan lang ni isabel, at sa ilang segundo ay inilagay ni isabel ang kamay niya sa kangyan tiyanan at biglang…………
Isabel : hindi ko siya pweding paalisin tang, nang dahil (natigilan at pinipilit lumuha ang mga mata) dahil ayokong lumaki ang anak kong walang kinikilalang ama
Greg : ano????( gulat na sigaw nito)
Napatayo narin sa gulat ang tatay at nanay ni isabel
Amelia : ( papaluha na) anong ibig mong sabihin anak? na nagdadalantao ka?
Isabel : ( nagpeki-pekiang hagulgul) opo nang buntis po ako, patawad po talaga ( at agad siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto )
Natulala si greg at agad sinundan si isabel sa kwarto habang sina amelia at gregorio ay tila nanlumo at napa-iyak nalang ang si amelia. Nang makarating si greg sa kwarto ay nakita niyang pabalik-balik ng lakad si isabel kaya pumasok ito at isinirado ang pintuan
Greg : buntis???????
Isabel : eh wala nakong maisip na ibang paraan eh
Greg : ( nilapitan si isabel at hinawakan ang dalawang braso at pinaharap sakanya) ginawa mo yun para sakin (tinitigan ng malalim si isabel)
Isabel : ( gustong kiligin pero agad niyang pinigilan at inalis ang mga kamay ni greg) para sayo? ( tumawa ng maikli) neknek mo, ayoko ko lang talagang makasal sa heneral na yun noh!( at napa-upo)
Greg : ok fine, pero bakit? eh heneral na nga eh,
parang ang lalim lang ng pinanggalingan mo para magpanggap na buntis
Isabel : nakita ko siyang may binubugbug na binata
Greg : yun lang? yun lang yun, eh baka magnanakaw, heneral nga diba!
Isabel : yung binata na yun ang nagligtas sakin nung muntik nakong malunog, at hindi ko na siya nakita ulit matapos nung nakitang ko siyang binubugbug, pero alam mo ba kung bakit niya yun binugbug kasi manliligaw ko yun, sasagutin ko na nga sana eh kasi mabait siya, maginoo saka napamahal narin siya sakin kaso wala na ( malungkot na sabi nito at napaluha ng kaunti na agad naman niyang pinunasan) kaya, kaya kung gawin lahat wag lang makasal sa demonyong yun
Natahimik lang si greg ng makita niya ganun kalungkot si isabel.
Pero pano nato mas lalong dumami na ang mga tinatagong lihim ng dalawa, kaya ka ya nilang dalawa ang panindigan ang pagbubuntis ni isabel?????
××××× Thanks for Reading ×××××

BINABASA MO ANG
MagKabilang Mundo
RomanceDalawang Magka-ibang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana.