Two.

74 8 5
                                    

Nakauwi naman ako ng maayos, kaso nga lang nakita ko ang lungkot ni Camille kanina. Siguro dahil sa nangyari, di niya ata inaakala na gano'n pala ang ugali ni Zeke.

"MUSTA SCHOOL?" Gulat ko sa salubong ni Kuya.

"Ugh. Kuya naman eh, wala naman. Gano'n pa rin, may bagong kaibigan." Sagot ko na may halong  taray pa at pumasok na sa loob.

"Lalaki o Babae?" Si kuya talaga oh, masyadong strikto. Sinagot ko naman ng totoo "Babae."

"So, gutom ka na? Pinagluto kita ng tortang talon." 

Minsan nakakapagtataka na lang sa mga linuluto ni kuya eh, dati hotdog ngayon talong? Ba't ba ang hilig niyang pakainin ako  ng mahahaba?!

"Kuya, umamin ka nga sa'kin.  Ano ba yang mga pinagluluto mo ha?! Kung ako man ang papakainin mo niyan, please don't me. Sa future wife mo na lang."

"Ano nanaman yang nasa kukote ng utak mo? Alam mo minsan, mapapatanong na lang ako kung tao ka ba talaga."

"###!!?!# ANO SABI MO HA?! ANG LAYO NAMAN NG TALONG SA UTAK KO! ####!!#?!"

Biglang bumaba si Mama na may hawak hawak na patpat

"MGA BATANG ITO OH, NAG AAWAY NANAMAN BA KAYO?! MINSAN MAPAPATANONG NA LANG AKO KUNG ANAK KO BA TALAGA KAYO!" Bulyaw ni Madir habang iisa kaming tinuturo gamit ang hawak hawak niyang patpat.

"Eh pano kasi Ma, Eto si Hailey oh. Mga pinagiisip. Siya na nga pinagluluto eh." Sisi pa naman sa'kin ni Kuya, huwaw. Parang di naman kasi mabiro.

"Hay nako, amina nga 'yan!" Inagaw ko na lang kay Kuya yung hawak hawak niyang pinggan na mayroong tortang talon with rice at bigla na lang akong umupo at lumamon "Papahabain pa eh. Oo nga pala Kuya, masarap, penge pang kanin." Siyempre, binigyan naman niya ko. Siguro kaya bigla kong lumamon, iritang irita na rin ang tiyan kong marinig yung dakdak ni Madir kaya sige, go lang.

Pagkatapos kong lumamon, umakyat agad ako sa aking kwarto para mahiga lang saglit. Marami akong iniisip na wala namang kakwenta kwenta pero ang importante talaga kung kailan ba 'ko uli makakapunta sa kagubatan. Sa kagabutan ako nakakakuha ng inspirasyon para gumuhit, marami na 'kong koleksyon ng iba't ibang hayop o mga kakaiba sa aking paningin na ang aking ginuhit gamit ang aking kamay ngunit hindi na ngayon sa pangyayaring di inaasahan.

Flashback.

Si kuya ay mahusay na litratista, at ako naman ay mahusay na mang-guguhit. Bata pa lang kami ay gusto ng aming ama na mas umunlad pa ang talento namin. Lagi kaming pumupunta sa kagubatan, do'n kami kadalasan gumagawa. Habang naman ang aming Ama ay kasama ni Lolo na kumakain ng mangga sa maliit na kubo kung saan nakatira ang aming lolo. May nangyaring hindi naman ginusto, ako'y nawala at hindi ko alam kung saan patungo ng aming pinagusapan para makaalis sa kagubatan, mga 10 gulang pa lang ata ako non eh. Sigaw ako ng sigaw, at di mapakali. Gulat ko, may nakita akong isang lobo. Lobong parang kaidad ko lang noon. Hindi ako natakot, mas natuwa pa ako. Hinimas ko siya, at tinulungan niya kong makaalis sa lawak ng kagubatan. Masyado pala kong malayo layo kaya pala ako'y naligaw. 

Nakabalik  ako nang madilim na ang langit, takang taka ako sa pangyayari, umiiyak ang aking Ina, at nang ako'y nakita ni Mama, bigla siyang tumakbo papunta sa akin at yinakap ako ng mahigpit na halos di ako makahinga at paulit ulit na tinatanong ako ng "Okay ka lang ba?" nagtaka rin ako sa dami ng pulis na nakasalubong sa amin. At nagtaka na rin ako ng napansin kong parang wala ang aking Ama? Nasaan siya? Kinwento naman ang aking lolo, nang nalaman ako'y nawawala ay pinagbigtangan pa ang aking inosenteng kuya kaya ang aking ama ang nagpursiging hanapin ako at hanggang sa hindi na ito bumalik, walang ideya kung nasaan siya.

End of Flashback.

Hays, masyado  namang madrama. ( ̄。 ̄)~

Hayaan nyo na yun, ang tagal na eh. Bobo nga lang ng mga pulis, hinayaan na lang. Hindi rin din kasi alam kung lokwatcha na ba, wala kasing nakitang katawan. Pero siguro, baka nakain man siya ng ibang hayop diba? Siguro.

Bumaba ako, nakita ko si Kuya tawang tawa sa pinapanood. Tumabi ako sakanya, at yinakap siya. Alam ko, ang corny. Pero ewan. Yinakap ko siya habang ako'y umiiyak. Naalala ko kasi kung gaano kami kasaya nang nasa tabi pa ang aming Ama. Habang siya gulat na gulat, feeling awkward moment, at tinapik niya na lang ako sa likod baka sakaling mas guminhawa pa ang pakiramdam ko.

\ Dale's PoV \ 


Mahimbing nakatulog si Hailey sa'king balikat. Kaso nga lang, ano ba talagang meron sa babaeng 'to? Kanina masigla pa siya eh.. Tapos bigla na lang bababa na parang mukhang pusa na nakakaawa. Nakakatakot nga lang, baka biglang bumaba si Mama mag isip ng masama. Ugali kaya ni Mama tsaka ni Hailey parang iisa lang. Kaya binuhat ko si Hailey papuntang kwarto niya. Hirap palang buhatin yung mga baboy. Paglabas ko sa kwarto ni Hailey, gulat ko nasa harap ko na si Mama as in lumaki yung mata ko sa gulat. Yung tipong akala mo may tiyanak na sasalubong sa'yo bigla.

"Alam mo 'Ma, pwede ka sa mga horror movies. 'Di na kailangang make up-an pa." Palusot ko para walang mahalata.

"..Nakatulog siya?" Tanong ni Mama ng mahimbing na hindi naman talaga supposed na itatanong niya yun.

"Oo, nakatulog sa pagod. S-Sige 'ma, baba na 'ko." Ayoko ng pahabain yung usapan pa namin ni Mama, baka madulas pa 'ko eh. Mahina pa naman ako magpalusot.

Bumaba ako para ipagluto si Hailey ng fries,  baka sakaling bumalik ang ligayang meron siya.

| Hailey's PoV |


Nagising ako sa kama ko. Teka, panaginip lang ba yung kanina? Natatandaan ko kasi- 

Napatigil ako sa iniisip ko nang may na amoy akong linulutong fries. Kaya agad agad akong bumaba, siyempre. Pagbaba ko nakita ko si Kuya, nagluluto, lumingon siya sa akin at ngumiti. Nag sumukot na lang ako nang ngumiti siya sa'kin. Ang weird kasi.






Wasted AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon