Ako'y nasa magandang lugar, sariwang hangin, madamo, at mga ibong lumilipad. Nakabuo ako ng magandang pulang rosas, gulat ko, bigla itong naging itim at nalanta.
Nagising ako, at napansin kong hindi ata ako nakapasok, siguro sa pangyayari kahapon namin ni kuya kaya hindi niya 'ko ginising. Oh sige, talaga. Kaya ko naman sarili ko eh.
Kaso nga lang 3rd day pa lang, may absent na 'ko agad. Wow, choosy pa. Ayaw mo non? Maaga ka na ngang mag babakasyon eh.
Tumayo na 'kot ang saya saya ko. Masaya. Dahil mag isa lang.
Naalala ko yung panaginip ko kanina, mapa-fairy tale, yung may powers ako gano'n? Ang weird nga lang, ilan taon na ba 'ko para managinip ng mga gano'n? Lels.
Wala 'kong maisip na gawin kaya nagmumuni muni muna 'ko sa labas. Naisipan kong, pa'no kung gawin ko yung dati kong ginagawa? Yung gumuguhit ka sa gusto mong lugar?
Hindi na 'ko nag dalawang isip pa, gusto 'kong gawin eh. Naghanda 'ko't sumakay na sa bus. Sa'n ako pupunta? Kay lolo sa'n pa ba. Oo, sa kagubatan.
Matagal tagal ang biyahe kaya't sinalpak ko ang earphones ko sa tainga ko't nag feeling na nasa music video.
Bumaba na ko't kita ko na delikado nga talaga dito, malawak. 'Welcome to Yakushima Forest!'
Swerte ko, may lalaki akong nakita kaya agad akong nagtanong at humingi ng tulong. "K-Kuya, pasensya na ha. Pero, kung kilala nyo po si Lolo Paolo? Pwede nyo ba 'kong.. Hanapin kung nasaan siya?"
Napatulala siya sa'kin. Pinikit pikit at kinusot pa niya ang kanyang mata. "Uh- Oo! Siyempre- kumpare ko 'yun eh. Halika, dito tayo!" Maligayang pagkasabi sa akin.
Nasa loob na kami ng gubat. Malawak at malumot dito, kaya paniguradong madulas sa lugar na 'to. Nakita nanamin ang kubo ni Lolo. Pagkakita ko kay Lola ay agad akong tumakbo papunta sakanya para yakapin siya.
"I-Iha, di ako makapaniwala, bumalik ba 'ko sa pagiging binata kaya mo ko binigyan ng mahigpit na yakap?" Ani ni Lolo.
Natawa ako't sabay nalungkot nang nakita kong hirap na hirap si Lolo sa pagtayo dahil matanda na, nakayukot ang kanyang likod. Sabi ko, "'Lo, hindi po. Apo nyo po. Si Hailey."
Natuwa si Lolo at sinabing welcome na welcome raw ako dito.
Ngayon, sinubukan kong mag libot libot sa gubat at nagpaalam naman ako. Ang ganda, kaya lahat nang nakita kong nakakaakit sa mata sinubukan kong iguhit.
Maya maya, sa pag libot libot uli, masyadong napalayo ako sa lugar ni Lolo kaya hinayaan ko na lang nag e-enjoy naman ako eh.
May nakita kong lobo.. Natutulog. Ang ganda ng mga balahibo nito. May pagkagreyish tsaka white para siyang husky dog. Kaya agad akong nagtago sa likod ng malaking bato at kinuhaan ng litrato ito. Ang saya saya 'ko, masaya talaga kong mapagisa.
Maya maya, gulat ko, nasa harap ko na pala ang lobo. Kita kong galit siya sa'kin dahil naririnig kong umuungol ito.
Siguro, nahuli niyang kinuhaan ko siya ng litrato. Pero- Shems talaga! Ang ganda ng mata niya *OO* Same as Zeke.
Pero wait, di ata 'to ang tamang oras para maging masaya, may lobo oh.
Siguro siya yung lobong tumulong sa'kin no'n? Parang iisa lang sila eh. Kung siya man yun, nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon buhay pa siya.
"'Wag kang magalala! Di kita sasaktan. Wala 'kong binabalak- Tignan mo, ginuguhit lang kita." Sabi kong pakaba at pinakita ko ang aking sketch pad just in case para maniwala. Pero parang nakakaintindi naman yung lobo 'no?
Tumigil ito sa paguungol. Di ko inaasahan na..
...
...
...
Biglang naging tao 'to at iyon ay si Zeke.
"Hays.. Oo nga naman oh, napakamalas ko. Dalawa na nakakaalam." Sabi niya sa pagiging anyong tao.
Habang ako, seriously? Napakainosente 'ko. As in.
"A-Anong dalawa? Ano 'to ha?! Magic lang ba 'yon o prank?!" Sabi kong natataranta na feeling nanaginip lang maygass.
"Dalawa na nakakaalam kung sino ba 'ko. Ikaw at ang kuya mo." Sabi niyang pacool at pinasok niya ang kamay niya sa pocket ng pants niya.
So.. Which means, kaya ayaw akong sagutin ni Kuya no'n? Wow.
"Bakit? Sino ka ba sa buhay ng kuya ko?" Tanong kong gustong gusto ko talagang alamin.
Sinimulan niya na ang kwento hanggang sa matapos 'to.
"Wow, ang cool. Pero pre, don't worry, wala siyang sinabi sa akin talagang linihim niya since magkaibigan na kayo. Ang ibig sabihin, tinuturing ka pa rin niyang real bestfriend." Share ko lang sakanya. Lels.
"Bestfriend? Kadiri ka. Pangbading lang yun no." Sabi niya na kailang ilang ang mukha. Anong kadiri do'n? Sadyang pinanganak talaga 'tong maarte 'no?
'Di ko na lang pinansin ang sinabi niyang kaloko loko, may tanong akong gusto kong sagutin niya. "Oy. May nailigtas ka ba na bata no'n? Na parang kaidad mo lang?" Curiosity hits me so hard.
"Oo. Bakit? Ikaw ba 'yon?" Tanong na pacool talaga at zinoom niya ang mukha niya sa'kin.
Di ako sumagot, cause the feeling of nagulat at bumilis ang tibok ng puso 'ko. At tinulak siya palayo sa'kin at sumigaw ng "Eww!"
"Tss. So ikaw nga yun no? Teka, ba't ka nandito? 'Di ka pumasok?"
"Uh.. Hinde. Halata naman diba? Ikaw? 'Di ka rin pumasok." Sabi ko naman.
"Tinatamad ako." Simpleng reply lang niya.
Gusto kong magtanong ule kung nasa'n ba kami. Feeling ko kasi nasa gitnaan na kami ng kagubatan -__- 'lam ko. OA no?
"Nawawala ka 'no? Halika." Yinayaya niya 'ko with senyas sa kamay niya.
Sumama na 'ko, may tiwala naman ako sakanya dahil siya din ang tumulong sa'kin no'ng nawala ako sa idad na bata pa lang.
Nakaalis na kami at dumiretso sa kubo ni Lolo para magpaalam na ako'y uuwi na dahil alam kong magagalit nanaman sa'kin si kuya.
Sumabay na sa'kin si Zeke. Parehas kaming sinakyan ng bus at magkatabi kami. Then suddenly, nakatulog siya sa balikat 'ko. Habang ako naman, iritang iritaaaa. Ang bigat ng ulo niya, kaines. Sort of na parang sinasadya niyang matulog sa balikat 'ko, halata naman na gusto niya kong asarin.
Nakababa na kami at sabi ko "Dito na 'ko." Turo ko pa sa bahay namin.
Tumingin siya sa bahay namin then he tilts his head and said "Not bad."
Wow. Ang yabang nito ah. Siguro Rk 'to, masyadong maarte talaga. 'Di ko naman na kailangan ang opinyon niya sa bahay ko eh.
Naglakad na siyang papauwi at di man lang nagpaalam or nagsabi ng bye tss. Ang sama. 'Di ko na lang rin siya pinansin pakialam ko ba do'n? Swerte niya nga ako lang nakakita ng lihim niya eh.
Papasok na 'ko at nakita kong inaabangan pala 'ko ni Kuya sa pinto. Nakita ko siya nakasandal at halatang galit. 'Di na lang ako kumibo, at 'di ko rin namalayan na nakauwi na 'ko ng alas-singko ng hapon.
"Saan ka pumunta? Ba't mo siya kasama?" -Kuya
BINABASA MO ANG
Wasted Adventures
FantasyWhat if you're in the world that you think it's real? What if in reality you're having a beautiful sleep and having an adventure dream? What if dreams may kill you and realize that it is the end.