Hailey's POV
Nang ako'y nakahiga sa aking kama, hindi ko pa rin malimutan ang pangyayari kahapon. Yung pangyayaring di inaasahan sa babaeng mukhang anghel pero anlakas pala ng tagos ng regla. Char. Ano ka Pyscho Bitch? Nye.
Makalipas ng ilang araw, ako'y naghanda para pumasok sa eskwelahan. Sa ngayon ay nakikita kong nabubuhay si Cassiel mag isa. Tahimik siyang mag isa. Pero nakikita ko naman na active naman siya sa mga activities o performances man sa school.
Nang matapos ang klase kundi lunch time na ang kasunod. Diretso akong papunta sa canteen. Mag isa lamang si Cassiel na kumakain habang hawak hawak ang phone at nanonood ng hentai (Porn na anime). No joke, totoo. Nagulat siya nang nakita niya kong nakatitig din ako sa pinapanood niya, kaya agad niya itong tinago sa bulsa.
"Yes? May kailangan ka?"Tanong niya sakin habang nakangiti with sparkling eyes pa na nakakaakit talaga.
"Diba hentai 'yon?" OMAYGHADDD. Sa totoo lang dapat tanong ko lang 'yon sa sarili ko, pero natanong ko talaga ng pa-out loud.
Hindi siya nakasagot sa tanong ko, kaya ako na lang nag handle ng conversation namin. "I mean, mahilig din ako sa anime! Yea."
Nagulat siyang may halong tuwa at saya nang narinig niya ang sinabi ko. Hanggang sa kami ay nagkasunduan dahil sa anime lang.
Nang nakauwi ako sa bahay, sobrang tahimik at ubod ng lungkot ang loob ng bahay. Nang nakita ko si Kuya na parang nag aalala na may hinahanap na kung sino man, nag tanong ako kung anong nangyayari. Sinagot ako ni Kuya ng "Si Mama, nawawala."
So? Ano naman? Malay mo may nilakad. Di na lang ako sumagot at nagpahalatang walang may pake kaya umakyat ako sa'king kwarto para matulog na imbis unahin ang mga projects. Pero still, who cares.
Nagdive ako sa kama kasama ang phone ko. Teka- Oo nga pala, yung partner ko pala na lobo sa project. Whatever. Sinimulan kong gumamit ng phone habang nakahiga. Suddenly, naka-receive ako ng unknown na number. Ang nakalagay is..
U/N: Isipin mo kung anong nawawala sa paningin mo. -C
Wow? Nananakot ka? Wag ka magpaka-mysterious sa C mo. -___-
Me: Wala. Wrong number ka pre.
Maya maya habang ako'y nagpapatugtog nang napakalakas, patalon talon sa kama, may headbang pang nalalaman, nag li-lip sync pa na feelingerang nasa concert. Narinig kong nag vibrate ang phone ko. Another message from C.
U/N: No. And kilala kita Hailey, kilala kita. Pansinin mo ng mabuti kung ayaw mong magsisi sa huli.
Wow, rhyme na rhyme. Ano 'to? Ano 'to horror movie tapos ako yung bida? Char. Hindi ko na lang muna sinagot, alam ko namang nang ti-trip lang 'yon. Maya maya natanggal sa isip kong matulog, ewan, nag party ako mag isa eh. Napaisip kong simulan ko ng gawin ang mga homeworks ko para wala kong problemahin bukas.
"HAILEY! BUKSAN MO 'TONG PINTO" Gulat kong si Kuya sumisigaw sa harap ng pinto ko't kumakatok ng napakalakas.
Tumayo ako't pumunta sa may pinto para pagbuksan ito "Teka lang! Grabe ka namang kumatok parang walang bukas." Pagbuksan ko ng pinto, kita ko sa mukha ni Kuya alalang alala.
"Hailey, may nag message sa'kin si C. Hindi ba pwede siya yung dahilan kung bakit nawawala si Mama?" Inabot sa'kin ni Kuya ang cellphone niya para ipabasa sa'kin ang naabot niyang text sa iba. Nagtaka ko dahil parehas kaming naka-receive nang ganitong text at parehas din na nangangalang C.
Bigla kong natakot, kaya agad kong kinuha yung phone ko para ipakita kay Kuya. Nang nabasa niya ang message na natanggap ko, nagtinginan kami na takot na takot na walang masabi.
Sino ka ba C?
BINABASA MO ANG
Wasted Adventures
FantasyWhat if you're in the world that you think it's real? What if in reality you're having a beautiful sleep and having an adventure dream? What if dreams may kill you and realize that it is the end.