P R O L O G U E
Kilalanin si Katana Lora Reyes. Siya ay nasa edad na 22 years old at nakatira sa probinsya ng Bicol. Sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan. Walang internet, gadgets at kung ano ano pa ang nasa bahay nila.
Lumaking simple ang buhay ni Katana. Ang mag aral, tumulong sa bukid, mag pakain ng mga alaga nilang hayop at magtrabaho para kumita ng pera para sa kanilang pang araw-araw na pagkain ang kanya lamang inaatupag. Kung minsan naman ay bumibisita sya sa bahay ng kanyang kaibigan.
Katana's POV
"Nay, aalis po muna ako. Pupunta lang po muna ako sa bahay nila Cherry." Sigaw ko ng makalabas ako ng bahay.
Narinig ko ang pag sigaw ni nanay "Sige anak! Mag iingat ka!" pag kasabi ni nay nun ay dali dali ko nang tinahak ang daan papunta kila Cherry ang best friend ko simula nung elementary, bago at pagkatapos ng isang aksidente.
"Magandang umaga Lora!" Masayang bati ng isang tindera ng madaanan ko ang kanyang tindahan.
"Magandang umaga rin po aling Lida!" bati ko at saka kumaway sa kanya. Tumakbo na ulit ko papunta sa bahay nila Cherry. Isang tulay nalang ang layo mula sa kanilang bahay.
"ANAK!"
Napahinto ako sa pag takbo ng makarinig ako ng sigaw, di kalayuan sa pwesto ko. Nakita ko sa harapan ko ang isang bata na nakahawak sa kamay ng mama nya para di mahulong sa ilog.
Napansin kong padulas ng padulas ang kamay ng bata sa kamay ng mama nya, hindi na ako nag dalawang isip pa.
Mabilis akong tumakbo patungo sa gilid ng tulay, at ng tuluyan ng mabitawan ng ina ang bata at mabilis akong tumalon patungo sa bata, hindi iniisip na mahuhulog kami sa ilog, basta ang gusto ko lang ay mailigtas ang bata.
Mahigpit kong niyakap ang bata habang pabagsak kami sa ilog. "Shet." usal ko ng lumapat na sa akin katawan ang lamig ng tubig pagkatapos nun ay ang mabatong bahagi ng ilog.
Hindi ko na ininda pa ang sakit, mabilis akong lumangoy patungo sa gilid na bahagi ng ilog para maiahon na ang bata. Nakahinga naman ako ng maluwag ng ayos ang kalagayan ng bata.
"Salamat ate Lora." Sabi nya at mahigpit akong niyakap, ramdam ko ang panginginig nya dahil sa nangyari.
"Sa susunod, mag iingat ka na." Sabi ko at ginulo ang buhok nya. Ngumiti nalang sya bilang sagot at saka pumunta na sa mama nya na nag hihintay.
Kumaway na ako sa kanila at nag patuloy na sa paglalakad papunta sa bahay nila Cherry. Basa man at may iniindang sakit sa likod ay hindi na iyon alintana sa akin. Sanay naman na sila sa akin na palagi nilang nakikita na ganito.
"Oh? Napano ka na naman Kat? May niligtas ka na naman no?" Napakamot nalang ako sa batok ng sabihin iyon ni Cherry na nakapamewang sa tapat ng pintuan.
Ang lakas talaga ng pandama nito, tinalo pa si Tif eh. Narinig ko nalang ang pag buntong hininga ni Cher.
"Oh sya pumasok ka na nga dito, Maya maya tatawag na si Tiffany." Sabi nya at nauna na sa pagpasok, sumunod nalang ako.
Kaya lang ako pumunta sa kanila kasi sabi nya tatawag daw si Tiffany para kausapin ako. Isa rin si Tiffany sa best friend ko na ngayon ay nasa Manila at nag tatrabaho bilang secretary ng isang malaking kompanya.
Alam nyang nag hahanap ako ng trabaho kaya naman nandito ako ngayon para makausap sya. Meron na siguro syang nahanap na pwede kong mapagtrabahuhan.
Pagkatapos kong magbanlaw at mag palit ng damit ay narinig ko ang boses ni Cherry.
"Sigurado ka ba jan Tif? Hays, nako malalagot tayo nito kapag nalaman nila. Oh sya sige, bahala na." Natigil sya sa pagsalita ng maramdaman nya na nasa likod nya ako. Kita ko ang gulat sa mukha nya nang makita nya ako.
"Anyare jan sa mukha mo? Para kang nakakita ng multo, si Tif na ba yan?" tanong ko sabay baling sa cellphone na hawak nya.
"Nandito na si Kat." Sabi nya sa kabilang linya at inabot na sa akin nag cellphone. [Hi Kat! Kumusta?] masayang bati ni Tif na nasa kabilang linya.
"Okay lang naman Tif. Napatawag ka nga pala? May nahanap ka na bang mapag tatrabahuhan ko?" Sabi ko. Ilang sigundong tumahimik sa kabilang linya bago sya sumagot.
"Oo Kat. Kaya gusto kitang makausap, ipapaalam ko lang na bukas ng umaga babyahe ka na papunta dito sa Manila."
Napatingin ako kay Cher, nakita ko ang pag ngiti nya, pero bakit parang pilit lang? Ewan, basta ang importante meron na akong trabaho.
"Salamat Tif. Ihahanda ko namamaya ang mga gamit ko." Sagot habang nakangiti. Sa wakas meron na akong trabaho, ang alam ko kasi malaki ang sahod sa Manila kumpara ditto sa Bicol, ewan ko lang kung totoo nga ba iyon.
Matagal ang naging paguusap naming tatlo hanggang sa maisipan ko ng umuwe ng bahay para ipaalam kila nanay ang balita na pagtrabaho ko sa Manila.
Tanghali na ng makarating ako sa bahay. Nadatnan ko si nanay na nasa hapag kainan at kumakain na.
"Ang tagal naman ng pag uusap nyo nila Cherry, anak. Inabutan ka na ng tanghalian." Sabi ni nanay.
"Napasarap lang nay ang pag uusap namin." Sabi ko at umupo na saka sumandok nang pagkain.
"Nasaan po pala nay si tay?" tanong ko at nilibot ang tingin sa loob. "Alam mo naman iyon, nasa bukid pa." sabi nya.
Kailangan ko na talagang makapagtrabaho para hindi na sila mag bukid pa. Masyadong mahirap ang trabaho sa bukid, lalo na sa edad nila.
"Nay?" tawag ko sa kanya.
"Oh ano iyon anak?" Tanong nya.
Umiling nalang ako at kumain nalang ulit. Mamaya ko nlang siguro sabihin kapag nandito sa si tatay.
Nang matapos na kaming kumain ay saka dumating si tatay na pawisan at merong buhat buhat na malalaking panggatong.
Nag tataka rin ako minsan katulad nalang nito ngayon, kahit na may katandaan na silang dalawa ay nakakaya parin nilang magbuhat ng mabibigat na kahoy. Ibang klase.
Hinintay kong matapos ang pagkain ni tatay bago ko sabihin sa kanila ang pag trabaho ko sa Manila. Umupo ako sa upuan namin sa sala habang minamasid ko sila nanay at tatay sa kanilang ginagawa.
"Nay, Tay. May sasabihin po ako." Sabi ko. Nahinto sila sa kaning ginagawa at saka umupo sa harapan ko.
"Ano iyon?" Seryosong tanong ni tatay na nagpanginig sa akin. Hindi kami masyadong malapit sa isa't isa, nakakatakot kasi ang expresyon nya at ang kanyang mga mata, parang walang emosyon.
"Magtatrabaho po ako sa Manila, meron na po kasing nahanap na trabaho si Tif ---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng marinig ko ang malakas na kalabog. Naihampas lang naman ni tatay ang kamay nya sa mesa.
"Hindi ako papayag na pupunta ka sa Manila." Madiing sabi ni tatay.
"Pero tay---"
"Hindi. Ako. Papayag." Sabi nya at mabilis na umalis ng bahay. Tinignan ako ni nanay na may halong pag aalala at saka umalis din ng bahay para sundan si tatay.
Bakit ba ayaw nila akong payagan kapag sa Manila ang pag tatrabahuhan ko. Hindi pwedeng hindi ito matuloy, nasabihan ko na si Tiffany na pupunta ako. Ayoko ng baguhin ulit ang desisyon ko. Buo na. pupunta ako ng Manila, sa ayaw at sa gusto nila tatay.
Hindi ko alam na sa desisyon kong iyon ay nagbago ang takbo ng buhay ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)
ActionPREVIEW COMPLETED AT DREAME Book 1: The Probinsyana girl: Married to the Mafia King [SOON TO BE SELF-PUBLISH UNDER RM PUB] Meet Katana Lora Reyes. An ordinary girl who lives in the province of Bicol. While searching for a decent job. Her friend fro...