BOOK 1: CHAPTER 4

19.6K 626 6
                                    


C H A P T E R 04

Katana's POV

"Kat, try mo naman ito, sambit ni Tif at saka iniabot sa akin ang isang dress. Napakunot ang noo ko. Damit pa ba ito? Parang kinulang na sa tahi, walang manggas, nasa bandang dibdib na 'yong natatakpan tapos hindi man lang umabot sa tuhod ko ang haba. Tube yata tawag dito.

"Aba naman Tif. Pang ilang damit na ba 'to? wala ka parin ba napipili. 'yong mga damit na pinapatry mo mga kulang ang pag kakatahi," kunot noo kong sabi sa kanya habang hawak hawak itong damit na binigay nya sa akin.

Wala na bang mas titinong damit ang ipapatry nya sa akin.

"Trending 'yang mga damit na pinapatry ko sayo, wag ka nang umangal pa. Sige na pumasok ka na sa fitting room, itry mo na yan." Sabi nya habang tinutulak ako papasok ng fitting room.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagpipilit nya sa akin.

Wala ngayon dito si Cherry dahil sinamahan nya muna si Travis gumala, kaya eto ako ngayon kasama si Tif para pumili ng damit maisusuot ko mamaya sa interview.

Di ko nga alam kung interview pa ba ang pupuntahan kasi 'yong mga damit na pinapatry nya sa akin ay pang party.

Nang makailangtry ako ng damit ay nakahanap na rin si Tif ng damit na susuotin ko mamaya, 'yong ibang damit natinry ko na nagustuhan nya ay binili nya rin.

Tultol man ako sa pag bibili nya non ay hindi s'ya nag patinag, binili nya parin. Ang tigas ng ulo eh.

Alas-dose na ng tanghali nang matapos kami sa pamimili ng damit. Grabi si Tif, inabot kami ng ilang oras para mamili lang ng damit. Kanina pa sumisigaw ang mga alaga kong dragon sa tiyan dahil gutom na gutom na.


"Tara na Kat, nasa Mcdo ngayon sila Cher, puntahan na natin. Kanina pa 'yn nag hihintay," nag mamadali nyang sabi sabay buhat ng mga pinamiling damit, ang iba naman ay ako na ang nag buhat, sa dami ba naman ang pinamili.

Malapad ang ngiti ko habang pababa ang escalator, sa wakas makakakain narin ako! Kanina pa ako nagugutom.

Ano kaya ang pwedeng kainin at inumin? Chicken? Spaghetti? Fries? Shet! Ginugutom na ako dahil sa kakaisip kung ano ang pwedeng kainin.

"KAT!" malakas na sigaw ni Tif na nagpabalik sakin sa reyalidad. Bago pa man ako makapag react ay nabunggo ko na ang sa isang pigura.

Dahil sa lakas nang pagkakabunggo naming dalawa ay parehas kaming tumalsik pati na rin ang mga dala dala ko.

"Putangina naman oh! Tumingin ka nga sa dinadaanan mong babae ka!" malakas na sigaw ng lalaki na nabunggo ko. Abat! Walang hiya rin 'tong lalaking 'to. Parang s'ya tumitingin sa dinadaanan nya.

"Tangina mo rin! Ang lakas ng loob mong murahin ako. Gago ka ba!" sigaw ko rin sa kanya pabalik at saka tumayo na sa pag kakaupo. Tiks yan, ang sakit ng pwet ko. Tinignan ko ang itsura ng lalaking nakabungguan ko.

Masyadong kahina-hinala ang pananamit nya. Naka black hoodie habang may yakap yakap na bag na hindi ko alam kung sa kanya nga ba iyon, pang babae kasi ang bag.

"MAGNANAKAW!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan habang tumatakbo sa direksyon ng lalaking nakabungguan ko.

"Tangina! Malas naman oh!" bulong nya habang nakatingin sa ginang na tumakbo papalapit sa kanya at saka mabilis na tumakbo.

✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon