BOOK 1: CHAPTER 1

23.5K 887 21
                                    


C H A P T E R 01


Kilalanin si Cherry Jane Suarez. Siya ay 22 years old at 3rd year college na sa pasukan, dalawang buwan nalang mula ngayon.


Maganda ang pamumuhay ni Cherry kumpara kay Katana. Sya ay aaral dahil kailangan. Ang magulang nya kasi ay parehong Teacher sa isang University rito sa Bicol habang si Katana naman ay nahinto sa pag aaral ng High School dahil sa pagtrabaho.


Cherry's POV


Napahinto ako sa pag huhugas ng plato ng marinig ko ang pag ring ng cellphone kong nasa bulsa. Mabilis kong ipinunas sa tuyong bimpo ang basa kong kamay at saka dali-dali kinuha ang cellphone sa bulsa at tinignan kung sino ang caller. Si Tiffany ang bestfriend namin ni Katana na ngayon ay nasa Manila at nagtatrabaho.


Sinagot ko ang tawag at saka nagsalita.


"Hello Tiffany, napatawag ka?" nag tataka kong tanong sa kanya. Alam kong busy sya sa trabaho kaya naman nakapagtataka lang na napatawag sya ngayon.


[A-ano kasi Cher, meron na kasi akong nahanap na trabaho kay Kat, malaki ang sahod. Diba nagpapahanap sya ng mapag tatrabahuhan.] Nautal na sagot ni Tif na nag pakunot sa noo ko. Kailangan ba talagang mautal pa sya? Napailing naman ako at pinagsawalang bahala ang pag dududa ko.


"Buti naman at nakahanap ka na ng mapagtatrabahuhan ni Kat, alam mo naman 'yon, basta trabaho go lang." natatawa kong sabi na pati si Tif ay natawa rin.


[Nasabi mo pa.] pag sang-ayon nya sa sinabi ko.


"By the way, anong trabaho ba 'yang nahanap mo para kay Kat?" Tanong ko. Bago pa man masagot ni Tif ang tanong ko ay may narinig akong nagsalita mula sa kabilang linya.


[Miss Tif, pinapatawag po kayo si Sir Smith.]


Aba't talaga itong babaeng 'to. Nasa oras pala ng trabaho nagawa pang tumawag sa akin.


[Teka lang Cher tinatawag ako ni Boss, mamaya sasabihin ko sayo. Papuntahin mo muna riyan si Katana para makausap ko tungkol sa trabaho nya. Bye Cher!] nagmamadali nyang wika at saka pinatay na ang tawag.


Naguguluhan man ay pinatawag ko na lang si Katana mula sa mga batang naglalaro rito sa labas ng bahay namin.


Hindi nagtagal ay natanaw ko na si Kat na papalapit sa bahay kaya naman hihintay ko na sya sa tapat ng pinto. Napakunot ang noo ko ng mapansing basa ang damit nya.


"Oh? Napano ka na naman Kat? May niligtas ka na naman no?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang.


Hindi narin naman ako nag tataka kapag nakikita ko na ganito ang sitwasyon nya, ilang beses ko narin naman syang nakikitang ganyan, hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Napakamot nalang sya sa batok nya at saka pilit na ngumiti, napabuntong hininga nalang ako.

✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon