BOOK 1: CHAPTER 5

17.7K 573 4
                                    


C H A P T E R 05

Someone's POV

"HEY COUNTRYWOMAN!" malakas kong sigaw sa babae nang makalabas na s'ya ng Arcade section.

Akala ko haharap na s'ya sa direksyon ko dahil huminto s'ya sa paglalakad pero hindi pala. Hell. She's the second one who ignored me except my brother.

Hindi ko na s'ya binalak pang sundan, my instinct were telling me that we'll meet again. sinundan ko na lang s'ya nang tingin hanggang sa hindi ko na sya makita.

"Do you know her Drew?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko habang nakatingin sa direksyon nang dinaanan ng babae. Umiling ako saka tumalikod na.

"Nope, but she seems familiar," tugon ko at saka naglakad na pasalungat sa kung saan dumaan ang babae.

That face is really familiar but I don't know where I saw her. I just suddenly call her countrywoman, like what the heck is wrong with me.

Napailing na lang ako at saka nagpatuloy na lang sa pag kakalad.

Kiero's POV

"Ikaw ang may pakana nang pag punta ng mga babaeng 'yon dito, dad?" seryoso kong tanong sa kanya na nasa kabilang linya.

"I'm just helping you choose," sagot nya na nag painis sa akin.

"Damn it. Dad, I don't need your help," naiinis kong sabi na kanya saka napahilamos ang kamay sa mukha.

Pinatay ko na ang tawag at pabalang na binaba ang hawak kong cellphone. Marahas ang pag buntong hininga ko nang isandal ko ang likod sa swivel chair.

Hindi ko alam kung ilang babae na ang pumunta dito sa office ko para lang makausap ako pero lahat sila tinatakot ko, lahat sila.

Kung ganong babae lang din naman ang mapapangasawa ko, huwag na lang lalo na kung magiging Mafia Queen pa.

I want someone strong, strong enough to protect herself.

Tinignan ko ang wristwatch ko para tignan kung anong oras na. 5:00 PM na, imposible naman na may pumunta pa rito ng ganitong oras. Pinikit ko na ang mata ko para ipagpahinga ang isip ko.

Wife huh? I don't see my future having wife, It's impossible for me who doesn't even know what love is. Fck what the hell is wrong with me today.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto. Napadilat ako ng mata at saka dahan dahan na kinuha ang baril ko na nakatago. Bumalik ulit ako sa pagpikit ng mata at saka hinintay na pumasok ang taong iyon.

Hindi ko alam na sa ginawa kong iyon ay mag babago ang takbo ng magulo kong buhay... dahil sa taong pumasok sa office ko.

Katana's POV

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin. Mas nilapitan ko pa ang salamin at mas tinitigan pa ang mukha ko, ako ba talaga 'to?

"Takte Kat! Apakaganda mo!" masayang sabi ni Tif habang nililibot ang tingin sa akin, pati na rin ako iniikot. Parang ewan lang eh. Si Cher naman nakangiti lang habang naka tingin sa akin.

Suot ko ngayon ang black dress na off shoulder, hanggang siko ang haba ng manggas at ang haba naman ng damit ay hindi pa aabot sa tuhod ko.

Pinigilan ko naman sila Tif sa pagpapasuot nito sa akin pero ang titigas ng ulo eh, ayaw magpatinag.

Nakalugay ang buhok kong may highlights na pula, napagtripan ko kasi kanina, bago kami umalis ng mall ay pinakulayan ko muna ang buhok ko. Matagal ko na itong gusto gawin, ngayon ko na lang din ulit naalala.

✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon