BOOK 1: CHAPTER 6

19K 607 20
                                    

C H A P T E R 06

Katana's POV

Pagkatapos magsalita ni sir ay inabot nya sa akin ang kamay para makipag shake hands. Hindi kaagad sa akin nag sink-in kung ano ang sinabi ni sir, parang may mali sa sinabi nya.

Wife...

"Thank you sir... wait ano po?"

Biglang pumasok sa isip ko ang katagang iyon.

"I said, starting today you'll be my wife," pag kaklaro nya at saka bumalik sa pagkakaupo.

Wife ba kamo? Wat da pak. Hindi pag aasawa ang pinunta ko dito. Hindi ko alam kung namali lang ako sa pagkakarinig pero dalawang beses na nyang sinabi eh.

"Teka lang sir, Hindi po ako nag apply dito para maging 'Wife'," nakakunot noo kong sabi at saka lumayo sa pwesto ko, mahirap na baka tutukan na naman ako ng baril.

"What the hell. Diba kaya ka pumunta rito dahil tinawagan ka para maging asawa ko," nakakunot nyang sabi habang nakatingin sa akin.

Mas lalo akong lumayo nang sabihin nya iyon, kinikilabutan ako sa sinasabi nya. Asawa? Ako? Ang lakas ng amats nito.

"Diyan ka nagkakamali sir. Pumunta lang naman ako rito para mag apply ng trabaho," sabi ko saka umupo sa sofa, napapagod na kasi ako sa kakatayo ni hindi man lang kasi ako pinapaupo.

Nagulat ako ng bigla s'yang humalakhak. Hala s'ya, natuluyan na yata.

"HAHAHAH. You're funny Katana, bakit ayaw mo ba akong mapangasawa?" Natatawa nyang tanong sa akin at saka tumayo. Umalis s'ya sa kanyang pwesto at saka pumunta rito sa sofa na nasa harap ko. Umupo s'ya doon at saka seryoso akong tinignan.

"Wala pa sa isip ko ang pag aasawa sir, mag tatrabaho po muna ako," seryoso kong sagot. Kinilabutan ako ng makita ang pag ngiti nya.

"I will double your salary, how about that?" suhestyon nya habang 'di pa rin nawawala ang ngiti nya.

Napalunok ako nang marinig iyon. Shet, alam kong malaki ang magiging sweldo ko, pero ang maging asawa---

"Triple."

"Deal," bigla kong naiusal ang katagang iyon at saka nakipag shakehands sa kanya.

Nasapo ko ang noo ko nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko. Wat the pakkkk!

"There's no turning back now, Katana Lora Reyes," sabi nya habang hawak parin ang kamay ko. Buset! Ano 'tong pinasok ko!

Tiffany's POV

Napatayo kami ni Cher sa pagkakaupo nang lumabas na ng opisina si Kat. Napansin ko ang nakakunot nyang noo.

Nang makalabas na s'ya ng opisina ay seryoso nya kaming tinignan.

"May alam ba kayo tungkol doon guys?" Tanong nya. Kumunot ang noo naming dalawa at saka tinignan ang isa't-isa.

"Huh, tungkol saan?" nag tataka kong tanong sa kanya.

Umiling nalang s'ya at saka humawak sa batok.

"Wala," sabi na lang nya at saka nauna nang mag lakad paalis. Napa kibit balikat na lang kaming dalawa ni Cher at saka sinundan na si Kat.

Nang maka pasok na kami sa kotse ni Cher ay narinig ko ang pag ring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang caller at nakita kong si Sir Zhyne iyon.

Tinignan ko si Kat na ngayon ay malalim ang iniisip habang nakatanaw sa labas ng kotse, si Cher naman ay seryoso sa pag drive.

Sinagot ko na ang tawag. "Hello sir?" bungad na tanong ko kay sir na nasa kabilang linya.

✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon