C H A P T E R 03
Kilalanin si Tiffany Dela Rosa s'ya ay 22 years old at isa sa matalik na kaibigan nila Katana at Cherry. Ulila na s'ya sa magulang kaya naman maaga s'yang namulat sa reyalidad.
Sa edad na Kinse-anyos ay nag simula na s'yang trabaho para may pang tustos sa pangangailangan nilang dalawang magkapatid sa si Travis. Kasalukuyan s'ya ngayong nag tatrabaho bilang secretary ni Zhyne Kiero Smith.
Tiffany's POV
Napabalikwas ako sa higaan ko nang marinig ko ang malakas na busina na nanggagaling sa labas.
Tinatamad mang umalis sa kama ay napilitan na lang akong bumangon, naalala ko rin kasi na ngayon oras nang pagdating nila Katana galing Bicol. Pero bakit parang napaaga naman, 6 am pa lang akala ko naman mga 8 am pa sila darating.
Binuksan ko na ang pinto ng bahay. Nakita ko sa harap ang kotse ni Cherry, habang ang dalawa naman ay nakasilip mula sa labas. Napangiti ako nang makita silang ligtas na nakarating dito.
"Hi Tif, good morning!" masayang bati ni Katana na nasa loob pa ng kotse. Nakita ko ang pag kaway ni Cher na nasa driver's seat.
Binuksan ko na ang gate, sila naman ay lumabas ng kotse. Mahigpit na yakap ang sinalubong nila sa akin paglabas ko ng gate. Niyakap ko rin sila pabalik.
"Good morning din sa inyong dalawa." Nakangiti kong bati sa kanila at saka humiwalay na sa pagyakap sa kanilang dalawa.
Bumaling ako kay Cher, nakita ko ang mabilis na pag iwas niya sa tingin ko.
"Mabilis yata ang pag drive mo Cher, ang aga niyong nakarating dito." Sabi ko habang naka tingin sa kanya.
"Hindi kasi traffic, Tif." Sagot nya pero hindi pa rin s'ya sa akin nakatingin.
"Weeee?" tanong ko, pero wala talaga s'yang balak sabihin na mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.
"Hahaha, hayaan mo na Tif, ang mahalaga nakarating na kami dito," singit ni Kat. Napabuntong hininga na lang ako at saka napahawak sa sintido.
"Nako. Halika na nga. Pumasok na kayong dalawa dito," aya ko sa kanila at saka binuksan ang pintuan ng backseat at kinuha ang isang bag, ang dalawa naman ay si Kat na ang nagdala.
I-papark lang muna ni Cherry ang kotse nya sa parking lot na malapit dito. Nasa isang subdivision kasi kami nakatira at isang bahay itong inuupahan ko para sa aming dalawa ng kapatid ko.
Pumasok na kaming dalawa ni Kat. Pinaupo ko na muna s'ya sa sala habang ako naman ay nagtungo sa kusina para mag handa ng almusal.
Fried rice, Sunny side up, Hot dog. Nagtimpla rin ako ng dalawang milo at kape.
BINABASA MO ANG
✔ TPG: BOOK 1: Married To The Mafia King (PREVIEW)
ActionPREVIEW COMPLETED AT DREAME Book 1: The Probinsyana girl: Married to the Mafia King [SOON TO BE SELF-PUBLISH UNDER RM PUB] Meet Katana Lora Reyes. An ordinary girl who lives in the province of Bicol. While searching for a decent job. Her friend fro...