Madilim na, pero heto ako nag aantay pa rin sa mga barkada ko dito sa sakayan ng tricycle. Last trip na lang ang natitira pero wala pa talaga sila.
" Anu ba yan, wala pa ring pinagbago oh. Ako na lang parati ang nag aantay" bulong ko sa aking sarili. Ng biglang magvibrate ang cp ko. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag, at ng makita ko ang bestfriend ko pala, sinagot ko ito.
"Hello! Gwaps! wala pa sila eh. baka mga 7pm na kami makarating dyan sa inyo." sabi ko agad pagkasagot ng phone.
"Ah eh,gwaps actually andito na sila.ikaw na lang ang wala." sagot ni Venice sa akin.
"Whaaaat! Panu nangyari andyan na sila? anu to? wala manlang pag iinform sa akin,ganon? Grabe sila ha. halos maging puno na ako dito,tapos sila andyan na.!!! " mahaba kung lintaya sa linya.
"Hay naku, sisihin mo si Carlo,panu ba naman dinala nya tricycle nila,tapos tenetext ka daw nila kanina di ka nagrereply,di ka rin daw matawagan. Pero anyway,dito na tayo magsisihan sa bahay, sumakay ka na dyan ng last trip! Mwuah! bye!" sabay putol ni Venice ng tawag nya sa akin."Anak ng tokwa naman oh. kakainis. Makasakay na nga lang" sa isip isip ko.
Ako nga pala si Avia Marie Fabroa. 25 na. Happy sa career, sa pamilya at sa barkada. Kasalukuyan akong nagbabakasyon sa province namin,since I have my 15 days vacation leave.
"Hoy! mga kumag kayo! bakit di nyo ako inantay ha! At nagmukha akong tipaklong na tanga don sa parkingan na nag aantay sa inyo. Sagot!!" banat ko agad sa mga barkada ko ng makababa ako ng tricycle. Pero nagtawanan lang sila.
"HB oh. Wag ganyan babe ha. Namiss pa naman kita ng sobra" sabay yakap sa akin ni Carlo.
"Ewan ko sayo! bwesit ka!" pero nakangiti ako habang sinasabi sa kanya yun.
"Tama na yan. Anu ba, dapat party party tayo. Minsan lang tayo makompleto. Tara! kain muna tayo bago magkampay" Yaya ni Venice sa amin.
Tama nga naman, kompleto kami nga magbabarkada sa college, umuwi kami lahat para sa kasal ng isa namin barkada. Kaya andito kami ngayon sa bahay nila Venics para sa bridal shower na gagawin namin kay Eries.Pagkatapos namin kumain, nagsimula na kami mag inoman, nagbigay ng message na may halong pagkaberde pero biro lang at nagkantahan. Masaya na sana ang gabi. Enjoy na ako. Yung tipong, nagawa ko ng kumanta kahit kasumpa sumpa ang boses ko. Pero biglang naglaho ang kasiyahan ko ng makita ko siya na dumating kasama ang nakakatandang kapatid ni Venice. Na bottoms up ko tuloy ang isang baso ng tequila ng wala sa oras.
The man standing at the veranda, wow! just wow! tama ba? hindi ba ako lasing? or baka may tama na talaga ako? Ang taong gusto ko ng ibaon sa limot, ang dahilan kung bakit pinili kung magtrabaho sa Manila, ang taong basta na lang ako iniwan sa ere, heto sya ngayon sa harapan ko, nakangiti sa akin. Petchay! ang sarap sampalin...
Woooh! My first in everything..
MATEO LUCAS VEREÑA.. how can I forget his name and his innocent, yet head turner handsome face..
YOU ARE READING
PARANG TAYO PARANG HINDI
ChickLitMasakit. Sobrang sakit. Yung tipong andon na sana, pero biglang bagsak. Nakakabobo,nakakapraning. Ewan. Saan nga ba tayo nag umpisa at paano nga ba tayo natapos? Para sa taong,pinagtagpo,pinaglapit pero nasa pagitan ng magkaibigang ba tayo? or nagi...