Flasback...
Maka ilang beses yata ako umikot ikot sa harap ng salamin na nasa kwarto ko. Dati naman di ako concious sa suot ko,bat ngayon yata nabahala ako? Magsisimba lang naman ako. Magkikita lang naman kami ni Lucas.
I once again stared at myself at the mirror. Naka simpleng sunday dress lang ako then tenernohan ko ng flat shoes. Konting facepowder at lipstick.
"Via! anu ba,malalate na tayo! 7:45 na oh" my mom calling me outside of our house.
"dyan na Ma! relax. di uso ang traffic dito sa atin. Aabot tayo sa umpisa ng misa." sabi ko habang tinatapik tapik ko ang likod nya.
"Walà ngang traffic, eh yung tricycle aber? may masasàkyan ka ba agad??" balik ni Mama sa akin.
"Eh, yun lang ang problema." sabi ko.
Buti na lang at paglabas namin ng gate ay may tricycle agad na dumaan.
"Ayos ka rin Glen ha. Ramdam mo talaga na mag aabang kami ng tricycle,tska malalate kami sa misa." sabi ko kay Glen na driver.
"Hahah! nagkataon lang Via! Dalaga porma natin ngayon ah. May date ka ba?" tanong nya sa akin.
Si Glen ay kababata ko, pero pag weekend nagsisideline sya sa pagdadrive ng tricycle.
"Pag naka dress may date agad? hindi ba pdeng baka maluma sa aparador tong damit kaya naisipan kung isuot?" sagot ko sa kanya.
"Ay naku Glen,may date yan. kaya yan nagdress." sabad bi Mama.
"Sabi ko nga Tita eh. Nagtratransform lang yan sa pagiging babae kung may kadate eh" pang aasar sa akin ni Glen.
"Tse! ewan ko sayo. Ito ang bayad oh. sayo na sukli." sabi ko na naka irap na sa kanya.
Bumababa na kami ni Mama sa tricycle. I instantly search him at the crowd. At nakita ko naman agad sya. Hinila ko si Mama na don kami dumaan sa pintong nasa gilid at hindi mismo sa harapan ng simbahan.
Patapos na ang misa ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. I looked and saw Lucas name pop up on the screen.
Lucas: See you at the front door of the church! 😉
Ako: K payn!
After mass nagpa alam na ako kay Mama na may pupuntahan pa ako. Then I texted Lucas na nasa harap na ako ng simbahan.
"Ui! parang kang Owl sa kaka 360° ikot ng leeg mo ah"
"Eh pa ano naman kasi ang tagal mo magpakita"
"Sorry, nakita ko pa kasi si Patrick eh. nakipagkamustahan pa ako."
"Tara na nga. Teka lang!" bigla kung tigil sa paglalakad.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang magka agapay kami sa paglalakad papunta sa sakayan ng Jeep.
"Sa binyag ng pamangkin ko." tugon nya.
Di na ako sumagot. Sumakay na kasi kami ng jeep,sya na rin ang nagbayad ng pamasahe namin. Halos 45mins. din ang byahe papunta sa pinakabayan ng probinsya namin.
"Ang tahimik mo" bulong nya sa akin.
"tahimik talaga ako pag sa byahe." sagot ko.
Nakarating na rin kami sa bayan, at sumakay ulit kami ng tricycle papunta sa reception ng binyag.
"Hey! Lucas buti naman naisipan mong pumunta!" bungad sa amin ng isang lalaki na sa tingin ko ay pinsan nya.
"At sino itong magandang binibini na kasama mo insan? Naks! level up ka na ngayon sa pagpili ng chicks ha." dugtong pa nito habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
PARANG TAYO PARANG HINDI
ChickLitMasakit. Sobrang sakit. Yung tipong andon na sana, pero biglang bagsak. Nakakabobo,nakakapraning. Ewan. Saan nga ba tayo nag umpisa at paano nga ba tayo natapos? Para sa taong,pinagtagpo,pinaglapit pero nasa pagitan ng magkaibigang ba tayo? or nagi...