Chapter 9: Outing ⛵⛵

22 0 0
                                    

Present..

🍃🍃🍃🍃🍃🍃🍃

After ng wedding ni Eries ay napagkasunduan naming magbarkada na dumiretso ng Boracay. 1hr lang naman ang byahe namin kaya makakarating kami don ng mga eight ng gabi.

Buti na lang,medyo madami akong kakilala na don nagtratrabaho kaya nakahanap kami ng murang matutuluyan. Isang room lang na malaki ang kinuha namin,tapos hati hati nalang kami sa bayad. Lahat kami ay pagod na ng dumating sa Isla. Nagcheck in muna kami,nag ayos ng mga gamit namin bago lumabas at naghanap ng makakainan.

We decided to eat at MangoSeà Restau sa may front beach mismo banda. Since mga gutom,galit galit muna kami habang kumakain.

"Hay grabe,sira dyeta ko nito!"  ang biglang sabi ni Ayien pagkatapos namin kumain. Nagboodle fight

"Naks! nagdyedyeta ka pala yien? saan banda? saan? mahiya ka naman sa mga bilbil mo." sabi ni Carlo na nag uumpisa namang mambully kay Ayien. Ewan ko ba sa dalawa na to. Parang aso at pusà.

"Hoy! Montex Carlo Lansangin, pag ako pumayat,maglalaway ka sakin!" sabay kurot sa kanya ni Ayien.

"Kahit nga ngayon eh,naglalaway na ako sayo, tingin ko kasi sayo litson ka,kulang nalang apple" pang aasar pa ni Carlo.

"Abat ang hinayupak na to! Hoy kutong lupa, akala mo ang ganda ng katawan mo. My ghaad! look before yourself muna uy,bago ka manglait" si Ayien na may pag iirap na.

"Oh kids awat na, bawal mag away sa harap ng pagkain" sabad ni Ella sa kanila.
Tumahimik naman ang dalawa. The quite atmosphere was interrupted when my phone ring. Tumayo ako at nag excuse sa kanila.

I slid my phone to answer the call of  Tony, short for Anthony Exander,my boss. We call each other on our first name basis when we are not on the office.

"Oh,napatawag ka." bungad ko.

"Sorry Via, but I have to cut your vacation." he directly told me.

"Why??what happened??" alam ko kasi di sya basta basta na lang magcucut ng VL if di lang emergency.

"I need you the day after tomorrow,dont worry about your tickets I already emailed it to you. Check mo na lang email mo." he added,and avoided to answer my question.

"Tell me first,why I need to comeback as soon as possible? Tony naman, 4 days pa lang ako dito." i said, with a disappointed voice.

"Sorry talaga Vie, may emergency kasi na seminar to Singapore, I need you there as my assistant." sabi nya.

"Okay, anu pa nga ba ang magagawa ko. Sige I'll be there on friday. Diretso Singapore na ba tayo non,or Saturday pa flight natin?" I asked.

"We'll be going on friday night, I give you enough time to packed your things. Sorry talaga ha. Oh sya  bye! enjoy your remaining VL!" and he ended up his call.

"Aaaaah! the perks of being assistant of a CEO !! bakasyon ko putol na naman" i mumbled to myself.

"So your an EA of a CEO? of what company Via?" Lucas suddenly said out of nowhere,di manlang namalayan ang paglapit nya sa akin.
Tiningnan ko muna sya mula ulo hanggang paa. Shet! bakit ang lakas pa rin ng appeal nya? Mas dumagdag yata ang kagwapohan nya ng nakalipas na taon na di ko na sya nakita. Clean cut na rin sya ngayon.

"Staring is rude,and not answering my question is another kind of rudeness." pukaw nya sa namamasyal kung diwa.

I smirked and instead of answering his question I walk pass through him, tsaka ko inaya ang iba na mag ikot ikot na kami at maghanap ng bar na pdeng palipasan ng oras. Alam ko na nakasunod ang tingin nya sa akin..

PARANG TAYO PARANG HINDIWhere stories live. Discover now