Flashback..
Ngarag na ngarag na ang pakirandam ko. Dito ako sa office ng student council,finalizing the program para bukas. Tumayo muna ako at nag stretching kunwari.. ng biglang pumasok si Venice..
"Oh, para sayo, baka kasi mas magsexy ka pa kung di kana kumain.Gurl,bili bili din ng meryenda ha pag may time.." sabay abot nya sa akin ng sandwich.
"Thanks gurl,alam mo naman pag ganitong panahon sa schoool,kulang nalang dito ako mamalagi sa office" sabi ko,sabay upo.
"Hay naku, sino ba naman kasi nagsabi sayo na akuin mo lahat?? asan ba yun ibang officers??"
"Andon sa labas,busy sa pagmonitor ng palaro." sagot ko.
" K fine.sya gora na ako,may laban pa ako eh." sabay tayo ni Venice.
"Go! ilampaso mo kalaban mo.hahaha!" sagot ko, sabay tap sa balikat nya.
Venice is a badminton player. And I?? Supreme Student Council President of our university. Kaya feeling busy ang lola nyo. Haggardo verzosa na talaga ang peg ko. hay naku buhay student officer..
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatally ng score sa palaro ng biglang pumasok si Aimee,secretary ko.
"Huh! madam Ate! grabe kaluka sa basketball,ang ganda ng laban. close fight.." hingal na sabi ni Aimee..
"Ay teka lang.ate papasukin ko muna pinsan ko ha.." sabay takbo sa labas..
"Upo ka muna kuya Luke ha. Ayusin ko lang to." Aimee
"Ate,si kuya Lucas nga pala.pinsan ko" pagpakilala ni Aimee sa pinsan nya sa akin.
Sabay angat ko naman ng ulo ko.
Ako lang yata ang nagulat ng makita sya. Yung reaksyon nya kasi nakangisi."Hi! upo ka" sabay ngiti sa kanya.
"Thanks Ms.Campus Pres. Nice to see you again.." sabay abot ng kamay nya sa akin na inisnab ko
"Magkakilala kayo kuya??" takang pagtatanong ni Aimee
"Yup!" sabay pa naming sagot kay Aimee.
"Dito ka ba muna Aim? kasi lalabas muna ako. Iikot din muna ako sa ibang officers na nasa field pa" tanong ko kay Aimee.
"Ah, cge Ate. text ko na lang si Jillian pag pa alis na ako para sya naman pumalit dito sa office." ngiting sagot ni Aimee sa akin.
"Okay! mauna na ako sa inyo" sabi ko habang ina ayos ang bagpack ko.
Actually dahilan ko lang ang pag iikot sa campus, di ko kasi alam kung bakit kinakabahan ako pag nakikita ko si Lucas. Palabas na ako ng office ng biglang magsalita si Lucas..
"Via! can I join you? pde ba? pde naman siguro kitang samahan sa pag iikot. mabobored ako dito eh. promise I'll behave" sabi nya,sabay taas pa ng kamay.
hay naku, iiwasan ko nga,aasungot pa,di ba marunong makiramdam ang lalaking to?? sa isip isip ko.
"Ah... cge.k lang." sagot ko na lang.
Sabay na kami lumabas ng office. Habang naglalakad ay tahimik kaming dalawa. Panaka naka ay may bumati sa aking mga kapwa ko students, ningiti ko lang sila. Di naman sa pagmamayabang pero humble at approacble kasi ako na Student Pres. kaya halos lahat sa campus namin ay kaibigan ko.
"Ayos ah,halos lahat kilala ka.sabagay si pres ka nga pala." bigla nyang sabi.
Tingin at ngiti lang ang sinagot ko.
"Ngingiti ka lang ba Via? di ka manlang ba magsasalita. Uy laway mo baka mapanis" sabi pa nya.
Tumigil ako,at hinarap ko sya.
"Excuse me, ikaw ang nagvolunteer ng sarili mo na sumama sa akin no.tska di tayo close. Wala tayong pag uusapan" sagot ko na pa irap.
" Well, maybe we can be close. Can we? " he said with a pleading eyes on me.
" I just wanted to be your friend Via. Di ko nga din alam kung bakit gusto kitang maging kaibigan." He added.
Nag isip muna. yeah wala naman masama kung maging friend ko sya.
"Okay! Lucas. Friends??" sabay abot ko ng kamay sa kanya,na agad naman nyang tinanggap at kinamayan...
YOU ARE READING
PARANG TAYO PARANG HINDI
Chick-LitMasakit. Sobrang sakit. Yung tipong andon na sana, pero biglang bagsak. Nakakabobo,nakakapraning. Ewan. Saan nga ba tayo nag umpisa at paano nga ba tayo natapos? Para sa taong,pinagtagpo,pinaglapit pero nasa pagitan ng magkaibigang ba tayo? or nagi...