Flashback..
"Hoy bruha! anong drama mo sa buhay ha?" si Venice.
Tumingin lang ako sa kanya at nangalumbaba habang pinapa ikot ikot ko sa daliri ko ang ballpen.
"Yung totoo? magtitinginan na lang ba tayo or babatukan kita para magising ka" si Venice ulit.
Lutang pa rin kasi ang pakiramdam ko pagkatapos kung makita si Rex na nakikipaghalikan sa bestfriend nya na gf ni Lucas. Kaya heto ako ngayong nakatulala. Yung tipong physically present,pero mentally absent. Ilang gabi na rin akong umiyak,pero wala eh. Ganon pala ang epekto pag ikaw mismo ang makakita ng pangluluko sayo. Akala ko sya na. Pinahirapan ko pa sya sa panliligaw sa akin. Yung tipong pati barkada ko sinuyo nya. Tapos sa bahay, effort sya manligaw kay Mama,pero itwo two time na lang pala ako! Ang saklap. Buti na lang wala pa akong naibigay sa kanya. Hanggang kiss lang sya sa noo at cheeks. Teka? kaya ba sya nagluko dahil don?kasi di sya nakakascore ng halik sa akin?? or narealize nya talaga na gusto nya ang bestfriend nya? or sadyang member talaga sya ng mangluluko. buseet ka Rex?! First time ko magkadyowa tapos ganito pa...
Napabalik lang ako sa realidad ng maramdaman ko ang pagbatok sa akin. Si Venice pala, na ngayon ay may halong pagtataka at inis ang tingin sa akin."Kanina tahimik ka ngayon bigla ka na lang iiyak. Hoy Avia Marie! anu bang nangyayari sayo ha??Magsalita ka na" sabay yugyog sa balikat ko.
"Paiyak muna Ven! ang sakit eh. ang sakit. ang sarap ng sampalin ng triplets." sabi ko habang yakap ko sya.
"Ay teka lang?? naguguluhan ako. Umpisahan mo kaya sa umpisa no,at ng makarelate ako. dali!!" ang sagot ni Venice habang hinahagod nya ang likod ko.
Ikwenento ko kay Venice ang nangyari,ang nakita ko sa park. At kung pa anu ako napunta sa park.
"Magkasama kayo ni Lucas?? di parang pareho lang kayo na naglukohan gurl. si Rex nakipaghalikan sa iba,ikaw nakipagdate sa iba. Quits lang kayo." sabi nito.
"Grabe salamat ha. Kaibigan talaga kita. Oo parang date na nga ang sa amin ni Lucas pero Rex knows na magkikita kami ni Lucas that day,since he cancelled our date kasi daw may seminar sila." paliwanag ko kay Venice.
"Eh nagkausap na ba kayo ni Rex?? nasabi mo na ba sa kanya ang nakita mo??" tanong nya.
"Hindi pa. Di nga sya nagparamdam sa akin eh. Anu na ngayon friday,last text nya Saturday pa ng gabi. Bhala sya sa buhay nya. " nakasimangot ko na sagot.
"Hay naku, dapat ayusin nyo kasi. Sabihin mo sa kanya.tanungin mo sya. Hindi yang, iiyak ka dyan na para kang baliw."
"Tsaka, gurl ano bang meron kayo ni Lucas? I can sense something" dagdag pa nya.
"Wala magkaibigan lang kami." sagot ko habang pinupunasan ang pisngi ko.
"Aw! let me see..." sabay smiled sa akin.
"Pero, ibaba mo muna pride mo itext mo na ngayon din si Rex! as in NOW NA!!" sabay hablot ng cp ko at may dinial sya.
"Hello Rex! kamusta?? Si Venice to.. anu kasi, masama ang pakiramdam ni Via. Ha?? di kita marinig.. ah sabi ko masama ang pakiramdam ni Via. Pupunta ka dito?? anong oras?? Ah eh.. tulog sya. Nakatulog eh. Sige bye!" sabay end call nya.
Magsasalita pa sana ako ng"Pupuntahan ka daw nya. Ngayon, mag usap kayo. At handle your emotion. Wag kang marupok. okay??" sabi ni Venice sa akin.
Tsakto naman sa dismissal namin ang pagdating ni Rex.I can't look at him kasi pag na alala ko ang nakita ko naiiyak ako.
"Tart!" tawag nya sabay yakap sa akin.
"Masama daw pakiramdam mo sabi ni Venice. Bat ang putla mo? may lagnat ka ba? ina atake ka ba ng asthma mo? " sunod sunod nyang tanong habang hawak hawak ang kamay ko.
YOU ARE READING
PARANG TAYO PARANG HINDI
ChickLitMasakit. Sobrang sakit. Yung tipong andon na sana, pero biglang bagsak. Nakakabobo,nakakapraning. Ewan. Saan nga ba tayo nag umpisa at paano nga ba tayo natapos? Para sa taong,pinagtagpo,pinaglapit pero nasa pagitan ng magkaibigang ba tayo? or nagi...