Chapter 10: Baggages

18 0 0
                                    

"Avia! anu ba? pakibilis bilisan mo naman, at baka maiwan ka ng flight mo" sigaw ng nanay ko. Nahighblood na yata to sa akin, kanina pa ako sinisigawan.. Hay naku, back to reàlity na talaga ako. Wala akong goodnews na natanggap mula kay boss. Inayos ko muna higaan ko tska ko kinuha ang sling bag ko. Bumababa na rin ako sa sala.

"Anu ka ba? wala ka bang pagmamadali ha?"

"Eh kalma lang Ma, chill! okay? di ako maiiwang ng flight ko." lumabas na din kami ng bahay.Madami pang sinabi ang nanay ko bago ako makasakay sa sasakyan ng pinsan ko.

Nagpahatid na lang ako sa pinsan ko sa airport. Buti na lang,walang traffic sa province. Sakto lang dating ko sa airport. Madali lang din akong nakacheck in.

Hmm. Anu ba to, nakalimutan kung bumili ng pagkain,maka ikot nga muna dito sa airport. Bumili muna ako ng fries, habang inaantay ang flight ko.

"Calling all the passenger of flight 972, departing to Manila, please proceed to gate 5 now.."

Yes! di delayed flight, ayaw ko tumambay sa airport ng matagal. Nakipila na rin ako ng biglang may umakbay sa akin, kaya lumipad agad ang tingin ko sa kung sino ang basta na lang nagpatong ng kamay nya sa balikat ko.

"Hi, same pala tayo no?" he said with an amusement on his face.

Buseet? Tadhana nanadya ka ba? Bakit kasabay ko si Lucas sa flight?!

"and I think seatmate din tayo?" sabi nya pa sabay ngisi aa akin.

Di ko na lang sya pinansin. Hanggang sa makasakay na kami ng eroplano.
Naglagay agad ako ng airphone pagka upo ko sa upuan ko. Ayaw kung marinig kung ano man sasàbihin nya,balak ko din syang tulugan.

"Ang alam ko, you have a 15 days leave, bakit bumalik ka agad?"

Sàbi ko nga kakausapin nya ako.di ba? di ba? wag kang sumagot Via.

"Wow! bingi ka na din pala ngayon? anyway pahiram ng airphone ha?" sabi nya sabay hablot ng isà kung airphone.

"great! nice song. Tadhana.parang tayo, tinadhana."

"Will you please shut up? di ka ba marunong umintindi? ayaw kung kausapin ka. So please, just zip your mouth, so that I can have a peaceful 45mins.flight going back to Manila. Isa pa,maghanap ka ng headset mo!" sabi ko sabay irap at tangal ng airphone ko sa tenga nya.

Nanahimik naman sya,pero ramdam ko ang minsan pagtingin nya sa akin. Ako deadma pa rin. Halos hilahin ko na na makarating kami ng Manila.
Nakatulog nga ako habang nasa byahe. Kung di nya pa ako kinalabit di ko alam na nakarating na kami ng Manila.

"Anghel ka pa rin matulog" he said bago na unang lumabas ng eroplano.

Nasa labas na ako ng terminal 3 ng bigla na naman syang tumabi sa akin. Anak ng kabute ba tong lalaki na to? Bigla bigla na lang susulpot.

"Mind if I give you a ride? parating na rin yung sundo ko eh"

"ah no thanks, but may sundo rin ako. inaantay ko lang."

"Ah okay. Via.."  di nya natuloy ang kanyang sasabihin sana nga may isang audi ang tumigil sa harap naman.

"Ah cge Lucas una na ako,dito na sundo ko eh" sabi ko sa kanya. Si Tony ang sundo ko,iwan ko ba sa boss kong to, nagpresenta na sumundo sa akin.

"Oh hi babe.i miss you" sabi nya sabay yakap sa akin.

Natext ko kasi sya na kasama ko si Lucas ang ex ko na parang hindi ko naman naging ex. Kaya ayan ang bati nya sa akin.

"Di mo naman sinabi ulam pala yang ex mo, nakapagdala sana ako ng kanin" bulong sa akin ni Tony.

Yup! Tony is a gay. A closet queen rather. Pero only few of us knows his real gender ika nga.

PARANG TAYO PARANG HINDIWhere stories live. Discover now