SEDUCING 5:

1.4K 31 4
                                    

Kabanata 5: Final Decision

Angeline's Point of View

Bakit kasi ako mahilig mangealam di ba? Yan tuloy at nasigawan pa ako. Umupo ako sa buhanginan at pinatong ko sa mga tuhod kong magkadikit

Tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko dahil nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa ginawang pagsigaw ni Dan kundi pati na rin sa sarili ko mismo.

Kahit naman ano sigurong gawin ko sa kanyang mabuti,  lahat nang pagunawa at pasakit. Wala pa rin siyang magiging pakealam sakin.

I hate the fact that after all this years, im still this hopelessly inlove to him. Ito tuloy ako ngayon at umiiyak dahil sa katangahang patuloy ko pa ring ginagawa.


"T-tatanga t-tanga kas-si ako e. B-bwisit!" Halos nauutal na rin akong magsalita dahil sa sunod sunod kong paghikbi. Hinayaan ko lang ang sarili kong humagulgol at umiyak.

Pero mga ilang minuto palang yata ako dito nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko.Hindi ako lumingon dahil ayokong may makakita sakin sa ganitong sitwasyon.

Ayoko na ulit mapahiya.

"Gel, Im sorry" halos matigilan ako sa pag iyak nang marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon kaya bakit pa siya nandito?

Kung pakikitaan nya na lang din naman ako palagi nang masama sana tinutuloy tuloy nya na lang.  Hindi yung parang unti unti nya akong pinapatay sa sakit.

That's torture to me and he did'nt have any glimpse or idea about what i actually feel.

Ilang sandali lang ay napagdesisyunan ko nang ipunin ang natitira kong lakas. Inangat ko ang ulo ko at walang habas na  pinunasan ang mga luha ko.

Kahit pa nanghihina ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo. Buong tapang ko syang hinarap kahit na nang makita ko pa lang sya ay tuluyan na akong tinupok nang paghihina.

Nang makita ko pa lang sya ay parang gusto ko na syang patawarin at yakapin para sabihing okay lang yon dahil... mahal ko sya.

Pero hanggang ngayon muli ko lang naramdam ang galit na ginawa nya sakin. Ganun din ang mga paghihirap at sakit na dinaranas, mahalin lang siya.

"Bakit ka pa ba nag so sorry. Ako nga tong nakikialam sayo di ba?" Sarkasmo kong sabi sa kanya kahit na halatang nauutal pa rin ako dahil sa paghikbi ko kanina.

Mga ilang minuto na ay hindi pa rin sya nagsasalita. Tiningnan ko sya sa mga mata at muling nagsalita.

Wala nga yata siguro siyang balak na magsalita.

"Oo nga pala. Hindi ka marunong magsali--" hindi na naman nya ako pinatapos dahil nagulat pa ako nang bigla siyang nagsalita.

"Humihingi ako ng tawad kasi napaiyak kita. Its not my fault if youre such a crybaby. "marahan akong tumawa ng pilit sa sinabi nya.

He has even the guts to say it infront of me after saying sorry. This man really is something.
















Wala ba syang pakiramdam at hindi nya man lang napagtanto yung ginawa nya sakin?


Sa lahat naman kasi ng pwede kong mahalin bakit pa ang lalaking to. Why Danforth?

Kaya sa sobrang inis ko, hindi ko na naman  napigilan ang bibig ko na kusang magsalita at aminin sa kanya ang lahat nang nararamdaman at kinikimkim ko.

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon