SEDUCING 17

1.1K 23 0
                                    

Kabanata 17: No One

Angeline's Point of View

After saying those words,  It takes me for a while to know that he already leaves my room with an evil smirk on his face.

Agad akong napahilamos sa mukha ko. I look helpless when our body went near. Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa mukha.

Nilock ko ang pinto at dali dali akong nagbihis ng damit pantulog. Palaisipan para sakin ang mga kinikilos niya.

Is he still drunk? Damn. Right, he is drunk. Hindi na dapat ako mag alala dahil  makakalimutan nya rin yon bukas. Tama, makakalimutan nya lahat ng nangyari ngayon.

Pumunta na ako sa higaan ko at pinilit ang sariling makatulog. How I wish i can sleep well tonight.

Kinabukasan ay mabilis akong bumangon nang bigla  kong naalala na ngayon gaganapin ang eliminations ng Campus King and Queen sa school.

Mabuti na lang at konting oras lang ang nasayang ko. Last stroke of the comb on my hair and I get my bag and leave my room.

Sa pagmamadali ko pa sa pagbaba ng hagdan ay nagkamali pa ako ng tapak at nawalan ng balanse. Im expecting for a hard fall , so i close my eyes.

Pero imbes na matigas na sahig ang bagsakan ko ay isang mainit na bisig ang naramdaman kong nakahawak sa magkabilang bewang ko mula sa likuran.

Hindi ko na kailangan pang dumilat para tingnan kung sino ang nakahawak sakin. By his scent, i already know that it's Dan.

"Damn, its fvckin close!" I heard him cuss in frustration.

Pagdilat ko ay tumingin ako sa baba. Hindi nga biro ang babagsakan ko kung sakali. Mahigit sampung baitang pa ang maaari kong bagsakan.

In a second, Dan already turned me around to face him. Sinalubong ako ng madidilim nyang titig na sinisimulan ng hagudin ng tingin ang buong katawan ko.

He's looking for any wounds around my body.

"Are you alright?" may parte sa puso ko ang lumambot sa sinabi nya. Hindi ako pwedeng magkamali sa pagkakadinig ng pag aalala sa boses nya.

Ayoko ng umasa sa mga kinikilos nya. Pero bakit ganito? Bakit kahit anong gawin nya sakin, bumibilis ang pintig ng puso ko?

Bakit habang tumatagal, mas lalo lang akong nahuhulog?

"Wala ka bang pag iingat sa sarili mo?!  Ang taas ng huhulugan mo Gel. Pwede mo yung... I-ikamatay. Damn it!" Ginulo nya ang buhok nya at nagpakawala ng hangin.

Baka iniisip nya, na napakasakit ko sa ulo at unti unti na naman syang nakakaramdam ng galit sakin.

Dahil sa pagmamadali ko kanina halos nakalimutan ko na ang eksena  kagabi. Mukha ngang lasing lang sya nun.

I feel a pinch of awkwardness on our closeness. Bahagya akong lumayo sa kanya at nagsalita "Ayos lang ako, Salamat"

Hindi ko na pinansin pa ang mga pagtawag nya sakin at nagdire diretso na akong lumabas para umalis.

Ang tanga ko, dahil wala nga pala akong masasakyan at kailangan kong sumabay sa kanya.

I sighed. Bakit ba ako nakakaranas ng ganito? Gustong gusto ko ng sumuko sa kanya pero ang hirap. My mind and heart are not merging.

Taliwas na taliwas ang iniisip ko sa nararamdaman ko.

Tuloy tuloy lang akong naglalakad palabas ng subdivision. Hindi ko na alintana ang kakainin kong oras sa paglalakad.

Ang importante sakin ngayon ay ang makawala sa nararamdaman ko. Kahit mahirap, kailangan kong pilitin ang sarili kong magpakatatag.

"Gel!" Narinig ko na naman ang boses nya , di kalayuan sakin. Im half running now.

Habang tumatakbo ay hindi ko namalayang may tumigil na palang kotse sa tabi ko. Its a purple lambo!

Nakita ko ang dahan dahang pagbaba ng bintana ng sasakyan at halos ipagtulakan ko na ang sarili ko sa loob ng kotse ng makita kung sino ang nasa loob ito.

"Hey Gel! Susunduin sana kita ngayon sa inyo, pero bakit ka tumatakbo?" Imbes na sagutin sya ay umikot na ako papunta sa shotgun seat ng sasakyan.

"Umalis na tayo Rachelle" halos isigaw ko na ito sa kanya lalo na ng makita kong nakatingin na sa kotse ni Rachelle si Dan.

"Teka, bakit ka ba nagmamadali?" Tinitigan ko ng masama si Rachelle at agad naman nyang pinaikot ang kotse palabas.

"Okay okay. Calm down girl" mabuti na lang at mabilis kaming nakalabas. Hindi ko na kasi alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Dan kung sakaling naabutan nya kami.

"Magpaliwanag ka nga sakin. Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?" Rachelle glanced at me while driving.

"Ayoko lang sumabay kay Dan sa pagpasok." Tamad kong sagot.

"Pero bakit ka tumatakbo? Does it matter on him kung hindi ka sasabay sa kanya sa pagpasok?" Tumingin ako sa katabing bintana ng marinig ang tanong niya. I don't want her to see my expression.

Imbes na sagutin sya ay nanatili lang akong tahimik. I know its rude but I don't think I have the right words on my mouth to speak it out.

"Ngayon hindi mo ko sasagutin. Kung may problema ka, sabihin mo sakin. I'm not just a stranger, Gel. I'm your best friend!"  Napayuko ako ng marinig ang mga sinabi ni Chelle.

I think that's the cue word. Dahil nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. They're flowing mercilessly and all I can do is to wipe it out continuously.

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan.

"God Angeline.. You're crying! You really have a problem." In one swift move, she's already hugging me from the side.

I'm so frustrated to the point that I'm bursting now in tears. Lalo lang akong humagulgol ng maramdamang umiiyak na rin si Rachelle.

"Gel, tell me.. What's the problem. Alam mong pag umiiyak ka, naiiyak din ako. Kaya sabihin mo sakin ang nararamdaman mo. Wag mong sarilinin." Nag angat ako ng tingin sa kanya at kitang kita ko ang maamo nyang mukha na napupuno na din ng luha.

Walang masama kung sasabihin ko kay Rachelle ang nararamdaman ko. I badly want to talk to someone about it.

"I..It hurts, Rachelle! Imbes na pahulugin sya sakin. A..Ako pa rin ang patuloy na nahuhulog sa kanya. Hulog na hulog na ako sa kanya,Chelle." Umaangat ang balikat ko sa bawat paghikbi habang tinatapik nya ng marahan ang likod ko.

"I'm sorry,Gel. Ako ang may kasalanan nito e. Kung hindi sana kita pinilit na gawin yun, hindi ka masasaktan ng ganito. I know that feeling and its truly painful. Sorry Gel, slap me, pinch or pull my hair. I don't care. I just want to lessen your pain, please." Mas lalo yata akong naiyak sa sinabi nya.

I hugged her back , still crying.

"Hindi ko na yata kaya pang bumangon, Chelle. I'm already drown on loving him and no one can ever save me."

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon