SEDUCING 18:

1K 27 0
                                    

Kabanata 18: Running

Angeline's Point of  View

"Sigurado ka bang okay lang na umattend ka ng eliminations ngayon?" Pang ilang beses na akong tinatanong ni Rachelle sa kalagayan ko.

I know that she's worried. Especially that I burst my emotions on her awhile ago.

"Oo naman" I gave her my most assuring smile. Alam kong hindi sya kumbinsido sa sagot ko pero kailangan kong umattend ng eliminations ngayong araw.

Kailangan ko munang ibaling sa ibang bagay ang sarili ko. I have to win this competition for myself.

I have to be strong...

"Pag may problema ka, Tawagan mo agad ako. Pupuntahan pa rin naman kita mamaya pagtapos ng klase ko. But just in case you feel down, dial me. Okay?" Ngumiti ulit ako sa kanya. Hindi ko na ulit napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.

Minsan ng sumagi sa isipan ko na sana naging kapatid ko na lang ang babaeng to. Its just that I love her so much, and I want her to be my sister for life.

Pero kontento na ako at masaya na hinding hindi namin nakakalimutan ang isa't isa.

"I love you, Rachelle" naramdaman ko ang pagganti nya sa yakap ko.

"I love you too, Angeline" mga ilang sandali pa ay bumitaw na kami sa pagyayakapan at sabay na tumawa. I'm so thankful that Rachelle is my best friend. Hindi na yata ako makakahanap pa ng katulad nya.

Kung hindi pa nagbell ay hindi na namin iiwanan ang isa't isa. Halos takbuhin ko naman ang room ko pagkatapos.

Pagkarating ko ay laking pasalamat ko ng naabutan ko pa ang prof naming palabas pa lang ng room.

"Ms. Caparas" hinihingal kong tawag sa kanya.

"Oh its you Ms. Smith. Kanina pa kita hinahanap. Im hoping that you'll be able to attend the eliminations." Bahagya akong napangiti sa sinabi ni maam.

"Sorry po kung natagalan po Ako. Pero nasisigurado ko naman po sa sarili Kong makakapunta po ako sa eliminations." Tumango tango si maam bilang pag sang ayon.

"That's good to hear. Nag uumpisa na ang eliminations sa auditorium kaya mabuti pa kung pumunta ka na doon. Goodluck, Ms. Smith"

"Salamat po Maam. Besides I don't want to fail my classmates for chosing me." matapos kong makapagpaalam kay ma'am ay dumire diretso na ako sa hagdan papuntang library at nagmamadaling umakyat.

Muntik pa akong matalisod dahil sa Hindi ko pagtingin sa dinadaanan ko. Kinakabahan Ako dahil baka nagsimula na ang eliminations. Pero umaasa pa rin akong makakahabol Ako.

I whispered prayers while running through the corridor. I wish myself goodluck. Sana lang talaga at hindi pa sila masyadong nakakapagsimula.

"Janine Perez, 18, an ABM Student BS Science in Accountancy." Pagkapasok ko sa loob ay napuno na ng palakpakan ang buong auditorium dahil sa pagpapakilala sa ibang mga kandidata.

Damn. Isa isa nang pinapakilala ang mga kalahok pero kararating ko pa lang!

Umikot na ako papunta sa backstage. Mabuti na lang at sinalubong ako ng iba kong mga kaklase sa likod.

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon