Kabanata 6: Regret
Angeline's Point of View
Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung nangyaring sagutan namin ni Dan.
Hindi na muna ako umalis sa bahay simula noon. Kaya halos buong dalawang buwan ay nasa bahay lang ako. My life became boring.
Sa loob din nang dalawang buwan ay hindi ako nagpakita sa kanya. I did it to regain myself from destroying.
Ayoko muna syang makita hangga't hindi pa ako nagiging matatag.
Kaya kahit masyadong masikip ang mundo para saming dalawa pinipilit ko ang sarili kong hindi siya pansinin kapag nararamdaman ko ang presensya niya.
Akala ko magiging madali ang pag iwas sa kanya pero nasa iisang bahay lang kami at hindi talaga yun maiiwasan. Pero dinadaan daanan ko lang siya kapag nakikita ko siya. Kahit pa nanginginig na ang sistema ko, maramdaman lang ang presensya niya.
Minsan ay nakikita ko syang nakatingin sakin. Pero wala naman sigurong ibig sabihin yon dahil may mahal na siyang iba at ayoko na namang umasa.
I looked at my phone. I checked the date. Bigla kong naalala na huling araw na pala ngayon ng bakasyon namin at pasukan na bukas.
Ang bilis nang panahon para sakin.
Nag isip ako nang mga gagawin ko. Naisipan ko kasing umalis nang bahay ngayon.
Nakapagbukas na ako nang mga accounts ko sa social media at wala na akong maisip na gawin. Kaya naman gusto ko ngayong umalis.
Naagaw naman ang pansin ko nang biglang may tumunog. It's from my phone.
Kinuha ko ito sa bedside table at nakita kong may tumatawag. Rachelle's id pop out so i answered the call.
["Hello Gel"] narinig ko ang boses nya sa kabilang linya. Mukhang hindi siya masaya.
"O Chelle, bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
["Wala naman, magtatanong lang sana ako sayo. Are you free today?"] Agad ko namang naalala na balak ko palang umalis nang bahay ngayon.
"Oo wala naman akong lakad. Bakit?" Agad kong sagot sa kanya.
["Di ba pasukan na bukas, Gel? Samahan mo naman akong mamili ng gamit sa mall o. Namimiss na din kasi kita e."] nagpakawala ako ng hininga.
Sigurado akong may nalalaman na siya sa nangyari dahil hindi ako nagparamdam sa loob imng dalawang buwan na bakasyon namin.
"Oo, sasamahan kita. Pero wag mo akong pipiliting magkwento sayo kasi alam kong yun na naman ang balak mo mamaya. Hinding hindi ako magkukuwento" pang aasar ko sa kanya.
["So unfair" ] i know that she's now irritated because of her tone.
"Sige na magaayos pa ko. Be right back" paalam ko kaagad sa kanya. Pero hindi ko pa naibababa nang magsalita agad sya.
["Teka lang. Sasabihin ko pang susunduin kita dyan. Sige na Gel. Bye, See you" ] pagkatapos nyang magsalita ay binaba ko na agad ang tawag.
Inilapag ko na ang phone ko sa kama at pumasok na sa loob ng banyo para gawin ang mga dapat kong gawin.
After ten minutes. Im now done showering.
Kumuha na lang ako sa damitan nang black t-shirt at tight black faded jeans. Pagkatapos ko yung suotin ay kumuha na ako nang kahit anong sapatos.
Ang nakuha ko ay isang puting sneakers. I do ponytail my hair. And curl its end like my favorite hairstyle.
Then im ready to go.
BINABASA MO ANG
Can't be Yours (ON HOLD)
Romance"Loving you is not an option, it's my Choice" I'm Nicole Angeline Smith and i'm inlove with my brother. Note that he's not my real brother because he's a fake one. Inampon lang sya nang mga magulang ko. Imbes na magselos ako dahil sa hindi na ako...