Chapter 1- I'm Not A Princess~Samarra~
HINIHINGAL akong napabangon mula sa aking pagkakahiga nang managinip nanaman ako tungkol sa isang siyudad.
Sa totoo lang hindi ito ang unang beses na mapanaginipan ko ito dahil simula pagkabata ay palagi ko na siyang napapanaginipan, gusto ko nga sanang itanong kila Mommy at Daddy pero parang may nagtutulak sa aking huwag ng sabihin sakanila.
Medyo sanay narin ako sa mga napapanaginipan ko pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit paulit ulit nalang, di ba pwedeng managinip ako ng iba?
Pero seryoso hindi ko talaga ma gets kung anong use ng panaginip ko, kung pwede ngalang mamili ng panaginip eh kasi hindi ko naman ginusto na managinip lang ng iisang topic.
Atsaka tuwing magigising kasi ako mula sa panaginip na yon ewan ko ba kung bakit pero feeling ko ang lungkot lungkot na para bang pinipiga yung puso ko kasi pakiramdam ko parang may kulang sa pagkatao ko.
Kahit sa panaginip pala clueless parin ako, hayy ang hirap palang mabuhay ng ganto ang sakit sa pakiramdam na isipin na may kulang sayo.
Nakasilip ako ngayon sa bintana ng kuwarto ko ng may malakas at mabibigat na kamay ang kumatok sa pinto. Kulang na nga lang eh sirain niya ang pinto. Grabehan lang ah! Kitang nag momoment pa yung tao eh!
Tapos kung makakatok ps akala mo hinahabol ng engkanto. Hayst! Feeling niya ata ang tibay tibay ng pinto ko! Hello inaanay na nga yan at malapit ng bumigay sisirain mo pa!
"Hoy Samarra ano nang balak mo? Baka naman pwedeng lumabas ka na jan at simulan ang trabaho mo dito sa bahay bago ka pumasok!!" Sigaw ng napakabait kong ate mula sa labas ng kwarto ko-kung matatawag nga ba tong kwarto, grabe isipin niyo sa sobrang liit niya eh nagkasya pa ako na isang sobrang laki at sobrang tangkad na nilalang de joke lang naman biro lang..
Dahil sa totoo lang mayroon lang itong simpleng kama na ako lang talaga ang kasya at isang closet na pati mga damit ko nagsisiksikan pa. Hayst what a life!
"Hoy ano ba sisirain ko talaga tong pintuan mo." Mas malakas na sigaw pa niya. At mas nilaksan pa ang pagkalampag sa pinto.
Sira na nga sisirain mo pa. Napairap na lang ako sa kanya pero wala naman akong magagawa dahil mas matanda siya sa akin. Pasalamat siya at ginawa akong mabait dito sa storyang toh kundi nako!
"Palabas na ho ate!!" Sigaw ko pabalik nang hindi na tuluyang masira ang pinto.
Nang marinig kong wala nang kumakatok ay dumeretso muna ako sa cr at nagmadaling mag sepilyo at maghilamos pagtapos ay lumabas na ako at bumaba.
Sa totoo lang abot hanggang third floor ang bahay namen dahil mayaman naman sila mommy at daddy kaso lang hindi ko alam kung bakit nasa pinaka third floor ang kwarto ko eh bodega yun, pero okay lang naman konting ayos at pintura lang ayos na kaso nga lang wala akong time sa ganun.
Nang makababa na ako, nakita ko si ate na nakatayo at nakapamewang habang nakataas ang isang kilay. Taray ah!
"Hay salamat naman bumaba din ang PRINSESA. Oh magluto ka na ang tagal mo." Sarkastikong sabi niya at binanggit ang salitang prinsesa.
Ako? Prinsesa nak ng lelang mo!
Sinong prinsesa ang pinapatulog lang sa bodega at halos katulong ang turing sayo? Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang kumilos.
Matapos kong magluto at ihanda ang kakainan nila ay nagpunta na ako sa cr at naligo pagkatapos ay naghanda na para sa pagpasok ko sa school. Nagbaon nalang ako ng sobra dahil sa school nalang ako kakain ng almusal tulad ng nakasanayan dahil siguradong ayaw nila akong makasabay.
BINABASA MO ANG
The Peculiar's Princess (On Going)
FantasyPeculiar's city where impossible things happen and it's not just that I'm part of it because I'm a BIG part of it.. Highest Rank in #152 The Peculiar's Princess By: Loonatiquex Date started: year of 2016 Date of continuing: December 4, 2019 Dat...