Chapter 5: ARRA
~SAMMARA~
Nagdidiscuss si Miss Anne sa harap pero wala akong maintindihan. Wala talagang pumapasok sa isip ko ngayon kahit anong gawin ko, at hindi ko alam kung bakit.
Hayss feeling ko inaantok na ako. Pumasok lang ata ako para maghintay ng uwian eh.
Tumakbo naman ng mabilis ang oras at lahat ng teacher ay nagdisccuss lang at nagpaquiz naman ang iba hanggang sa dumating na ang breaktime.
Nag-ayos na ng gamit ang mga kaklase ko at lumabas na para pumunta ng canteen o kung saan man.
Hinintay ko silang lahat na makalabas para hindi na makipagsiksikan. Tumayo na ako nang makalabas na silang lahat. Inayos ko narin ang mga gamit ko nang mapansin ko na hindi pa lumabas ang bago naming kaklase.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumayo na. Ang akala ko ay lalabas na siya pero nagulat ako ng maglakad siya papunta sa harap ko at inilahad ang kamay niya kaya naman napatingin ako sa kanya habang nagtataka.
Ngumiti muna siya bago magsalita. "Hi I'm Kader Emrys Villan. You can call me Kader o Emrys o Kader Emrys nalang para malakas dating hehehe. How about you?" Mahabang pagpapakilala niya. Medyo nawierduhan ako sa kinikilos niya kasi feeling naman niya sobrang close na namen para umasta ng parang matagal na kaming magkakilala at dumaldal siya ng pagkahaba haba.
At dahil di naman ako maarte at nagpakilala naman siya ng maayos ay dumeretso ako ng tayo at nakipagshake hands na rin sabay pakilala. "Samarra Gonzales." Tipid na ngiting pakilala ko. Binuhat ko na ang bag ko sabay alis. Narinig ko naman na tinawag niya ako at hinabol.
"Uy Samarra sabay na tayo wala pa kase akong kilala dito eh pwede ba? hehe." Nakayukong sabi niya at napahawak sa batok niya.
Tinignan ko lang siya sabay tango at ngumiti ulit ng tipid.
"Hmmm okay lang naman sige. Pero baka kase iba ang gusto mong puntahan kaya itanong mo nalang sa akin at tuturo ko nalang sayo if ever." Sabay nauna na akong maglakad at hinayaan ko nalang na sumunod ulit siya sa akin.
"Ahh hindi sige okay lang." Ngiti namang sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na sumagot pa. Tinatamad akong magsalita eh kase inaantok talaga ako.
"Ang laki din pala ng school na toh. Ang mahal din ng tuition. Tapos kakaiba pa yung mga students dito grabe." Pagsasalita niya na hindi ko alam kung nagkukwento ba siya sa akin o trip niya lang talagang kausapin sarili niya. Natatakot na rin ako sa kanya ahh.
Patuloy lamang siya sa pagsalita pero pagtango at pag-iling lang ang isinasagot ko sa kanya. Ayoko naman isipin niya na feeling close ako noh. Bahala na siya HAHAHAHA.
"Nagtoothbrush ka ba?" biglang tanong niya. Dahil doon ay napalingon ako na nanlalaki ang mata. Hindi makapaniwala. Anong sabi ng talipandas na toh? Grabehan sis ah.
"Anong tanong mo?" Naiinis na tanong ko. Tumawa lang siya.
"Ang tanong ko kako kung nagtooth brush ka baaa?" Aba ang tibay inulit talaga.
"Syempre nagtoothbrush ako noh pagtapos kumain, bago matulog." Depensa ko ng makita kong tumingin siya sa ibang direksiyon inamoy ko naman ang hininga ko kung mabaho nga ba. Napatigil ako sa pag eeksamin ng hininga ko ng maramdaman kong lilingon na siya sakin.
"Di ka kase nagsasalita eh. Tuwing tinatanong kita tumatango at umiiling ka lang." Nakangiting pagdadahilan niya.
"Eh kase di naman tayo close baka sabihin mo pa feeling close ako." Balik dahilan ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Peculiar's Princess (On Going)
FantasyPeculiar's city where impossible things happen and it's not just that I'm part of it because I'm a BIG part of it.. Highest Rank in #152 The Peculiar's Princess By: Loonatiquex Date started: year of 2016 Date of continuing: December 4, 2019 Dat...