Chapter 6 - Mystifying Identity
KADER EMRYS
'Bakit naman yun mag-aalaga ng dragon?'
Napakibit balikat nalang ako at napanguso. Tinignan ko yung hawak kong plastic bottle na binigay niya at nilagok nalang ito. Nauhaw ako eh. Naalala ko tuloy yung manamis namis daw na tubig sa commercial na napanuod ko.. Aysst kung ano ano na pumapasok sa utak ko hindi ko mapigilang mapailing habang naglalakad palayo sa tapat ng bahay nila Arra.
Ang bilis kasing magbike nung babaeng yun.
Kinuha ko nalang ang bike ko at umuwi na sa tinutuluyan namin.
"Lola andito na po ako!" Masayang sigaw ko at ipinark na ang bisekleta ko at dali-daling tumakbo papasok sa luma at may kaliitang bahay . Naaamoy ko mula sa pinto ang napakabango at napakasarap na arouma. Hmmm siguradong mapaparami nanaman ang kain ko nito ah.
"Oh nandiyan ka na pala Emrys apo, sige maupo ka na diyan at maghahanda na ako." dali daling kumilos si Lola Foliara a.k.a Lola F. masiyado kasing mahaba ang Foliara. Nilapag na niya ang mga pagkain na kakaluto pa lamang dahil sa umuusok pa ito
Sumunod naman ako at umupo na sa may hapagkainan. Mamaya nalang ako magbibihis dahil kanina pa talaga nag aalburoto ang tiyan ko. Kaya sinimulan ko nang lantakan ang pagkaing inihain sa harap ko.
"Kamusta naman ang unang araw mo apo?" Tanong ni lola.
Napahinto ako sa pag lamon at napatingin kay lola nang tanungin niya yun. I composed myself bago ngumiti ng malapad at napasandal sa kahoy na silya na inuupuan ko na nakalikha ng kaunting ingay.
"Ayos lang naman po lola. Masaya ang first day of school ko may bago agad akong kaibigan." Nakangiting kwento ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang maisip si Arra ang kyut niya talaga kapag galit o kaya naiinis, hindi ko maiwasang mapatawa ng kaunti habang naiimagine ang mukha niyang naiirita at dinuduro ako.
"Mabuti naman kung ganoon. Pero tatandaan mo kung bakit tayo narito." Nakangiting sabi ni lola kaya napaupo ako ng maayos at seryosong tiningnan ang pagkaing nangangalahati palang ang nababawas. Nagsimula na nga kaming kumain.Matapos kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto para magbihis. Pero may isang bagay na hindi mawala sa isip ko.
'Sa kanya ba talaga yun? O nagkakamali lang ako?' Napailing ako sa naiisip ko kung siya na ba ang hinahanap namin o nagkakamali nanaman ako
Pero yun yung nakita ko eh parehas na parehas.'
'There's really something odd about her that i cant figure out, and i need to find what it is'
°°°°°×°°°°°×°°°°°×°°°°°
SAMMARA
Paulit ulit lang ang nagiging senaryo ng buhay ko ngayon at nitong mga nakaraang araw.
Matutulog
Maglilinis
Kumain
Maghahanda
Mag-aayos
Papasok
Makikinig sa guro namin
Magtitiis sa kakulitan nung isa
Uuwi

BINABASA MO ANG
The Peculiar's Princess (On Going)
FantasyPeculiar's city where impossible things happen and it's not just that I'm part of it because I'm a BIG part of it.. Highest Rank in #152 The Peculiar's Princess By: Loonatiquex Date started: year of 2016 Date of continuing: December 4, 2019 Dat...