Chapter 4

1.1K 120 11
                                    

Chapter 4- Necklace 

 SAMMARA

 Nagising akong hinihingal, Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko,simula sa pagpapakilala ng prinsesa kuno, sa babaeng nanghihingi ng tulong, sa dalawang bata, at sa pagkakaruon ng tila digmaan sa pagitan ng dalawang panig na alam kong mga hindi ordinaryong tao.

 At duon nakita ko kung paano kunin yung batang babae ng isang lalakeng nakaitim at.. nakita ko si Mama, sigurado akong siya yun.siya yung kumuha sa batang babae. 

Napatigil ako sa pag iisip ng mapagtanto ko ang isang bagayNa ang batang kinuha ni mama sa panaginip ko ay... 

 Kamukhang kamukha ko. 'Pero imposible dahil wala akong maalala na kinuha ako sa kung saan o napunta ako sa kakaibang lugar na kakaiba ang mga tao' 

 

 Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman, at kung ano ba dapat ang paniniwalaan ko. Ramdam ko naman na hindi talaga ako belong sa pamilya nato kasi simula palang iba na ang trato nila sa akin. Ewan, gulong gulo na ako! napapasabunot nalang ako sa buhok at napapahilamos ng mukha.

 'Ano ba talaga ang totoo? Sino ba talaga ako? At anong ibig sabihin ng mga panaginip ko? Sino ba yung batang babae na napaniginipan ko? Posible ba talagang ako yun?' Hindi ko mapigilan mapatanong sa sarili ko kasi simula noon naghahanap na talaga ako ng kasagutan, pero wala eh kahit isang clue wala ako nakakafrustrate talaga! 

Ikinalma ko ang sarili ko at napagpasiyahang itigil na ang kahibangang naiisip ko kasi wala naman akong mapapala dito hindi naman ito makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas kaya stop na!

Napansin kong hindi nagsisisigaw si ate mula sa labas at tinatawag ako, wala ring kumakalampag ng pinto kaya mas lalo akong nagtaka. 'Ano yun nagbabagong buhay?'Lumabas na muna ako ng kuwarto para uminom ng tubig.

Nakita ko na madilim pa sa labas kaya naman nagtaka ako. Agad-agad akong pumunta sa hagdan kung saan kita ang wall clock dito sa sala at tinignan ko ang oras, nakaturo ang maliit na kamay sa three at ang mahaba sa 12 na nangangahulugang alas tres palang ng madaling araw. 

'Eh? bat alas tres palang? Ang haba kaya ng panaginip ko tas alas tres pa lang? seryoso yun?'  Napapakamot nalang ako sa kilay ko habang  naglalakad papuntang hagdanan na hindi ko alam kung bakit parang anlayo ngayon sa kuwarto ko eh araw araw naman akong bumababa.

Pababa na sana ako para ituloy ang balak kong pag-inom ng tubig nang may marinig akong nag-uusap sa baba. Hindi ko man ugaling makinig sa usapan ng iba pero hindi ko na napigilan na makinig lalo pa at involve ang pangalan ko. 

"Hebron I need to tell you something about Samarra." Boses iyon ni mama habang si papa naman ay inaantok pa. Sa tingin ko ay pinuwersa siya ni mama na kausapin dito sa sala.Hindi bukas ang ilaw dito kaya naman hindi nila nakikita na nandito ako sa may gilid ng hagdan nakatago sa malaking vase at nakikinig sa usapan nila. 

"What about her?" kunot noong tanong ni papa. 

"Napanaginipan ko ulit yung araw kung saan kinuha natin si Bellatrix."Parang kinakabahan pa na sabi ni mama. Hala hindi kaya pareho kami ng napaginipan ni mama? 

"What should we do now? Anong ibig sabihin ng mga panaginip na yun? Alam mo naman na hindi siya pwedeng mawala sa atin diba? " Tila natataranta at kinakabahang tanong ni mama kay papa habang si papa naman ay seryoso lamang sa pakikinig kay mama. Sino yung hindi pwedeng mawala? Si ate? Imposible naman na ako kase ano naman pake nila saken? Eh ewan ko bahala sila jan.

The Peculiar's Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon