Chapter 2

2.1K 175 39
                                    


Chapter 2 - The Fortuner

~Sammara~


KANINA pa ako dito nakatambay sa labas ng school, ewan ko ba kung bakit feel ko tumambay ngayon eh wala naman akong ka- close na mga kaklase ni wala nga akong kaibigan eh. Sa pagmumuni ko di ko na namalayan na may bigla nalang humablot ng bag ko!!

OMAYGULAY!! Singkwenta pesos pa bili ko nun sa ukay ukay lintik na yan o! Dali dali akong tumakbo at hinabol ang langyang nagnakaw ng bag ko... Hayy kaya nga bumili ako sa ukay ukay para di pagkainteresang nakawin tsk akala ba ni kuya original yun?? Fishti naman ohh.

Patuloy parin ako sa pag takbo kahit hingal na hingal na ako, nakita ko kung paano lumiko yung magnanakaw kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo para lang mahabol ko yun pero di ko inaasahang may mababangga ako sa pagmamadali ko isang matandang patawid na sana pero nabangga ko

"HALA! Sorry po lola nabangga ko pa po kayo." Ani ko at dali daling itinayo ang matanda. Napatingin naman ako sa mata ni lola. Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa mga mata niya pero parang may kakaiba sa mata ni lola pakiramdam ko hinihigop ako sa paraan ng pagtitig ni lola, ilang minuto yata akong parang wala sa sarili hanggang sa kusang bumalik ang lahat sa normal.

Napakunot noo si lola na para bang nagtataka. Hay kahit aki nagtataka rin ehh parang ang weird kasi ng nangyari saken kanina ang hirap i-explain ang weird din sa pakiramdam.

Ngumiti nalang ako kay lola na para bang wala akong nakita na kakaiba sa mata niya kanina kaya umiwas ito ng tingin at ngumiti narin sa akin.

"Ahh lola ayos lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?" Tanong ko nang mabalik ako sa huwisyo.

"Ayos lang naman ako iha" sabi ni lola ng nakangiti pero parang nagtataka parin ang mukha niya.

"Iha, matanong ko lang ano ba ang pangalan mo? san ka nakatira? sino ang mga magulang mo? kilala mo ba sila?" Sunod sunod na tanong ni lola saken kitang kita ko sa mga mata ni lola na parang may gusto siyang malaman o kaya makumpirma. Nagtataka man ako sa mga tanong ni lola sumagot parin ako

"Ahh lola ako po si Sammara Gonzales malapit lang po ang bahay namin dito mga tatlong kanto lang po mula dito at opo kilala ko po ang mga magulang ko paano ko naman po sila di makikilala eh sila po ang dahilan kung bakit po ako nandito sa mundo, nga po pala ang pangalan po ng mga magulang ko ay Weilla at David Gonzales po." Mahabang saad ko kamuntik pa nga akong hingalin sa haba ng sinabi ko eh. Tsaka may tiwala naman ako kay lola kase mukhang mabait naman siya. Ewan ko pakiramdam ko lang.

Pero nagtataka parin ako kung bakit natanong ni lola.

"Ahh.. kung ganon ay nagkamali pala ako pasensya na iha." Ani lola at akma ng tatalikod pero pinigilan ko siya

"Saglit lang po lola." Pigil ko sa kaniya kaya lumingon siya saaken

"Ano iyon iha?"

"Lola, bakit niyo po pala natanong?" Takang taka na tanong ko.

Mahinang natawa si lola sa pero napansin kong parang kinakabahan siya.

"Ahh, iha kaya ko lang naman natanong sayo yung mga yon eh.. kasi ah..ano naalala ko lang kasi sayo yung nawawala kong apo na matagal nang nawalay saaken kaya pasensya na talaga ah?" Ani lola na medyo nauutal pa. Hmm bakit kaya?

"Eh yung mata niyo po?" Taka ko paring tanong, kung nawierduhan ako sa mga tanong ni lola mas lalo naman akong naweirduhan sa pag iba ng mga mata niya kanina. Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni lola saglit siyang natahimik pero kalaunan ay sinagot niya rin ang tanong ko.

The Peculiar's Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon