I WANT YOU BACK Written by: JHANSIS CHAPTER TW0

3.3K 32 2
                                        

"Oh Dennis bakit nangingiti ka na d'yan? Ano'ng me'ron?" Natatawang ngumiti si Dennis kay Andrew at saka kinuwento ang lahat ng kanyang nakitang eksena sa Canteen.

"Aba nakahanap din pala ng katapat ang grupo ni Mia."natatawa naman si Andrew habang napapahawak sa kanyang t'yan dahil sa narinig nito sa kaibigan.

"Talaga? 'di ako makapaniwala nakaya nilang gawin 'yun kina Mia? Ayon nakahanap na rin ng katapat ang dalawa na tiyak akong magiging masayang pangitain ko bago pumasok dito sa school"anitong hindi maalis ang ngiti sa labi.

" Ulol!"sabay batok sa kaibigan. "Ano'ng akala mo sa kanila, sinehan na puwede mong pagpiyestahan?"ang biglaang pagseryosong mukha naman ni Dennis.

"Aray ko naman bro namimihasa ka na yata sa kakabatok mo sa'kin ah, anong akala mo sa ulo ko pako?" sabay himas sa batok nitong binabatukan ng kaibigan.

"S'ya nga pala Dennis ano'ng plano mo kay Ciara? nagbago na ba ang plano mo na paiibigin ang nag iisang babaeng anak ng mga De Guzman?"ang pag-iiba naman ni Andrew sa usapan.

Sa kanyang narinig ay natahimik naman ang binata. Tumikhim muna ito bago magsalita na namang muli.

"Sinong may sabing hindi? Ang plano ay plano, tuloy pa rin ang plano ko. Papaiyakin ko si Ciara hanggang sa hindi na malaman ni Eugene ang gagawin niya."bakas sa mukha ng binata ang galit habang binabanggit nito ang pangalan ng dalaga.

"Hindi naman sa nagingialam ako bro. Pero naisip mo ba na walang kasalanan si Ciara sa pag kawala ng kasintahan mo noon? 'Di rin sinasadya ni Eugene 'yun."pagbibigay opinyon naman ni Andrew.

"Would you mind if I would ask you to shut your fucking mouth?"singhal ng kaibigan.

"You're really that disperate huh? kahit walang kasalanan ay gagantihan mo? pag-isipan mo naman sana Dennis mabuting tao si Ciara at kahit sino mahuhumaling sa kanya, baka isang araw malaman ko nalang na nahuhulog na pala ang loob mo sa kanya at 'di mo na matuloy-tuloy ang sinasabi mong paiibigin mo siya. Dennis tandaan mo ito, sigurado akong isang araw kakainin mo din ang mga sinasabi mo na 'yan." matapos ang mga sinabi nito kay Dennis ay umalis na agad ito.

"Hindi mangyayari iyang mga sinasabi mo sa'kin Andrew pangako ko 'yan sa'yo,magagawa ko ring paibigin ang anak ng mga De Guzman. Sasaktan ko ang nag-iisa nilang prinsesa at kahit kailan ay hindi ako mahuhulog sa kanya hinding- hindi itaga mo 'yan sa bato."sigaw pa nitong bigla sa kanyang kaibigan.

"Tingnan natin."sagot naman ni Andrew at tuluyan ng umalis.

Habang nasa labas naman ng gate si Ciara at nag aantay ng taxi ay nagulat itong may magsalita sa likod niya, matagal n'ya nang lihim na minamahal ang nasa harapan n'ya, kung hindi lang sana ito seryoso ay tiyak makakasundo n'ya ito pero dahil sa mayabang ang binata ay pilit na n'yang nilalayo ang sarili dito.

"Bakit mag-isa ka lang?" sabi ng binata.

"A-ano kasi,"kabadonh wika ng dalaga.Habang ang binata naman ay nakatingin lang din sa kanya.

"Ano ba naman Ciara 'wag ka ngang magpapaapekto sa lalaking 'to"Diskusyon nito sa kanyang isipan. "Kasi-- ano kasi eh,"

"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi ang kasi? tsk nakakarindi."
Anang binata sa kanya na siya namang nagpainit ng ulo nito at saka nag lakad papalayo. Di naman nakatiis ang kausap nito kung kaya't hinabol siya nito.

"Ano ba'ng problema mo huh?"
Sabay hinarap ang binatang nakabuntot sa kanya.

"Ikaw!"

"Ako!? ei wala naman akong ginagawang masama a, heto nga't ihahatid sana kita eh."anito sa dalaga sabay iniangat ang susi ng dalang sasakyan.

"Ows talaga!?" Pang-aasar pa nito sa binata saka pa lamang niya ito nilampasan at dirediretsong naglakad papalayo. Hindi naman nagtagal at nakahanap na ng taxi ang dalaga. Akmang sasakay na sana ito ng biglaan siyang hilahin ng binta at inilapit sa katawan nito, napatili ito at pilit na kumakawala sa binata pero sadyang malakas ito at walang pakialam kong nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa kanya.

Nang hindi niya mahila-hila ang dalaga ay agad niya na itong pinangko at iniupo sa may front seat inis na nag cross hands ang dalaga at iyon naman ang ikinatuwa ng binata.

ITUTULOY

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon