I WANT YOU BACK by: JHANSIS CHAPTER THREE

3.1K 29 2
                                    

Mahaba-haba na rin ang binyahe ng dalawa, pero ganu'n nalang ang gulat ng dalaga ng mapagtantong hindi pala sa bahay niya ang tinutumbok na daan ng binata.

"Ano'ng ibig sabihin nito? Saan mo ako dadalhin ha?"sigaw ng dalaga. Ngunit ni hindi man lang siya nagawang lingunin ng katabi.

"Hoy! Cactus itigil mo 'to!"subalit ganun nalang ang pagkadismaya nito ng bahagya lang siyang lingunin nito at ngumiti lang. Iyong ngiting nang-uuyam at nanghahamon.

"Hey! are u deaf or your just a stupid man trying hard to kinapped me?"

"Tss!"sabay ngiti ng mapang-asar. Walang magawang nakatingin lang ang dalaga sa lalaki.

"Asar! puwede ba lalaking may tinik! makinig ka, wala kang mahihita sa akin naiintindihan mo? Please stop the car or else i will kick your ass and slap you!"

"Tumigil ka nga ingay mo! And who do you say I am? Cactus? May tinik? Baka gusto mong magka-bond aid."

"Aba't antipatikong Cactus na 'to ah, sarap batukan." Himutok nito sa kanyang sarili. "Yabang mo! Akala mo naman siguro mabenta 'yang pagmumukha mong kasing kapal ng aspalto,"

"Narinig ko 'yun babaeng amazona, sya nga pala ano nangyari kanina sa office?"bahagyang nilingon ang dalaga ng maalala nito ang kaguluhang naganap.

"Pakialam mo sa nangyari?"naiinis na binalingan na naman nito sa muling pagkakataon ang binata.

Habang nasa daan ang atensiyon ng binata ang dalaga nama'y hindi mapakali sa kinauupuan nito. Pakiwari niya ay may kung anong mainit na kuryente ang siyang dumadaloy sa kanyang kaugatan. Iyon bang pakiramdam na kahit pilit niyang tinatakasan ay 'di naman niya matakasan. Isang pakiramdam na sa una'y nagpapasiya sa kanya ngunit sa kasulok-sulukan nama'y pilit na naglalaban ang kanyang isipan at ang kanyang puso sa tunay na estado ng kanyang damdamin para sa binata.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng bigla na lamang lumakas ang boses ng binata.

"Hoy! babaeng amazona, tinatanong kita. Puwede ba, sagutin mo naman ang katanungan ko?"

"Aba't amazona talaga? Hindi man pang sinabing miss beautiful, miss gorgeous as in amazona talaga agad?"mahinang anas ng dalaga. Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa siya pinapakinggan ng katabi.

"Aray!" Hiyaw ng binata sabay napabaling ang tingin sa dalaga. "What the hell are you doing? Are you out of your mind?"reklamo ng binata sa dalaga.

"Am I? I just don't care about you! I don't even care if you're just mad or not.I just want you to stop the car pwede ba, hindi mo ako alila na pupuwede mong sigaw-sigawan! The hell na gawin mo sa'kin yan."sa 'di malamang kadahilanan ay agad na inihinto ng binata ang sasakyan na siya namang nagpabagok sa ulo ng dalaga.

"Oh that's bullshit Dennis, how could you!"baling ng dalaga sa katabi. Hindi niya maintindihan ang sarili pero alam niya na kapag hindi niya gagawin ito ay malamang hindi rin titigil ang binata. Lalo pa ngayon at pakiramdam niya'y nanghihina na naman siyang muli.

"Ikaw ang tumigil puwede ba? Kanina ka pa ah, at kanina pa rin ako nanggagalaiti sa'yo. Sabi mo, ihinto ang sasakyan ayan inihinto ko na, pero dinaig mo pa ang chain saw sa talas ng dila mo!" inis na turan ni Dennis sa dalaga at halata ang pag-iiba ng awra nito.

"You! Dimwit, just shut your fucking mouth."

Sa narinig ng binata ay agad itong napabaling sa dalaga.

"Ano ba'ng gusto mo?"anito sabay inilapit ang mukha sa dalaga na nagpamula sa pisnge nito.

"Stay where you are sitting mister Dennis or else--"

"Or else what? Don't tell me you've never been kissed? Am I right Miss De Guzman? Would you care if I'll make my lips kissable to you?" Anya sabay kabig nito sa dalaga at walang pasubaling sinakop nito ang mamula-mulang labi ng kaharap.

'Di naman malaman ni Dennis ang gagawin, naguguluhan ito sa mga ikinikilos niya ng mga oras na iyon. Galit lang dapat ang iiral sa puso niya, pagkamuhi't paghihiganti dahil sa pagkawala ng babaeng nag-iisang minahal niya ng sobra.

"I'm sorry! Ihahatid na kita sa inyo." sa huli ay naibuladas na lamang nito habang ang dalaga nama'y 'di na nakaimik dahil sa pagkahiya at pilit na iniiwasan ng tingin ang binatang katabi niya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata bago itong magsimula na namang muli sa pagmamaneho. Pakiwari niya ay may kung anong bultahi ng kuryente ang siyang oumukaw sa natutulog nitong damdamin.

"Shit Dennis, what happened to you? Wala sa plano mo ito, hindi ka pwedeng ma-inlove sa babaeng ito, hindi pwede!"kastigo nito sa sarili. Napasulyap ito sa dalaga na magpahanggang sa makarating sila sa bahay nito ay wala pa ring kaimik-imik. Tila nagmistulang maniquin ang dalawa na wala pa ring kibuan.

Palabas na sana ng kotse ang dalaga ng walang ano ano'y hinila nya ito pabalik sa loob, tumikhim muna ito bago magsalita

"Ciara I-I'm really sorry for what happen earlier. I was just out of control dahil sa galit ko. Pero ang halik na iyon, wala lang 'yun."aniyang sumeryoso ang mukha. Agad naman siyang nilingon ng dalaga at kimi ang ngiting humarap ito sa kanya saka nagpaalam na lumabas na ng kotse. Bahagya pang nanatili si Dennis kung saan s'ya nakatanaw sa dalaga.

Binuhay nito ang makina ng kanyang sasakyan ng may mamataan itong isang batang may bitbit na mga bulaklak at pakiwari niya'y tsokolate. Ewan ba niya, pero habang tinitingnan niya ang dalagang nakangiting inaabot ang mga dala'y may kung anong kirot itong nararamdaman.

"Ano pa ba ang ginagawa ko dito?"tanong nito sa kanyang sarili. Agad namang napakuno't noo ang binata ng sa muli ay sulyapan nito ang dalawa.

"Aba't talagang nakangiti pa talaga ah," pagsasatinig nito. Agad itong napalabas ng kanyang sasakyan dahilan para magtaka naman ang dalaga sa kanya.

"Kanino galing 'yan hah?" paangil na tanong nito sa dalaga.

"Aba malay ko, basta nalang inabot sakin ng bata eh, tinanggap ko na blessing eh."

"Akin na 'yan, and do I tell you not to accept anything unless it came from me?" sabay hila nito sa hawak ng dalaga. "And you're not allow to talk to strangers unless I told you to do so. Hindi ito pakiusap dahil hindi ko hilig ang makiusap sa taong wala akong pakialam."

"Walang pakialam? Eh halos pinakikialaman mo na lahat ng ginagawa ko Mr. Dennis. Baka nakakalimutan mo, buhay ko ito at hindi sa'yo. You may go now."utos nito sa binatang nakatitig parin sa kanya.

"Puwede bang sumunod ka nalang sa mga sinasabi ko,"

"At bakit ko naman gagawin ang sundin ang utos mo? Sino ka ba sa akala mo? Boss ba kita?"

"Basta gawin mo nalang!"

"Eh bakit naman kita susundin?"pang-aasar pa ng dalaga.

"Basta gawin mo nalang ang sinasabi ko!"

"Eh bakit nga kasi?"

"Dahil nagseselos ako! Ano, masaya ka na ba sa narinig mo ha?"sigaw ng binata sabay padarag na pumasok sa loob ng kotse nito.

Ewan ba niya at iyon ang nasabi niya sa dalaga. Wala naman sa isip niya ang magselos at sabihin iyon sa dalaga eh. Kusa niya lang naramdaman. Ang akala niya ay mawawala lang iyon kapag naglaon, pero hindi nangyari iyon. Dahil hindi nawawala ang galit niya sa mga De Guzman.

Hindi katagalan ay pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan at walang paalam na iniwanan ang dalagang hinadi parin nakahuma dahil sa kanyang narinig.

"N-nagsi n-nagseselos s-siya?"anitong hindi parin makapaniwala. Habang may kung sinong tao naman ang kanina pang napapakunot ang noo habang tinatanaw siya sa likod ng malaking halaman ng kanilang harden.

Nang tuluyan na ngang makalayo ang sasakyan ng binata'y doon pa lamang napanumbalik ang kaisipan ng dalaga.

"Yes!"sigaw niya na may pasayaw-sayaw pang ginawa.

"Anong yes?"isang baretonong boses ng lalaki ang siyang nagpatigil sa dalaga sabay napatutop ito sa kanyang bibig.

ITUTULOY.........

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon